• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Sen. Raffy Tulfo, nagbabala sa mga politikong may kinalaman sa malawakang brownout

Leonel Abasola by Leonel Abasola
August 3, 2022
in Balita, National / Metro
0
Sen. Raffy Tulfo, nagbabala sa mga politikong may kinalaman sa malawakang brownout

Photo courtesy: SENATE PRIB/FILE PHOTO

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nagbabala si Senador Raffy Tulfo sa mga politiko na may kinalaman umano sa mga malawakang brownout sa mga lalawigan at maging sa mataas na presyo ng kuryente. 

“Nalaman ko ang problema ng mga consumers, lalo na ang mga mahihirap, sa pamamagitan ng aking show na ‘Wanted sa Radyo.’ Kaya ngayong nandito na ako sa Senado, sisiguraduhin kong maaksyunan ko agad mga kinakaharap na problema ng taumbayan, lalo na ang madalas na brownout sa mga probinsya, kabilang na diyan ang Palawan, Bataan at Davao,” ayon kay Tulfo

“Maniningil din ako. Una, kung kailangan ipatawag, ay ipapatawag natin ang mga politikong kapitalista na maaaring kasosyo o direktor ng electric cooperatives na dahilan ng madalas na brownout sa mga probinsya,” dagdag niya

“Kaibigan ko man sila o hindi, maniningil ako, dahil iyan ang pangako ko sa mga Pilipinong bumoto sa akin: Kapag ako ay naging Senador na, lahat ng nilapit nila sa akin na problema ay madidinig sa Senado. Magsasagawa ako ng mga pagdinig sa Senado sa lalong madaling panahon. Dapat aksyon agad,” sambit pa nito

Upang maayos na matugunan ang iba pang isyu na may kinalaman sa enerhiya, sinabi ni Tulfo na handa siyang magtakda ng mga pagpupulong upang marinig ang mga panukala ng mga eksperto at stakeholders.

Aniya araw-araw ay may mga kababayan tayong nagdurusa dahil sa problema sa enerhiya.

Ilan sa mga priority bills sa Komite ng Enerhiya ngayong 19th Congress ay ang Senate Bill (SB) No. 358 o tinatawag ding “Recoverable System Loss Act,” SB No. 151 o ang “Waste to Energy Act” at SB No. 156 o ang “Energy Advocate Act.” 

Tags: Raffy Tulfo
Previous Post

Andrea, napa-react sa meme ng mga netizen sa bitbit niyang clutch bag sa GMA Gala Night

Next Post

Online influencers Sassa Gurl at AC, pabirong ‘nagbardagulan’; iniisyung nagpaplastikan lang daw

Next Post
Online influencers Sassa Gurl at AC, pabirong ‘nagbardagulan’; iniisyung nagpaplastikan lang daw

Online influencers Sassa Gurl at AC, pabirong 'nagbardagulan'; iniisyung nagpaplastikan lang daw

Broom Broom Balita

  • Higit 200, patay sa salpukan ng 3 tren sa India
  • ‘Ganito pala dapat!’ Resignation letter ng Eat Bulaga hosts, pinagdiskitahan
  • Sulu, niyanig ng magnitude 4.6 na lindol
  • GMA, kanino pumapanig sa TVJ-TAPE saga? Annette Gozon-Valdes, nagsalita
  • Julia Barretto, tagasalo ni Bea Alonzo sa naunsyaming pelikula nila ni Alden
‘Ganito pala dapat!’ Resignation letter ng Eat Bulaga hosts, pinagdiskitahan

‘Ganito pala dapat!’ Resignation letter ng Eat Bulaga hosts, pinagdiskitahan

June 3, 2023
Cagayan, niyanig ng magnitude 4.5 na lindol

Sulu, niyanig ng magnitude 4.6 na lindol

June 3, 2023
GMA, kanino pumapanig sa TVJ-TAPE saga? Annette Gozon-Valdes, nagsalita

GMA, kanino pumapanig sa TVJ-TAPE saga? Annette Gozon-Valdes, nagsalita

June 3, 2023
Julia Barretto, tagasalo ni Bea Alonzo sa naunsyaming pelikula nila ni Alden

Julia Barretto, tagasalo ni Bea Alonzo sa naunsyaming pelikula nila ni Alden

June 3, 2023
Cagayan, niyanig ng magnitude 4.5 na lindol

Masbate, niyanig ng magnitude 4.6 na lindol

June 3, 2023
Inflation ng Pilipinas, bumagal

Inflation ng Pilipinas, bumagal

June 2, 2023
DOH, nakapagtala ng dagdag 28,471 bagong kaso ng COVID-19

Covid-19 positivity rate sa Metro Manila, bahagyang bumaba

June 2, 2023
Mga proyektong pangkaunlaran, inaprubahan na ng NEDA

Mga proyektong pangkaunlaran, inaprubahan na ng NEDA

June 2, 2023
RDRRMC CALABARZON, inabisuyan ang publiko vs fake news hinggil sa Bulkang Taal

Phivolcs, nagbabala sa nagpapatuloy na low-level activity sa Bulkang Taal

June 2, 2023
Attached agencies ng DILG, ida-drug test

Attached agencies ng DILG, ida-drug test

June 2, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.