• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home National

‘Namamatay sa monkeypox, madalang lang’ — DOH

Rommel Tabbad by Rommel Tabbad
July 31, 2022
in National
0
‘Namamatay sa monkeypox, madalang lang’ — DOH
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Madalang lang ang namamatay sa kinatatakutang monkeypox virus, ayon sa pahayag ng Department of Health (DOH) nitong Linggo.

Binanggit ng ahensya na karaniwang banayad lamang ang mga sintomas ng sakit.

“Monkeypox symptoms are mild, and the disease is rarely fatal,” ayon sa pahayag ng DOH.

Ipinaliwanag din ng DOH na dalawa ang grupo ng organismo ng monkeypox — ang West African at Congo Basin clade. 

Sa datos ng World Health Organization (WHO), nasa 360 ang case fatality rate (CFR) sa bawat 10,000 kaso ng West African clade, habang 1,000 naman ang CFR sa kada 10,000 kaso ng Congo Basin clade.

Gayunman, tinukoy sa bagong datos na 10 na ang binawian ng buhay sa 22,000 na kaso ng monkeypox sa buong mundo.

Nangangahulugang aabot sa lima ang CFR sa kada 10,000 kaso. 

Nauna nang nilinaw ng ilang infectious disease expert na mas nakahahawa pa rin ang smallpox at coronavirus disease 2019 kung ikukumpara sa monkeypox.

“Iba-iba ‘yung virus po kasi na sanhi ng smallpox, ng monkeypox bagama’t iyan ay parang magpipinsan. Ngayon, ang kaibahan niyan ay itong chickenpox nga, bulutong-tubig, eh ito ‘yong mabilis makahawa. Mas lubhang nakakahawa naman itong chickenpox kumpara po ro’n sa monkeypox, kaya nga pailan-ilan lang ‘yung kaso niyan sa bansang Africa kung saan nag-umpisa iyan at kung saan endemic iyan,” paliwanag naman ni Dr. Enrique Tayag, director ng Knowledge Management and Information Technology Service ng DOH.

Sa pinakahuling datos ng WHO, nasa 19,178 na ang mga kaso ng monkeypox sa 78 bansa. 

Naitala ang unang human case ng monkeypox sa Democratic Republic of the Congo kung saan isang siyam na buwan na lalaki ang tinamaan nito noong 1970.

Previous Post

VinCentiments, hindi namimigay ng libreng tickets: ‘Gawain po ng mga kakampinks yan’

Next Post

Justice Jose Abad Santos General Hospital, pinuri ni Mayor Honey Lacuna

Next Post
Justice Jose Abad Santos General Hospital, pinuri ni Mayor Honey Lacuna

Justice Jose Abad Santos General Hospital, pinuri ni Mayor Honey Lacuna

Broom Broom Balita

  • 2 mananaya, maghahati sa P42.7- M Lotto 6/42 jackpot prize
  • Rollback sa presyo ng produktong petrolyo, asahan sa Martes
  • 10 boya, ‘di inaalis sa WPS — PCG
  • Crater glow, naobserbahan: 13 rockfall events, pagyanig naitala rin sa Mayon Volcano
  • Unang bugso ng bivalent Covid-19 vaccines, darating sa bansa ngayong Sabado
PCSO: P29.7M jackpot prize ng Grand Lotto 6/55, napanalunan na rin ng taga-Batangas

2 mananaya, maghahati sa P42.7- M Lotto 6/42 jackpot prize

June 4, 2023
Dagdag P1.10 per liter sa gasolina, asahan sa June 29

Rollback sa presyo ng produktong petrolyo, asahan sa Martes

June 3, 2023
10 boya, ‘di inaalis sa WPS — PCG

10 boya, ‘di inaalis sa WPS — PCG

June 3, 2023
Crater glow, naobserbahan: 13 rockfall events, pagyanig naitala rin sa Mayon Volcano

Crater glow, naobserbahan: 13 rockfall events, pagyanig naitala rin sa Mayon Volcano

June 3, 2023
Pamamahagi ng booster shots, mabagal na ipinatutupad sa PH — NTF adviser

Unang bugso ng bivalent Covid-19 vaccines, darating sa bansa ngayong Sabado

June 3, 2023
Sunog sa Recto, nag-iwan ng pinsalang aabot sa P480,000

Sunog sa Recto, nag-iwan ng pinsalang aabot sa P480,000

June 3, 2023
Pride Month, isang pagkakataon para itaguyod mga karapatan ng LGBTQ+ – British envoy

Pride Month, isang pagkakataon para itaguyod mga karapatan ng LGBTQ+ – British envoy

June 3, 2023
Capiz, nagtala na rin ng kaso ng African Swine Fever

Antique, nag-iisang lalawigan sa Western Visayas na walang kaso ng ASF

June 3, 2023
Magnitude 4.6 lindol, yumanig sa Sulu

Magnitude 4.6 lindol, yumanig sa Sulu

June 3, 2023
Food stamp program, pinag-aaralan pa! — DSWD official

Food stamp program, pinag-aaralan pa! — DSWD official

June 3, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.