• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Herlene Budol, walang kiyemeng gumamit ng wikang Filipino sa Q&A portion

Richard de Leon by Richard de Leon
August 1, 2022
in Showbiz atbp.
0
Herlene Budol, walang kiyemeng gumamit ng wikang Filipino sa Q&A portion

Herlene Budol (Larawan mula sa FB ng Binibining Pilipinas at YT channel ng ABS-CBN Entertainment)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Marami ang pumuri kay Kapuso comedienne Herlene Budol sa paggamit niya ng wikang Filipino sa Q&A portion ng katatapos na Binibining Pilipinas 2022 coronation night na ginanap sa Smart Araneta Coliseum, nitong Linggo ng gabi, Hulyo 31.

Pitong special awards ang hinakot ni Budol at siya rin ang itinanghal na Binibining Pilipinas 2022 1st runner-up.

Sa kaniyang opening speech, wikang Filipino rin ang ginamit ni Budol.

Sa Q&A, pangalawang tinawag ang komedyante. Sa English na tanong ing isa sa mga huradong si Mr. Cecilio Asuncion na “Beauty pageant is a space for transformation. What has been your biggest transformation since you joined and how could this make you deserving of a crown tonight?”, sasagutin na sana ito ni Herlene ngunit nagtanong si Asuncion kung nais nitong Tagalugin ang sagot, na sinang-ayunan naman ni Herlene habang nakangiti at nagpapasalamat. Dahil dito naghiyawan ang mga tao.

“Ang beauty pageant ay isang lugar para sa transpormasyon. Anong transpormasyon na importante ang nangyari sa’yo habang nandito ka sa Binibining Pilipinas?” muling pagbanggit ng huradong si Asuncion sa tanong na nakasalin na sa wikang Filipino.

Sagot naman ni Herlene, “Maraming salamat po. Para sa akin, isang karangalan na nakatungtong dito sa Binibining Pilipinas bilang isang binibini na hindi inaasahan, para sa akin, ang sarap pala mangarap. Walang imposible. Isa pong komedyante na laki sa hirap. At ang aking transpormasyon ay magbigay ng inspirasyon.”

“Because I know for myself that I am beautiful, that I am uniquely beautiful with a mission,” singit ni Herlene bagama’t ilang beses siyang nautal sa pagsambit nito.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/01/herlene-hipon-girl-budol-naghakot-ng-special-awards-sa-binibining-pilipinas-2022/

Ayon naman kay Miss Universe Philippines 2014 MJ Lastimosa, kapuri-puri ang ginawa ni Budol dahil baka ito na ang simula na mai-normalize sa mga beauty pageant kagaya ng Binibining Pilipinas ang pagsasalita ng wikang Filipino na ating pambansang wika, alinsunod sa Saligang-Batas.

“Ganyan nga Nicole Budol normalize using our language in Philippine beauty pageants, coz why not?!!!! #BinibiningPilipinas2022,” ani MJ sa kaniyang tweet.

Bagay na sinang-ayunan naman ng mga netizen.

“I agree, on international pageants there are some candidates with interpreters and still answers amazingly so why can’t we also do that. Speaking and knowing English doesn’t instantly mean you’re smart. It’s how you answer the question.”

“Si Budol lang naka-break ng record na inormalize ang sariling wika sa mga beauty pageant.”

“No need. Mas ok na yung accepted yung Filipino at English language sa pagent since yun naman talaga yung official languages natin.”

Binulungan daw niya si Hipon Girl na sana raw ay huwag susuko at lumaban ulit. Pero ang sagot daw ng komedyante, baka ito na raw ang first and last niya.

“Chinika ko si Budol Sabi ko proud ako sayo ang galing mong sumagot! Sumali ka pa ulit. Sagot nya: last ko na to ate. Aww why naman langga. #nicolebudol

Tags: Binibining Pilipinas 2022FilipinoHerlene BudolQ&A portion
Previous Post

Na-Steve Harvey? Mga netizen, celebs, windang sa naganap na antala sa pag-anunsyo ng winner

Next Post

5.2-magnitude, tumama sa Abra

Next Post
5.2-magnitude, tumama sa Abra

5.2-magnitude, tumama sa Abra

Broom Broom Balita

  • Number coding scheme, kanselado sa Abril 5
  • Padilla, isinulong ang ‘exemption’ ng local films, musical productions sa amusement taxes
  • Free Wi-Fi site sa Bulacan, operational na sa tulong ng DICT
  • Bebot na may 264 counts of qualified theft, arestado!
  • MV Lady Mary Joy 3 tragedy, iniimbestigahan na ng MARINA
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.