• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Features

Pagdiriwang ng Buwan ng Wika, pormal nang nagsimula

Richard de Leon by Richard de Leon
August 1, 2022
in Features
0
Pagdiriwang ng Buwan ng Wika, pormal nang nagsimula

Komisyon sa Wikang Filipino at yumaong dating Pangulong Fidel V. Ramos (Larawan mula sa FB ng KWF at Manila Bulletin)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ngayong unang araw ng Agosto ay pormal nang nagsimula ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika, ayon sa atas ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), na ahensiyang pampamahalaang nangangalaga sa pagpapaunlad, paglinang, at pagpapayabong ng wikang Filipino bilang pambansang wika, gayundin sa mga katutubo at umiiral na lengguwahe sa Pilipinas.

Ang tema para sa taong ito ay “Filipino at mga Katutubong Wika: Kasangkapan sa Pagtuklas at Paglikha”.

Iba’t ibang mga gawain ang inihanda ng KWF para sa pagdiriwang kagaya ng mga timpalak at webinar upang mas maunawaan pa ang gamit ng wikang Filipino at mga katutubong wika sa pagtuklas at pagbuo ng mga karunungan at kaalaman, upang makasabay sa makabagong panahon ngunit hindi nasasakripisyo ang mga pamanang kultural ng bansa.

Bago ang Agosto 1 ay inilahad na ni Komisyoner Benjamin M. Mendillo Jr., Phd noong Biyernes, Hulyo 29 ang malaking papel ng media sa pagbibigay-inspirasyon sa mga kabataan na maayos na gamitin ang ating wikang Filipino.

Isinagawa ang press conference sa bisperas ng Buwan ng Wika upang ibahagi sa media ang mga detalye ng mga programa at proyekto ng KWF sa pagpapalakas ng wikang Filipino at mga katutubong wika sa Pilipinas.

Kaugnay nito, inilabas na rin ng komisyon ang mga nagwagi sa Timpalak-Sanaysay ng Taon, Kampeon ng Wika, at Dangal ng Wika.

Kabilang ang aktor na si John Arcilla sa mga magagawaran ng parangal na “Kampeon ng Wika”.

Ayon kay National Artist Virgilio Almario, nagsimula ang pagdiriwang ng Linggo ng Wika alinsunod sa bisà ng isang proklamasyon ni Pangulong Sergio Osmeña noong Marso 26, 1946. Nakasulat pa umano ito sa wikang Ingles at tinawag na “National Language Week”, mula Marso 27 hanggang Abril 2. Ang Abril 2 ay kaarawan naman ni Francisco “Balagtas” Baltazar na itinuturing na isa sa mahahalagang makata at manunulat sa panitikang Filipino.

Sumunod naman dito ang pagsusog ng proklamasyon ni dating Pangulong Ramon Magsaysay na pagdiriwang naman ng “Linggo ng Wikang Pambansa” sa Agosto 13 hanggang 19 kada taon. Inilipat ito dahil sa dahilang hindi na raw makakalahok ang mga paaralan sa pagdiriwang dahil tuwing Abril kadalasang nagpipinid ang mga klase. Tuwing Hunyo naman nagbubukas ang taong pampanuruan.

Noong Hulyo 15, 1997, pinalawig naman ng yumaong si Pangulong Fidel Ramos ang petsa ng pagdiriwang para sa wikang Filipino, sa bisa naman ng proklamasyon blg.1041, ginawa ito mula Agosto 1 hanggang 31.

May mga guro, propesyunal, at dalubwikang nagsasabing ang matagalang paggunita sa wikang pambansa ay isang nakalulungkot na senyales na hindi gaanong mulat ang mismong mga Pilipino sa sariling wika, kaya kinailangang habaan ang pagdiriwang nito.

Tags: Buwan ng WikaKomisyon sa Wikang Filipino (KWF)Pangulong Fidel V. Ramoswikang filipino
Previous Post

95% ng monkeypox cases sa buong mundo, naihawa sa sexual contact

Next Post

PNP chief na! Azurin, napili ni Marcos

Next Post
PNP chief na! Azurin, napili ni Marcos

PNP chief na! Azurin, napili ni Marcos

Broom Broom Balita

  • Ginawaran ng posthumous award: Lamay ni Lt. Col. Serna, binisita ng PNP chief
  • Rape suspect, top wanted ng Laguna, arestado
  • Barangay kagawad, patay sa pamamaril sa Bulacan
  • Instant milyonaryo! P39-M, nasolo ng masuwerteng mananaya nang tamaan ang Grand Lotto jackpot
  • Graft vs DA officials, isinampa sa Ombudsman dahil sa ASF sa Cebu
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.