• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Pelikulang ‘Katips’, hakot awards sa FAMAS; iba pang nagwagi, alamin

Richard de Leon by Richard de Leon
July 31, 2022
in Showbiz atbp.
0
Pelikulang ‘Katips’, hakot awards sa FAMAS; iba pang nagwagi, alamin

Katips at Vince Tanada (Larawan mula sa FB/FAMAS)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Pitong parangal mula sa prestihiyosong Filipino Academy of Movie Arts and Sciences Awards o FAMAS, ang nabitbit pauwi ng pelikulang ‘Katips’ na idinerehe at isinulat ni Palanca awardee director Vince Tañada, na siyang tatapat at lalaban sa pelikulang “Maid in Malacañang” sa mga sinehan, sa Agosto 3.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/28/pelikulang-katips-tatapatan-ang-showing-ng-maid-in-malacanang/

Bago pa man ang FAMAS, nakatanggap na rin ng mga parangal ang naturang musical film na patungkol sa mga biktima ng Batas Militar noong dekada ’70.

Best Director at Best Actor mismo si Tañada. Katips naman ang Best Picture at nakakuha ng Best Musical Score, Best Cinematography, at Best Original Song (Sa Gitna ng Gulo). Best Supporting Actor naman si Johnrey Rivas na aktor sa entablado ng Philippine Stagers.

Best Actress naman si dating ABS-CBN executive Charo Santos-Concio para sa pelikulang “Kun Maupay Man It Panahon” at Best Supporting Actress naman si Janice de Belen para sa “Big Night”, na ginawaran naman ng Best Screenplay.

Best Editing at Best Sound naman ang nasungkit ng “A Hard Day”. Best Visual Effects naman ang nakuha ng “My Amanda”.

Bukod sa mga pelikula at mga tao sa likod nito, ginawaran din ng FAMAS ang iba’t ibang mga personalidad na natatangi sa kanilang larangan.

Present sa awarding si Senadora Imee Marcos para sa parangal na “FAMAS Exemplary Award for Public Service”. “Outstanding Public Service Award” naman ang natanggap ni Christopher De Venecia.

Tinanggap din ni Senador Jinggoy Estrada ang parangal na “FPJ Memorial Award” at ‘FAMAS Presidential Award” naman para kay Congressman Patrick Michael Vargas ng Quezon City.

Ginarawan din sina Superstar Nora Aunor at premyadong manunulat na si Ricky Lee bilang “FAMAS Natatanging Alagad ng Sining”. Kamakailan lamang ay itinanghal na sila bilang mga Pambansang Alagad ng Sining sa Pelikula, bago pormal na matapos ang termino ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Kay Ate Guy din ang “Susan Roces Celebrity Award”.

“FAMAS Hall of Fame Award” naman ang natanggap ni Allen Dizon dahil sa kaniyang mga panalo bilang Best Actor, at si Jess Navarro para sa Best in Editing.

“German Moreno Youth Achievement” awardees naman ang social media personalities na si Niana Guerrero at ang kaniyang half-brother na si Ranz Guerrero.

Ang film producer naman na si Moira Lang ang tumanggap ng “Dr. Jose R. Perez Memorial Award”. Ang kolumnista at publisher naman na si Renz Spangler ang sumungkit ng “Angelo ‘Eloy’ Padua Memorial Award for Journalism.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/24/imee-jinggoy-iba-pang-politiko-makatatanggap-ng-espesyal-na-award-sa-70th-famas-2022/

Nababalot ng kontrobersiya ngayon ang ‘Katips’ dahil sa pang-iisyu ni Juliana Parizcova Segovia na malapit umano sa pamunuan ng FAMAS ang direktor ng “pa-victim na pelikula” kaya raw marahil ito humakot ng awards, batay sa screengrabs na kaniyang ibinahagi sa kaniyang Facebook post.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/31/juliana-may-patutsada-sa-direktor-na-humakot-ng-awards-sa-famas-pelikulang-pa-victim/

Samantala, wala pang tugon, reaksyion, o pahayag ang director-writer ng Katips tungkol sa pasaring ni Juliana.

Tags: 70th FAMAS 2022KatipsVince Tanada
Previous Post

Justice Jose Abad Santos General Hospital, pinuri ni Mayor Honey Lacuna

Next Post

Pa-teaser kay ‘Valentina’ pinagapang na; Janella, mapanuklaw sa ganda at galing

Next Post
Pa-teaser kay ‘Valentina’ pinagapang na; Janella, mapanuklaw sa ganda at galing

Pa-teaser kay ‘Valentina’ pinagapang na; Janella, mapanuklaw sa ganda at galing

Broom Broom Balita

  • Mga nasawi dahil sa sama ng panahon, umabot na sa 43
  • Johnny Abarrientos, pagmumultahin: Pag-‘dirty finger’ kay Converge import Jamaal Franklin, nag-viral
  • DA, inaprubahan ang ₱110 milyong pondo para sa rubber plantations sa Basilan
  • Tres ni McCree, sumablay: Magnolia, taob sa Converge
  • ‘Man’s best friend indeed!’ PWD, kaagapay sa buhay ang kaniyang aso
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.