• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

VinCentiments, hindi namimigay ng libreng tickets: ‘Gawain po ng mga kakampinks yan’

Nicole Therise Marcelo by Nicole Therise Marcelo
July 31, 2022
in Balita, Showbiz atbp.
0
VinCentiments sa mga nagsabing lalangawin ang MiM: ‘Sila rin nagsabi na mananalo si Leni Robredo’

VinCentiments (Facebook)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Naglabas ng pahayag ang VinCentiments tungkol sa mga bali-balitang namimigay umano ng libreng ticket ang opisina ni Senador Imee Marcos at ViVa Films para sa pelikulang “Maid in Malacañang.”

Nilinaw ng VinCentiments na nitong Hulyo 30 lamang naging available ang mga tickets ng nabanggit na pelikula.

“Simula ngayong July 30 ay available na po ang cinema tickets sa Pilipinas at sa ilang mga bansa sa buong mundo. Opo, ngayon pa lamang po available ang cinema tickets; dumerecho po kayo sa inyong mga paboritong malls at wag kayong magpapaniwala sa mga posts ng mga losers,” saad ng VinCentiments sa kanilang Facebook post nitong Sabado, Hulyo 30.

Pinabulaanan din nila na hindi totoo ang mga balitang namimigay sila ng libreng ticket at wala umanong direktiba mula sa kanila ang mga nagbo-book ng mga block screenings ng pelikula.

“Ang opisina po ni Senator Imee, ang Viva Films at maging ang Vincentiments ay hindi po nagpapamigay ng libreng tickets— gawain po ng mga kakampinks yan—ipinapasa lang sa atin,” anila.

“Ang mga negosyante, local leaders at mga grupo ng loyalists na nagbubook ng blockscreenings ay wala pong direktiba mula sa amin; hindi po namin ito inutos—pero hindi rin namin pipigilan, kami po ay nagpapasalamat sa mga inisyatibong ganito. gayunpaman— sa pagiging mukhang pera ng ating direktor- makakasiguro po tayong hindi libre ang tickets,” dagdag pa nito.

Nakiusap din ang VinCentiments sa mga Pilipinong nasa ibang bansa na huwag patungan ang presyo ng ticket ng ‘Maid in Malacañang’ para makanood umano ang lahat.

“Sa mga kababayan po natin sa ibang bansa lalo na sa Dubai, na 4 na araw na pong sold-out ang schedules— nakikiusap po kami na sana ay wag natin patungan ang presyo ng ticket para po makapanood ang lahat; personal pong bibisita si Direk Darryl sa Dubai kasama ang ilang cast,” anila “Huwag po tayong magpadala sa pagpapapansin ng mga kumakain ng panis na kanin— na ipinipilit na may katapat ang pelikula natin.”

Samantala, tila may patutsada pa sa hindi nanalo noong eleksyon.

“Gaya ng nangyari sa eleksyon, ang tumakbo para lang may talunin ay hindi nanalo— kaya ang pelikulang ipapalabas lang para may pilit na tapatan ay hindi magtatagumpay. Huwag po natin limusan ng atensyon ang kacheapang iyon.

“PARATING NA ANG MAID IN MALACAÑANG. at walang silang magagawa kundi ang mainggit, magpakalat ng pekeng balita at magtae mula sa kanilang toxic pink bunganga.”

Ipalalabas sa mga sinehan ang Maid in Malacañang sa Agosto 3.

Tags: Maid in MalacañangVinCentiments
Previous Post

Alice Dixson, Michael V, sinita sa kulay ng suot sa GMA Gala Night: ‘Black and white ang motif ‘di ba?’

Next Post

‘Namamatay sa monkeypox, madalang lang’ — DOH

Next Post
‘Namamatay sa monkeypox, madalang lang’ — DOH

'Namamatay sa monkeypox, madalang lang' -- DOH

Broom Broom Balita

  • Catapang, ipinuwesto na ni Marcos bilang BuCor chief
  • Lotlot de Leon, na-meet na ang biological father: ‘Looking at the glass half full with gratitude’
  • ‘Philippine Cherry Blossoms’: Masungi, nagbahagi ng mga larawan ng Salinggogon tree
  • Mahigit ₱3.4M shabu na itinago sa package mula India, nahuli sa Pasay
  • Desisyon ng Comelec na iurong ang COC filing para sa BSKE, ikinatuwa ng Liga ng mga Barangay
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.