• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Features

‘Huwag kang lilingon!’ Paano maiiwasan ang malas ngayong ‘ghost month?’

Richard de Leon by Richard de Leon
August 1, 2022
in Features
0
‘Huwag kang lilingon!’ Paano maiiwasan ang malas ngayong ‘ghost month?’

Larawan mula sa Getty's Image

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Bukod sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa at iba pang opisyal na holidays, kilala rin ang Agosto bilang ‘ghost month’ ayon sa paniniwala ng mga Chinese.

Ayon sa matandang paniniwala, isang buwang nagbubukas ang pintuan ng impiyerno upang pakawalan ang mga gutom na kaluluwa, na siya namang nagdadala ng kamalasan sa mga buhay na naninirahan sa mundong ibabaw. Pagala-gala raw ang mga kaluluwa sa daigdig sa panahong ito. Agosto 15, mas agresibo raw ang mga espiritung ito kaya dapat mas mag-ingat.

Kaya ang iba, ipinagpapaliban ang mahahalagang event sa buhay nila kagaya ng paglipat sa bagong bahay, pagpapakasal, pagbubukas ng bagong negosyo o pagsasara ng mga business deals upang makaiwas daw sa malas na dulot nito. Posible rin daw ang pagkakasakit.

“Pinaniniwalaan sa Chinese na equivalent din yan sa undas. Bumabalik sila sa lupa upang maghanap ng entertainment maghanap ng taong mabibiktima para may biglang death o accident,” ayon sa panayam ng ABS-CBN News noon kay Master Hanz Cua.

Anyway, ayon sa mga feng shui expert, narito ang mga maaaring gawin upang makaiwas sa malas.

  1. Makabubuting maglagay raw ng asin sa palibot ng bahay at ilagay ito sa isang pulang tela o lalagyan. Maglagay rin nito sa bulsa kung aalis ng bahay.
  2. Magbaon o maglagay sa bahay ng luya o bawang na tinalian ng pulang sinulid upang matakot ang mga kaluluwang ligaw. Maaari itong isabit sa bintana, o ilagay sa bungad ng pintuan o tarangkahan.
  3. Maaari daw magsunog ng insenso tuwing gabi, o kaya naman ay mag-alay ng pulang kandila, alak, sigarilyo, o paper money sa labas ng bahay.
  4. Sa kasuotan naman, ugaliin ang pagsusuot ng mga damit o saplot na kulay dilaw, pula, o iba pang light colors.
  5. Kung mag-aalay ng pagkain, iwasan ang mga pagkain o prutas na dikit-dikit kagaya ng saging o lansones. Maaari daw kasing magdikit-dikit, magsunod-sunod, o magtuloy-tuloy ang kamalasan.
  6. Makabubuting buksan ang mga ilaw tuwing gabi, lalo na ang mga lugar na hindi masyadong napupuntahan ng mga tao kagaya ng bodega o likod-bahay, upang hindi umano mamugad ang mga pagala-galang kaluluwa.
  7. Kung makikinig ng musika, tiyaking malakas-lakas ito upang mabulabog ang mga ligaw na espiritung papasok sa bahay.
  8. Iwasan daw ang pagtapik sa likod o balikat ng kapwa; kung natapik ka naman, makabubuting ibalik ito sa kaniya sa pamamagitan ng pagtapik din. Naipapasa raw kasi ang bad vibes.
  9. Huwag iwanan sa gabi ang mga nilabhang damit na isinampay at pinatuyo sa labas ng bahay.
  10. Kapag may tumawag sa iyong pangalan subalit wala namang kasama sa bahay, huwag lilingon!

Sabi nga, ang mga pangyayari sa buhay ng isang tao ay batay sa kaniyang mga desisyon. Subalit wala namang masama kung susundin ito, ‘di ba?

Tags: AugustChinese tradition and superstitionfeng shui expertsGhost Month
Previous Post

Hidilyn, Julius, ipinagpaliban ang honeymoon, todo-ensayo na muli ilang araw matapos ikasal

Next Post

Presyo ng produktong petrolyo, may dagdag-bawas sa Agosto 2

Next Post
Presyo ng produktong petrolyo, may dagdag-bawas sa Agosto 2

Presyo ng produktong petrolyo, may dagdag-bawas sa Agosto 2

Broom Broom Balita

  • Reklamo ni Julius Babao sa isang pizza restaurant: ‘Yung pizza na inorder namin may plastic!’
  • Pauline Amelinckx, umasang masusungkit ang Miss Universe Philippines title noong Abril
  • Maggie Wilson, kinaladkad ang umano’y ‘kabit’ ng noo’y asawang si Victor Consunji
  • Pilipinas, nagtapos bilang 5th placer sa ASEAN Para Games
  • Hidilyn Diaz, tiwala sa sarili para sa kaniyang ‘last lift’ sa 2024 Paris Olympics
Reklamo ni Julius Babao sa isang pizza restaurant: ‘Yung pizza na inorder namin may plastic!’

Reklamo ni Julius Babao sa isang pizza restaurant: ‘Yung pizza na inorder namin may plastic!’

August 8, 2022
Pauline Amelinckx, umasang masusungkit ang Miss Universe Philippines title noong Abril

Pauline Amelinckx, umasang masusungkit ang Miss Universe Philippines title noong Abril

August 8, 2022
Maggie Wilson, kinaladkad ang umano’y ‘kabit’ ng noo’y asawang si Victor Consunji

Maggie Wilson, kinaladkad ang umano’y ‘kabit’ ng noo’y asawang si Victor Consunji

August 8, 2022
Pilipinas, nagtapos bilang 5th placer sa ASEAN Para Games

Pilipinas, nagtapos bilang 5th placer sa ASEAN Para Games

August 8, 2022
Hidilyn Diaz, tiwala sa sarili para sa kaniyang ‘last lift’ sa 2024 Paris Olympics

Hidilyn Diaz, tiwala sa sarili para sa kaniyang ‘last lift’ sa 2024 Paris Olympics

August 7, 2022
Higit 1K na mga bata na may comorbidities, nakatanggap na  unang dose ng COVID-19 vaccine — DOH

Covid-19 positivity rate sa Cagayan, sumipa; pagbabakuna, muling ikinampanya

August 7, 2022
Isang magsasaka, patay matapos pagtatagain ng kapwa magsasaka sa Quezon

Kalahating kilo ng marijuana, nakumpiska sa 2 suspek, 1 menor de edad, sa Rizal

August 7, 2022
Comelec, umaasang mas maraming reklamo sa paglabag ng eleksyon ang maisasampa

Comelec, umaasang madedesisyunan ngayong buwan ang panukalang ipagpaliban ang BSKE 2022

August 7, 2022
Tom Rodriguez, nagbabalik sa Instagram; fans, nagpasalamat sa Kapuso actor

Tom Rodriguez, nagbabalik sa Instagram; fans, nagpasalamat sa Kapuso actor

August 7, 2022
‘Prof. Araneta-Marcos’: First lady, kumpirmadong magtuturo sa WVSU

‘Prof. Araneta-Marcos’: First lady, kumpirmadong magtuturo sa WVSU

August 7, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.