• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

PCSO, nagkaloob ng ₱500K tulong kay Lydia de Vega-Mercado

Mary Ann Santiago by Mary Ann Santiago
August 2, 2022
in Balita, National / Metro, Sports
0
PCSO, nagkaloob ng ₱500K tulong kay Lydia de Vega-Mercado

Photo: Noel B. Pabalate/MB

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Pinagkalooban ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ng tulong pinansiyal si Track and Field Legend Lydia de Vega-Mercado na ngayon ay nakikipaglaban sa Stage 4 breast cancer.

Mismong sina PCSO Chairperson Junie Cua at PCSO Vice Chairperson at General Manager Melquiades Robles ang nagkaloob ng tseke na nagkakahalaga ng ₱500,000 para magamit ni de Vega sa kanyang pagpapagamot, sa isang simpleng seremonya sa PCSO main office sa Mandaluyong City, dakong alas-11:00 ng umaga, nitong Martes.

Ang naturang tseke ay tinanggap naman ng anak ni de Vega na si Stephanie Mercado de Koenigswarter.

Sa isang mensahe, labis na nagpasalamat si de Koenigswarter sa tulong pinansiyal na ipinagkaloob ng PCSO para sa kanyang ina.
Si de Vega ay kasalukuyang sumasailalim sa medical treatment sa Makati Medical Center dahil sa breast cancer.

Ayon kay de Koenigswarter, nagpapasalamat rin ang kanilang buong pamilya sa suportang kanilang natatanggap mula sa publiko at tinatanaw nila ito na malaking utang na loob.

Tiniyak rin niya na matibay at patuloy na lumalaban ang kanilang ina sa tinagurian nilang ‘biggest race’ ng buhay nito.

Umapela rin naman ang anak ni de Vega ng panalangin at patuloy na suporta para sa kanyang ina.

Sa kanyang panig, sinabi naman ni Robles na batid nilang hindi pa sapat ang naitulong ng PCSO para kay de Vega dahil mahaba pa ang laban nito.

Nanawagan rin naman si Robles sa publiko na makiisa at tumulong rin kay de Vega.

Matatandaang si de Vega-Mercado, na tumakbo noong 1984 Los Angeles Olympic at sa 1986 Asian Games sa Seoul, South Korea, ay naging kauna-unahang manlalaro na nagwagi ng back-to-back gold medals sa 100-meter dash.

Ang naturang karangalan ang nagluklok sa kanya sa kasikatan at naging dahilan upang tagurian siyang Asia’s fastest woman at Sprint Queen noong 80s.

Siya rin ang naging kauna-unahang Pinay na tumakbo at nakipag-compete sa Olympics.

Ang kanyang mga naging accomplishments ay nagsilbing inspirasyon naman para sa bayan at motibasyon sa mga Pinoy. 

Tags: lydia de vegapcso
Previous Post

Mayor Vico, dinepensahan ng mga netizen sa pag-welcome nito kay PBBM sa Pasig

Next Post

‘Saan ka ngayon?’ Ms. Manila, hinahanap ng mga netizen matapos mag-1st runner-up ni Herlene Budol

Next Post
‘Saan ka ngayon?’ Ms. Manila, hinahanap ng mga netizen matapos mag-1st runner-up ni Herlene Budol

'Saan ka ngayon?' Ms. Manila, hinahanap ng mga netizen matapos mag-1st runner-up ni Herlene Budol

Broom Broom Balita

  • Indigent students, makatatanggap ng financial aid kada Sabado — DSWD
  • Paglalabas ng monthly allowance sa UDM, nilagdaan na ni Mayor Honey
  • Dating barangay chairman, nahaharap sa 3 mabibigat na kaso
  • Bodega, sinalakay! Libu-libong sakong asukal, nadiskubre sa Pampanga
  • OCTA: Covid-19 cases sa NCR, nasa downward trend na!
Indigent students, makatatanggap ng financial aid kada Sabado — DSWD

Indigent students, makatatanggap ng financial aid kada Sabado — DSWD

August 18, 2022
Mayor Honey: Mga mag-aaral sa Maynila, ligtas sa COVID-19 at dengue

Paglalabas ng monthly allowance sa UDM, nilagdaan na ni Mayor Honey

August 18, 2022
Dating barangay chairman, nahaharap sa 3 mabibigat na kaso

Dating barangay chairman, nahaharap sa 3 mabibigat na kaso

August 18, 2022
Bodega, sinalakay! Libu-libong sakong asukal, nadiskubre sa Pampanga

Bodega, sinalakay! Libu-libong sakong asukal, nadiskubre sa Pampanga

August 18, 2022
Nabakunahan vs COVID-19 sa Caloocan City, umabot na sa 200K

OCTA: Covid-19 cases sa NCR, nasa downward trend na!

August 18, 2022
Kauna-unahang registered female architect ng Pilipinas, nabigyan ng 100K

Kauna-unahang registered female architect ng Pilipinas, nabigyan ng 100K

August 18, 2022
‘EMMAN MEETS JOAQUI’: Peachy Santos, ipinakilala ang bagong nobyo sa ex nitong si Emman

‘EMMAN MEETS JOAQUI’: Peachy Santos, ipinakilala ang bagong nobyo sa ex nitong si Emman

August 18, 2022
Dagdag na ₱5B, gagastusin kung ipo-postpone 2022 Brgy., SK elections — Comelec

Dagdag na ₱5B, gagastusin kung ipo-postpone 2022 Brgy., SK elections — Comelec

August 18, 2022
Most wanted person ng NCR na akusado ng rape, sexual assault, timbog!

Most wanted person ng NCR na akusado ng rape, sexual assault, timbog!

August 18, 2022
QCPD official, pinapanagot sa hit-and-run sa QC

QCPD official, pinapanagot sa hit-and-run sa QC

August 18, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.