• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Alice Dixson, Michael V, sinita sa kulay ng suot sa GMA Gala Night: ‘Black and white ang motif ‘di ba?’

Richard de Leon by Richard de Leon
July 31, 2022
in Showbiz atbp.
0
Alice Dixson, Michael V, sinita sa kulay ng suot sa GMA Gala Night: ‘Black and white ang motif ‘di ba?’

Alice Dixson, Michael V, at misis na si Carol Bunagan (Larawan mula sa Manila Bulletin)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Naging matagumpay ang kauna-unahang GMA Thanksgiving Gala Night para sa 72nd anniversary ng Kapuso Network nitong Sabado, Hulyo 30, 2022, na dinaluhan ng mga Kapuso executives, stars, personalities, politicians, at guests na ginanap sa Shangri-la sa The Fort, Taguig City.

Talaga nga namang inabangan ng mga netizen at proud Kapuso fans ang outfitan ng mga rarampa sa red carpet. Isa na nga sa mga agaw-eksena ang mala-Kim Kardashian look daw ni Kylie Padilla.

Pero ang pinagtaasan daw ng kilay ay ang yellow gown ng seasoned actress na si Alice Dixson, dahil yellow gown ang suot nito gayong black and white na old Hollywood ang motif ng event.

Alice Dixson (Larawan mula sa Manila Bulletin/Screengrab mula sa YouTube channel)

Iniisip tuloy ng mga netizen kung may statement ba ang kaniyang pagsuot ng yellow gown gayong karamihan ay nakasuot ng black and white.

“Black and white na old Hollywood ang motif ‘di ba?’ Wala na siyang mahugot na gown sa cabinet niya? Wala naman siguro siyang statement sa suot niyang yun?” saad sa isang artikulo ng Philippine Entertainment Portal o PEP. Wala namang paliwanag mula kay Alice kung bakit napili niyang magsuot ng yellow gown.

“Naku tita di ka na-inform na mag-uniform sa event?”

“Dilawan! Hahaha.”

“Sabing black and white eh… Pero super duper ganda talaga. Totoo nga kasabihang walang taong perpekto.”

“Absent yata sa orientation? Hahaha.”

Isa pa sa mga napuna ng netizen ang pagsusuot ng brown outfit ni Michael “Bitoy” V. Buti na lang daw black and white ang kaniyang scarf na suot, sa comment section ng Manila Bulletin.

“White/Black/Silver theme nila for dress code. Nagulat ako nag-brown si Bitoy. Pero dinaya na lang sa scarf. ahahaha.”

“Kuya Bitoy buti nahabol yung white and black na scarf kung hindi magagaya ka kay Alice Dixson.

May be an image of 2 people, people standing and indoor
Michael V at kaniyang misis na si Carol Bunagan (Larawan mula sa Manila Bulletin)

Anyway, may pa-award din ang naturang event para sa mga Kapuso celebrities na lumutang sa naturang Gala Night.

Ang Frontrow Male and Female icons ay sina Viva artist na si Marco Gumabao, at si Rhian Ramos na mala-diwata sa kaniyang suot na gown.

Nakuha naman ni Bianca Umali ang Beautederm Scene Stealer Award.

TikTok Crowd favorites naman sina Miguel Tanfelix at Sofia Pablo.

Nasilat naman ni fashion icon Heart Evangelista ang pagiging Glamorous Star of the Night.

Sparkle Love Team of the Night naman sina Mavy Legazpi at Kyline Alcantara.

Couple of the Night sina Primetime King and Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Sparkle Stars of the Night naman sina Alden Richards at Sanya Lopez.

Tags: alice dixsonGMA Thanksgiving Gala Night 2022old Hollywood motifyellow gown
Previous Post

Mga magsasaka, mangingisda, inihirit isama sa 4Ps

Next Post

VinCentiments, hindi namimigay ng libreng tickets: ‘Gawain po ng mga kakampinks yan’

Next Post
VinCentiments sa mga nagsabing lalangawin ang MiM: ‘Sila rin nagsabi na mananalo si Leni Robredo’

VinCentiments, hindi namimigay ng libreng tickets: 'Gawain po ng mga kakampinks yan'

Broom Broom Balita

  • Burluloy ni Taylor Swift sa Grammys 2023, tumataginting na P164-M ang halaga – report
  • TNT Tropang Giga, ipinalasap unang talo ng Converge
  • Marcos, lumipad na pa-Japan
  • Neri sa birthday ni Chito Miranda: ‘Because of you, mas masarap mangarap’
  • Toni Fowler, artista na; gaganap na best friend ni Lovi Poe sa ‘Batang Quiapo’
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.