• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Online influencers Sassa Gurl at AC, pabirong ‘nagbardagulan’; iniisyung nagpaplastikan lang daw

Richard de Leon by Richard de Leon
August 3, 2022
in Showbiz atbp.
0
Online influencers Sassa Gurl at AC, pabirong ‘nagbardagulan’; iniisyung nagpaplastikan lang daw

Sassa Gurl at AC Soriano (Larawan mula sa Twitter)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Iniisyu ng ilang netizen na nagpaplastikan lamang daw ang dalawang social media influencers at parehong Kakampink na sina Sassa Gurl at AC.

Sa panahon ng nagdaang kampanya, dalawa sila sa social media influencers na aktibo sa pangangampanya para sa Leni-Kiko tandem.

Sa Twitter, may ilang mga netizen ang nag-isyung hindi raw sila close sa isa’t isa at nagpaplastikan lamang.

“Sa ulo ng mga nagbabagang balita, Sassa at AC, nahuli sa cctv, close sa camera pero nagbabardagulan sa off-cam?” saad ng isang netizen.

Ibinahagi pa ng isang netizen ang ganitong tweet, “[BLIND ITEM] SINETCH ITEY?! Dalawang maasim at ‘sikat’ na TikTokers na nagpaplastikan lang daw? Ni ‘hello’ at ‘hi’ daw wala man lang kapag nagkikita. For the snobban daw ang mga ferson! Di ko sinasabing si SG at AC to ah but since ang clue ay ‘maasim’ at ‘TikToker,’ baka sila yun.”

Bagay na niretweet naman ni Sassa Gurl at kinomentuhan. Pinabulaanan niya ito at nilinaw na close talaga sila ni AC.

“Napaka-sensitive naman nakshit! Di lang nagkibuan warla na agad. Finake news naman agad! Close kami ni @itsacslife
dikit pa sa ngipin ko. shutakayo. Hahaha,” saad niya sa tweet.

Napaka sensitive naman nakshit! di lang nagkibuan warla na agad. Finake news naman agad! Close kami ni @itsacslife dikit pa sa ngipin ko. shutakayo. hahaha 😘 https://t.co/lPUwP7OQY0 pic.twitter.com/1XXQgVjQCx

— Sassa Gurl 🏳️‍🌈 (@Itssassagurl) August 1, 2022

Tila sinakyan na lamang ng dalawang social media influencers ang “bardagulan”. Pabiro namang nag-tweet si AC, “Teh pwede ba? sino ba sa atin ang nauunang tumalikod habang nakikipag-usap, @itssassagurl? Hirap kausap pag sensitive te ah tama na ang pagmamaasim.”

teh pwede ba? sino ba sa atin ang nauunang tumalikod habang nakikipag-usap, @itssassagurl? hirap kausap pag sensitive te ah tama na ang pagmamaasim 🙄 https://t.co/xzu3vwNX6q

— AC (@ItsACsLife) August 2, 2022

Sinagot naman ito ni SG, “Anong di pinapansin te? Chinika kita. Dapat ba maglaplapan tayo para legit na pansinan? Hahaha i-#Listerine Total Care Sensitive mo ‘yan day, nakita ko sa grocery pang-sensitive daw. Bagay sa’yo @itsacslife imumog mo ‘yan.”

Anong di pinapansin te? chinika kita. Dapat ba maglaplapan tayo para legit na pansinan? hahaha i-#Listerine Total Care Sensitive mo yan day, nakita ko sa grocery pang sensitive daw. Bagay sayo @itsacslife imumog mo yan. https://t.co/IvoGwVZDVK

— Sassa Gurl 🏳️‍🌈 (@Itssassagurl) August 2, 2022

Marami naman ang naaliw sa kanilang “bardagulan”.

Si Sassa Gurl ay isang TikToker na nakilala sa kaniyang mga nakatutuwang hirit, at mula sa pandodogshow patungong realidad ay naging calendar model ng isang brand ng whisky noong Enero.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/01/15/sassa-gurl-bagong-calendar-model-ng-isang-whisky-brand/

Mas lalo namang sumikat si AC Soriano dahil sa kaniyang panggagaya sa karakter ni Jodi Sta. Maria sa hit teleseryeng “The Broken Marriage Vow” bilang si Dra. Jill Ilustre, sa pamamagitan ng remix. Mas lalo pa niyang pinasikat ang mga linyahan ni Jodi sa serye gaya ng “Papunta pa lang tayo sa exciting part” at “Nabuntis ni David ang anak ninyo at nagpunta siya ng Amerika para ipalaglag ang bata”.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/27/your-daughter-is-sleeping-with-my-husband-remix-aprub-kay-jodi-sta-maria/

Tags: AC SorianoSassa Gurlsocial media influencers
Previous Post

Sen. Raffy Tulfo, nagbabala sa mga politikong may kinalaman sa malawakang brownout

Next Post

Mananaya mula sa Bulacan, wagi ng ₱15.8M jackpot prize sa Super Lotto 6/49

Next Post
P48-M lotto jackpot, napanalunan ng Bulakenyo!

Mananaya mula sa Bulacan, wagi ng ₱15.8M jackpot prize sa Super Lotto 6/49

Broom Broom Balita

  • ‘Pinagbebenta ng tiket?’ Lead vocalist ng bandang Lily, dismayado raw kay Rendon
  • Patay sa nasunog na barko sa Basilan, 12 na!
  • 1 patay, 4 na-rescue sa nasunog na barko sa Basilan
  • Taga-Tondo, wagi ng ₱34.1M jackpot prize ng Grand Lotto 6/55
  • Oil slicks mula sa MT Princess Empress, patungo sa Naujan, Pola sa Oriental Mindoro – UP expert
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.