• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Dalawang unang kaso ng Omicron subvariant BA 2.75, naitala na sa Pilipinas

Mary Ann Santiago by Mary Ann Santiago
August 2, 2022
in Balita, National / Metro
0
Nabakunahan vs COVID-19 sa Caloocan City, umabot na sa 200K
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) nitong Martes na natukoy na nila sa bansa ang dalawang unang kaso ng Omicron subvariant BA 2.75 na tinaguriang “Centaurus.”

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na batay sa pinakahuling genome sequencing run na isinagawa nila, natukoy ang dalawang indibidwal na nagpositibo sa BA.2.75 sa Western Visayas.

Ayon kay Vergeire, kapwa naman magaling na sa sakit ang mga pasyente.

Isa sa mga ito ang partially vaccinated habang hindi naman bakunado ang isa pa.

Biniberipika pa naman aniya ng DOH ang exposure ng mga pasyente sa virus, travel histories, at health status ng mga ito.

Una nang sinabi ni Infectious disease expert Dr. Rontgene Solante na ang BA.2.75 ay maaaring mas nakakahawa kumpara sa iba pang subvariants ng Omicron at may kakayahang makalusot sa kasalukuyang COVID-19 vaccines.

Sinegundahan naman ito ni Vergeire, ngunit nilinaw na wala pang pag-aaral na nagpapakita na ang BA.2.75 ay nagdudulot ng malalang karamdaman.

“Apparently, based on studies and experience of other countries, this is more transmissible and this also has more immune evasion compared to the BA.5. Pero wala pa siyang ebidensya na ito ay nakaka-cause ng more severe infections,” ani Vergeire.

Ang BA.2.75 ay unang natuklasan sa India noong Mayo at unti-unting kumalat sa iba pang bansa.

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang BA.2.75 ay isang variant na under monitoring pa. 

Tags: Omicron subvariant
Previous Post

‘Saan ka ngayon?’ Ms. Manila, hinahanap ng mga netizen matapos mag-1st runner-up ni Herlene Budol

Next Post

Viral ‘overpriced paluto’ ng mga turista sa Virgin Island, iimbestigahan ng lokal na pamahalaan ng Bohol

Next Post
Viral ‘overpriced paluto’ ng mga turista sa Virgin Island, iimbestigahan ng lokal na pamahalaan ng Bohol

Viral 'overpriced paluto' ng mga turista sa Virgin Island, iimbestigahan ng lokal na pamahalaan ng Bohol

Broom Broom Balita

  • ‘Such a cutie!’ GWR, ipinakilala ang aso na may pinakamahabang pilikmata sa buong mundo
  • Marcos, dapat pangunahan tamang pagbabayad ng buwis — kongresista
  • Ex-chief of staff ni Enrile, pinagpipiyansa na ng ₱450,000 sa ‘pork’ case
  • MRT-3, nakapagtala bagong rekord; pinakamataas na bilang mga pasahero, naitala noong Pebrero 8
  • “Singing Karteros” ng Post Office, magpapakilig sa Araw ng mga Puso
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.