• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

‘Nakikialam di naman kasali!’ Atty. Vince, balak kasuhan si Juliana

Richard de Leon by Richard de Leon
August 4, 2022
in Showbiz atbp.
0
‘Nakikialam di naman kasali!’ Atty. Vince, balak kasuhan si Juliana

Atty. Vince Tañada at Juliana Parizcova Segovia (Larawan mula sa FB/IG)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nag-iisip-isip na umano ang award-winning director-writer na si Vince Tañada kung sasampahan ba niya ng kaso si Miss Q&A Grand Winner Juliana Parizcova Segovia, dahil umano sa mga malisyosong ipino-post nito sa social media, kaugnay sa kaniya at sa pelikulang “Katips”, lalo na nang manalo ito at humakot ng mga parangal sa 70th FAMAS.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/31/pelikulang-katips-hakot-awards-sa-famas-iba-pang-nagwagi-alamin/

Matatandaang nag-post si Juliana na babatiin sana niya ang direktor pero pinag-iisipan pa niya kung gagawin niya. Kalakip nito ang ilang screengrab sa Facebook ng mga akusasyong malapit ang direktor sa mga taga-FAMAS, at naging direktor pa mismo ito ng awards night noong 2021.

Tinawag pa itong “pa-victim na pelikula” ng komedyante.

“Babatiin ko na sana yung humakot daw ng awards sa FAMAS at pelikulang pa-victim na kunwari tinatapangan para itapat sa Maid in Malacañang, kaso andaming resibo. Sige na nga… Congrats Haahahaha!” mababasa sa Facebook post ni Juliana.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/31/juliana-may-patutsada-sa-direktor-na-humakot-ng-awards-sa-famas-pelikulang-pa-victim/

Sa naging panayam ng DZRH at naisulat din sa Philippine Entertainment Portal o PEP sa direktor, hindi umano ito nagustuhan ni Tañada. Sana raw ay magkaroon na ng aral ang mga nagpapakalat ng pekeng impormasyon o pekeng balita.

Dahil isa ring abogado si Tañada, sumang-ayon daw ang mga kasamahan niya sa law firm na libelous ang post ni Juliana laban sa kaniya. Malinaw daw na isa itong malicious imputation at paninirang-puri lamang.

Mas naiintindihan at mapapalagpas pa raw niya ang mga sinasabi laban sa kaniya ng mismong direktor ng MiM na si Darryl Yap dahil siyempre, ito mismo ang nagsulat ng iskrip at nagdirehe ng naturang pelikula.

Kaya nagtataka ang direktor kung bakit “nakikisawsaw” ang komedyante gayong hindi naman siya bahagi ng cast.

“Pero itong si Juliana ay nagtataka ako, wala naman siyang… hindi naman siya kasali sa pelikulang Maid in Malacañang, pero nakikialam siya at nagsasalita sa mga ganitong bagay,” ani Atty. Vince.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Juliana kaugnay nito.

Tags: Juliana Parizcova SegoviaKatipsMaid in MalacañangVince Tañada
Previous Post

Chopper deal sa Russia, kinansela ng PH gov’t

Next Post

Jimmy Bondoc, nasunugan ng studio: ‘Siguro… I lost a million pesos worth of equipment!’

Next Post
Jimmy Bondoc, nasunugan ng studio: ‘Siguro… I lost a million pesos worth of equipment!’

Jimmy Bondoc, nasunugan ng studio: 'Siguro... I lost a million pesos worth of equipment!'

Broom Broom Balita

  • ₱25M marijuana, sinunog sa Kalinga, Benguet — PNP
  • Mga nasawi dahil sa sama ng panahon, umabot na sa 43
  • Johnny Abarrientos, pagmumultahin: Pag-‘dirty finger’ kay Converge import Jamaal Franklin, nag-viral
  • DA, inaprubahan ang ₱110 milyong pondo para sa rubber plantations sa Basilan
  • Tres ni McCree, sumablay: Magnolia, taob sa Converge
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.