• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

DOH: Daily average ng COVID-19 sa bansa, 3,443 na

Mary Ann Santiago by Mary Ann Santiago
August 1, 2022
in Balita, National / Metro
0
Mabagal na pagtaas ng kaso ng COVID-19, ‘di nagpatuloy ayon sa DOH

Dagsa ang mga mamimili sa mga bargain store sa kahabaan ng Ilaya Street sa Divisoria, Binondo, Manila, noong Okt. 14, 2021/Larawan ni Ali Vicoy

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Tumaas pa ng 24% ang bilang ng mga naitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa ngayong linggong ito.

Sa inilabas na National COVID-19 Case Bulletin ng Department of Health (DOH) nitong Lunes ng hapon, nabatid na mula Hulyo 25 hanggang 31, ay nakapagtala sila ng kabuuang 24,100 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Anang DOH, average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 3,443, na mas mataas ng 24% kung ikukumpara sa mga kasong naitala noong Hulyo 18 hanggang 24.

Ayon sa DOH, sa mga bagong kaso, 76 ang may malubha at kritikal na karamdaman.

Mayroon rin namang naitalang 44 na pumanaw ngunit wala sa mga ito ang naganap noong Hulyo 18 hanggang 31.

“Of the 44 deaths, 1 occurred in June 2022, 3 in January 2022, 2 in November 2021, 7 in October 2021, 20 in September 2021, and 11 in August 2021,” anang DOH.

Samantala, noong Hulyo 31, 2022 naman ay mayroon umanong 744 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa mga ospital dahil sa COVID-19.

Sa 2,583 ICU beds para sa mga pasyenteng may COVID-19, 601 (23.3%) ang okupado habang nasa 29.5% ng 22,051 non-ICU COVID-19 beds naman ang kasalukuyan ding ginagamit.

Iniulat rin naman ng DOH na mahigit na sa 71 milyong indibidwal o 91.81% ng target na populasyon ng pamahalaan ang bakunado na laban sa COVID-19.

Sa naturang bilang, 16.2 milyong indibidwal ang nakatanggap na ng kanilang booster shots.

Nasa 6.7 milyong senior citizens o 77.87% naman ng target A2 population ang nakatanggap na ng kanilang primary series.

Kaugnay nito, patuloy na pinapaalalalahan ng DOH ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19.

“Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards sa ilalim ng Alert Level 1. Paalala ng Kagawaran ng Kalusugan na laging magsuot ng best-fitted face mask at kung maari, manatili sa well-ventilated na mga lugar.  Sa oras na makaramdam ng sintomas, AGAD NA MAG-ISOLATE. Para sa karagdagang proteksyon laban sa banta ng COVID-19, agad-agaran na tayong magpabakuna at booster,” paalala pa ng DOH.

Tags: COVID-19department of health
Previous Post

‘I am a woman’: Lars Pacheco, sumailalim sa isang sex reassignment surgery sa Thailand

Next Post

VIRAL: Boarding pass ng biyaherong magto-tropa, pina-tarpaulin, agaw-eksena sa airport

Next Post
VIRAL: Boarding pass ng biyaherong magto-tropa, pina-tarpaulin, agaw-eksena sa airport

VIRAL: Boarding pass ng biyaherong magto-tropa, pina-tarpaulin, agaw-eksena sa airport

Broom Broom Balita

  • Nahulog sa barko? Tripulante, ‘di pa mahanap ng PH Coast Guard sa Batangas
  • Phivolcs, pinaghahanda ang Davao sa aftershocks dala ng nangyaring Magnitude 6 na lindol
  • Nursing student, iniligtas ang fruit vendor na tinaga ng kaniyang kalive-in-partner
  • ‘Starry night pool’: Isang swimming pool, nagmistulang art canvas
  • DOTr: Operasyon at maintenance ng Metro Manila Subway at North-South railway, isasapribado na
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.