• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Pelikulang ‘Katips’, hindi raw anti-Marcos o pro-Aquino

Richard de Leon by Richard de Leon
August 2, 2022
in Showbiz atbp.
0
Pelikulang ‘Katips’, hindi raw anti-Marcos o pro-Aquino

Direk Vince Tanada, Jerome Ponce, Johnrey Rivas, at cast members ng Katips (Larawan mula sa Manila Bulletin)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ipinaliwanag ng award-winning director-writer na si Atty. Vince Tañada na nakabatay sa katotohanan at karanasan ng mga karaniwang mamamayang Pilipino noong panahon ng Batas Militar sa Pilipinas ang ipakikita at ilalarawan ng kaniyang award-winning musical movie na “Katips: Ang mga Bagong Katipunero” na makakalaban naman ng “Maid in Malacañang” tampok naman ang mga pangyayari sa pamilya Marcos, 72 oras bago maganap ang makasaysayang EDSA People Power Revolution.

“Ang dapat abangan ng tao sa ‘Katips’ yung totoo,” aniya sa isang panayam noong Hulyo 27, 2022.

Iginiit ng direktor na hindi ito pelikulang anti-Marcos o pro-Aquino.

“Yung ‘Maid in Malacañang’, story ng mga Marcoses tapos narinig na rin natin yung story ng mga Aquino. And hindi natin naririnig yung tao sa gitna ng awayan ng dalawang pamilya na ito.”

“This is not an anti-Marcos movie. This is not a pro-Aquino movie.”

“This is about the experience of ordinary Filipinos na nabuhay sa panahon ng Martial Law. May positibo, may negatibo, dapat natin alamin at dapat nating mapanood.”

Matatandaang hayagang sinabi ni Direk Vince na lalabanan niya ang MIM ni Darryl Yap at Viva Films.

“Nilabanan ko talaga yung Maid in Malacañang,” saad ni Tañada sa isinagawang press conference. China-challenge ako… china-challenge tao ng Maid in Malacañang, kaya nag-react nang ganoon si Direk Joel (Lamangan). Sabi ni Direk Joel, gagawa siya ng mga pelikula, eh ito nagawa na namin.”

Noong 2021 pa pala nagawa ang pelikulang “Katips” na kasama sa mga nominado sa prestihiyosong FAMAS. Ngayon na raw ang oras upang ipalabas na ito sa mga sinehan.

“Sabi ko, now is the time… kasi this is about the truth… and nobody can invalidate me, my personal experience as a victim of Martial Law.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/28/pelikulang-katips-tatapatan-ang-showing-ng-maid-in-malacanang/

Umani ng iba’t ibang reaksiyon at komento mula umano sa mga tagasuporta ng pamilya Marcos ang kaniyang mga naging pahayag.

“Ang daming bashers kung na-experience ko raw ang Martial Law when I was born in 1974, eh di sanggol daw ako noong nakulong. Hindi lang naman po dapat makulong para ma-experience mo ang horrors of ML. I was a child when my grandfather was incarcerated.”

“Masakit po bilang bata ang maranasan ito lalo’t alam mong nakipaglaban lang si Senador Lorenzo Tañada para sa katotohanan. Paki-research na lang po ang buhay n’ya. #KATIPS,” ayon sa award-winning director-writer.

Pitong parangal mula sa katatapos na awards night ng prestihiyosong Filipino Academy of Movie Arts and Sciences Awards o FAMAS, ang nabitbit pauwi ng pelikula.

Bago pa man ang FAMAS, nakatanggap na rin ng mga parangal ang naturang musical film na patungkol sa mga biktima ng Batas Militar noong dekada ’70.

Best Director at Best Actor mismo si Tañada. Katips naman ang Best Picture at nakakuha ng Best Musical Score, Best Cinematography, at Best Original Song (Sa Gitna ng Gulo). Best Supporting Actor naman si Johnrey Rivas na aktor sa entablado ng Philippine Stagers.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/31/pelikulang-katips-hakot-awards-sa-famas-iba-pang-nagwagi-alamin/

Mapapanood ang Katips sa mga sinehan bukas, Agosto 2.

Tags: Anti-MarcosKatipsMaid in Malacañangpro-AquinoVince Tañada
Previous Post

QC Mayor Joy Belmonte, inendorso ang pelikulang ‘Katips’

Next Post

Giselle, nagpaliwanag tungkol sa kaniyang ‘most controversial role’ sa Maid in Malacañang

Next Post
Giselle, nagpaliwanag tungkol sa kaniyang ‘most controversial role’ sa Maid in Malacañang

Giselle, nagpaliwanag tungkol sa kaniyang 'most controversial role' sa Maid in Malacañang

Broom Broom Balita

  • Habagat, makaaapekto sa kanluran ng Southern Luzon, Visayas
  • Tito Boy, late sa kaniyang afternoon show; Guest na si Rocco, sinalo ang opening spiel
  • Kathryn nahirapang makatrabaho si Dolly
  • Phivolcs: ‘Walang tsunami threat mula sa magnitude 6.6 na lindol sa Davao Occidental’
  • Davao Occidental, niyanig ng magnitude 6.6 na lindol
Habagat, makaaapekto sa kanluran ng Southern Luzon, Visayas

Habagat, makaaapekto sa kanluran ng Southern Luzon, Visayas

September 26, 2023
Tito Boy, late sa kaniyang afternoon show; Guest na si Rocco, sinalo ang opening spiel

Tito Boy, late sa kaniyang afternoon show; Guest na si Rocco, sinalo ang opening spiel

September 26, 2023
Kathryn nahirapang makatrabaho si Dolly

Kathryn nahirapang makatrabaho si Dolly

September 26, 2023
Phivolcs: ‘Walang tsunami threat mula sa magnitude 6.6 na lindol sa Davao Occidental’

Phivolcs: ‘Walang tsunami threat mula sa magnitude 6.6 na lindol sa Davao Occidental’

September 26, 2023
Davao Occidental, niyanig ng magnitude 6.6 na lindol

Davao Occidental, niyanig ng magnitude 6.6 na lindol

September 26, 2023
Kim hindi imbitado sa kasal ni Maja: ‘Di naman kami sobrang close na!’

Kim hindi imbitado sa kasal ni Maja: ‘Di naman kami sobrang close na!’

September 26, 2023
54.49% ng mga kumuha ng Physician Licensure Exam, pasado!

F2F oathtaking para sa bagong sanitary engineers, kasado na

September 25, 2023
Escudero, hinikayat si PBBM na magtalaga ng full-time DA secretary

Escudero, hinikayat si PBBM na magtalaga ng full-time DA secretary

September 26, 2023
Dingdong Dantes, may ibinunyag sa behind-the-scene ng ‘Royal Blood’

Dingdong Dantes, may ibinunyag sa behind-the-scene ng ‘Royal Blood’

September 25, 2023
‘Daddy’s always at my back (pack)!’ Bag ng Grade 5 pupil, kinagiliwan

‘Daddy’s always at my back (pack)!’ Bag ng Grade 5 pupil, kinagiliwan

September 25, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.