• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

DepEd: Mga nagpatala para sa SY 2022-2023, nasa 15.2M na

Mary Ann Santiago by Mary Ann Santiago
August 4, 2022
in Balita, National / Metro
0
Alegasyon ng pag-abuso sa PHSA, iimbestigahan ng DepEd at NBI

(DepEd / Manila Bulletin)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Umaabot na sa mahigit 15.2 milyon ang bilang ng mga estudyante na nakapagpatala na para sa School Year 2022-2023 hanggang nitong Huwebes, Agosto 4.

Batay sa inilabas na datos ng Department of Education (DepEd), nabatid na hanggang 7:00 ng umaga nitong Agosto 4, 2022, ay umaabot na sa 15,261,695 ang kabuuang bilang ng mga enrolled learners sa bansa.

Sa naturang bilang, 1,009,873 ang kindergarten; 7,055,511 ang elementary; 4,923,764 ang junior high school at 2,272,547 ang senior high school.

Pinakamarami ang nakapagpatala sa Region IV-A (Calabarzon) na umabot sa 2,258,757 na sinusundan ng National Capital Region (NCR) na nasa 1,795,839 at Region III (Central Luzon) na nasa 1,511,950 naman.

Pinakamababa pa rin ang enrollees sa Cordillera Administrative Region (CAR) na nasa 156,416 pa lamang.

Ang enrollment period para sa SY 2022-2023 ay sinimulan noong Hulyo 25 at magtatapos sa Agosto 22, 2022, na siya ring unang araw ng pasukan.

Target naman ng DepEd na makapagtala ng hanggang 28 milyong mag-aaral.

“Tandaan na mayroon tayong tatlong pamamaraan sa pagpapatala: in-person, remote, at dropbox enrollment.  Dagdag pa rito, ang ating mga Alternative Learning System (ALS) learners ay maaari na ring magpatala nang in-person o digital,” anang DepEd.

Paalala pa nito, “Sa pagpunta sa mga paaralan, ating panatilihin ang proteksyon ng bawat isa. Huwag kalimutang sundin ang ating mga health and safety protocols. Sama-sama sa ligtas na balik-aral! Magparehistro na sa inyong paaralan!” 

Tags: Department of Education (DepEd)depedSchool Year 2022-2023
Previous Post

₱20 kada kilo ng bigas, ‘di pa posible sa ngayon– Sen. Cynthia Villar

Next Post

State of calamity idineklara sa Tabuk City, Kalinga dahil sa pagtaas ng dengue cases

Next Post
Pagtaas ng dengue cases sa 3 rehiyon sa bansa, masusing minomonitor ng DOH

State of calamity idineklara sa Tabuk City, Kalinga dahil sa pagtaas ng dengue cases

Broom Broom Balita

  • Chito Miranda, tiwala sa vision ni Neri pagdating sa pagnenegosyo
  • Grupo ng US senators na bibisita sana kay De Lima, hinarang
  • Indigent students, makatatanggap ng financial aid kada Sabado — DSWD
  • Paglalabas ng monthly allowance sa UDM, nilagdaan na ni Mayor Honey
  • Dating barangay chairman, nahaharap sa 3 mabibigat na kaso
Grupo ng US senators na bibisita sana kay De Lima, hinarang

Grupo ng US senators na bibisita sana kay De Lima, hinarang

August 18, 2022
Indigent students, makatatanggap ng financial aid kada Sabado — DSWD

Indigent students, makatatanggap ng financial aid kada Sabado — DSWD

August 18, 2022
Mayor Honey: Mga mag-aaral sa Maynila, ligtas sa COVID-19 at dengue

Paglalabas ng monthly allowance sa UDM, nilagdaan na ni Mayor Honey

August 18, 2022
Dating barangay chairman, nahaharap sa 3 mabibigat na kaso

Dating barangay chairman, nahaharap sa 3 mabibigat na kaso

August 18, 2022
Bodega, sinalakay! Libu-libong sakong asukal, nadiskubre sa Pampanga

Bodega, sinalakay! Libu-libong sakong asukal, nadiskubre sa Pampanga

August 18, 2022
Nabakunahan vs COVID-19 sa Caloocan City, umabot na sa 200K

OCTA: Covid-19 cases sa NCR, nasa downward trend na!

August 18, 2022
Kauna-unahang registered female architect ng Pilipinas, nabigyan ng 100K

Kauna-unahang registered female architect ng Pilipinas, nabigyan ng 100K

August 18, 2022
‘EMMAN MEETS JOAQUI’: Peachy Santos, ipinakilala ang bagong nobyo sa ex nitong si Emman

‘EMMAN MEETS JOAQUI’: Peachy Santos, ipinakilala ang bagong nobyo sa ex nitong si Emman

August 18, 2022
Dagdag na ₱5B, gagastusin kung ipo-postpone 2022 Brgy., SK elections — Comelec

Dagdag na ₱5B, gagastusin kung ipo-postpone 2022 Brgy., SK elections — Comelec

August 18, 2022
Most wanted person ng NCR na akusado ng rape, sexual assault, timbog!

Most wanted person ng NCR na akusado ng rape, sexual assault, timbog!

August 18, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.