• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home National

Teachers’ group sa DepEd: ‘School opening, gawing Setyembre’

Rommel Tabbad by Rommel Tabbad
August 3, 2022
in National
0
Teachers’ group sa DepEd: ‘School opening, gawing Setyembre’
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Umaapela ang grupo ng mga guro kay Vice President, Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte-Carpio na itakda na lamang sa Setyembre ang pagbubukas ng klase sa buong bansa upang makapagpahinga sila nang husto.

Iginiit ni Teachers’ Dignity Coalition (TDC) national chairperson Benjo Basas, may karapatan ang mga guro na mabigyan ng dalawang buwan na summer break sa regular school year.

“Walang problema sa amin ang face-to-face [classes]. Ang sa amin lamang naman, ang mga teachers natin hanggang ngayon, hindi pa nagpapahinga, hanggang ngayon hindi pa nagkakaroon ng maayos na rest,” pagdidiin nito nang kapanayamin sa telebisyon.

Wala umanong sick at vacation leave ang mga guro hindi katulad g mga empleyado.

Aniya, ang huling school year ay natapos noong Hunyo 24 at ipinatupad naman ang “Brigada Eskwela” noong Agosto 1-26.

Nakatakda na sa Agosto 22 ang susunod na school year at matatapos ito sa Hulyo 7 sa susunod na taon.

Sa kautusan ng DepEd, maaaring ipairal ng mga pribado at pampublikong paaralan ang pagsasagawa ng distance at blended learning hanggang Oktubre 31, 2022.

Simula Nobyembre 2, magpapatupad ng limang araw na in-person classes kada linggo anuman ang Covid-19 alert level status sa kanilang lugar.

Paliwanag naman ni Basas, tinalakay na nila kay Duterte-Carpio ang usapin sa isang virtual meeting nitong Martes.

“Sabi niya, as of now, ito na talaga, tuloy tayo sa August 22. Pero, hindi naman siya nagsara (ng usapin).Hindi naman kami nawawalan ng pag-asa, lalo na that’s the first time na directly nakausap natin ‘yung ating Vice President and Secretary,” dagdag nito.

Aabot na sa 13 milyon ang naka-enroll para sa School Year 2022-2023. 

Previous Post

‘Jericho Rosales’, namataang palakad-lakad sa isang amusement park sa Davao

Next Post

50 miyembro ng Communist Terrorist Group, sumuko sa Cordillera

Next Post
50 miyembro ng Communist Terrorist Group, sumuko sa Cordillera

50 miyembro ng Communist Terrorist Group, sumuko sa Cordillera

Broom Broom Balita

  • DHSUD, ‘di nangongolekta ng membership fee para sa programang pabahay
  • Mayor Wes Gatchalian, hindi rin nagpahuli sa bagong nauuso na social networking app
  • Ex-NBA player KJ McDaniels, ‘di umubra–Meralco, sinagasaan ng Dyip
  • Nasa 3,000 MT inangkat na sibuyas, nakarating sa bansa
  • ‘True meaning of compassion’: Netizens, naantig sa batang kumukupkop ng stray cats
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.