• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Carmelite Monastery sa ‘MiM’: ‘This unity can only be built on truth and not on historical distortion’

Nicole Therise Marcelo by Nicole Therise Marcelo
August 3, 2022
in Balita, National / Metro, Showbiz atbp.
0
Carmelite Monastery sa ‘MiM’: ‘This unity can only be built on truth and not on historical distortion’

screenshot: ViVa Films (Facebook)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Naglabas na ng pahayag ang Carmelite Monastery sa Cebu City tungkol sa isang eksena ng pelikulang “Maid in Malacañang” na kung saan makikitang nakikipag-mahjong umano si dating Pangulong Cory Aquino sa mga madre. 

Matatandaan na inilabas ng ViVa Films nitong Agosto 1 ang isang teaser na kung saan makikitang nakasuot ng kulay na dilaw na damit ang karakter ni Giselle Sanchez at nakikipag-mahjong sa tatlong madre. 

“Well-meaning friends have brought to our attention pictures, supposedly coming from the film Maid in Malacañang, which are now trending on social media. The pictures depict the late Cory Aquino together with some religious sisters. The nuns are not wearing our brown religious habit. But if these pictures are portraying the events of February 1986, then the allusion to the Carmelite Order in Cebu is too obvious for anyone not to see,” ayon kay Sister Mary Melanie Costillas, prioress ng Carmelite Monastery sa Mabolo, Cebu.

Ayon kay Costillas, walang sinuman sa production ng pelikula ang lumapit sa kanila para makakuha ng impormasyon tungkol sa totoong nangyari noong 1986. 

“Let it be known that no one responsible for the production of the movie came to us to gather information on what really happened. Any serious scriptwriter or movie director could have shown such elementary diligence before making such a movie,” aniya.

Dagdag pa niya, buhay at aktibo pang naglilingkod ang mga madre sa Carmelite Monastery ng Cebu noong 1986. Isa na raw rito si Sister Mary Aimee Ataviado, na siyang nakatataas noong panahong iyon. 

Inilarawan ni Costillas bilang “malisyoso” ang eksena ng pelikula kung saan naglalaro ng mahjong si Aquino kasama ang mga madre. 

“The attempt to distort history is reprehensible. Depicting the nuns as playing mahjong with Cory Aquino is malicious. It would suggest that while the fate of the country was in peril, we could afford to leisurely play games,” aniya.

Paglalahad pa niya, ang katotohanan umano ay patuloy lamang silang nananalangin noong mga oras na iyon dahil natatakot silang malaman ng mga militar kung saan nagtatago si Aquino.

“The truth was that we were then praying, fasting and making other forms of sacrifices for peace in this country and for the people’s choice to prevail. While in our prayer, we were constantly in fear that the military would come to know of the whereabouts of Ms. Cory Aquino and would soon be knocking at the monastery’s door,” ayon kay Costillas.

Alam din daw nila ang mga panganib nang pumayag silang patuluyin sa monasteryo si Aquino ngunit niya ang katumbas raw nito ay ang kanilang kontribusyon nila upang wakasan ang diktadura. 

“We knew the dangers of allowing Ms. Cory Aquino to hide in the monastery. But we also prayerfully discerned that the risk was worth it, as our contribution to put an end to a dictatorial regime. Indeed, we were ready to defend her at all costs,” paglalahad pa niya.

“Thus, the pictures would trivialize whatever contribution we had to restore democracy. But there is more to the pictures than the trivialization. Over more than seven decades, Cebuanos have asked us to pray for their intentions. With the grace of God, we take this vocation to pray for and with the people in all seriousness. But the pictures would imply that while the country’s fate was in the balance, we mindlessly were simply playing games. Thus, if these pictures were taken as authentic representation of what really happened, they would put into doubt the trust the people have placed in us.

“Lastly, we are praying for the unity of Filipinos. But this unity can only be built on truth and not on historical distortion.”

Samantala, trending topic sa Twitter ang kontrobersyal na direktor na si Darryl Yap dahil sa bagong teaser ng “Maid in Malacañang” na inilabas ng ViVa Films nitong Agosto 1, na tumapat sa mismong death anniversary ni dating Pangulong Cory Aquino.

Umani ng batikos mula sa mga netizen ang bagong teaser. May mga nagsabing insulto umano ito hindi lamang sa dating pangulo kundi maging sa mga madre.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/02/insulto-sa-mga-madre-darryl-yap-trending-sa-twitter-dahil-sa-bagong-teaser-ng-maid-in-malacanang/

Tags: Carmelite MonasteryDarryl YapMaid in Malacañang
Previous Post

‘Napakahusay mo talaga anak!’ Julia David, nagtapos na magna cum laude sa UP

Next Post

Marian sa ika-42 kaarawan ng asawang si Dingdong: ‘Blessed to share life with you’

Next Post
Marian sa ika-42 kaarawan ng asawang si Dingdong: ‘Blessed to share life with you’

Marian sa ika-42 kaarawan ng asawang si Dingdong: ‘Blessed to share life with you’

Broom Broom Balita

  • DOH, nag-turnover ng MRI machine sa Ilocos Norte Provincial Hospital
  • NorthPort, biktima sa unang panalo ng Phoenix
  • Lalaki, nagpatayo ng dream house para sa future nila ng gf noon, pero niloko lang siya
  • Pinakamataas na bilang ng pasaherong sumakay sa MRT-3 sa loob ng isang araw, naitala nitong Pebrero 1
  • Pokwang sa kaniyang pinagdaraanan: ‘Bangon at nanay ka, marami ka pang labada!’
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.