• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

‘Nasa panganib na kami!’ Nanay ng suspek sa pamamaril sa Ateneo, nanawagan kay PBBM

Richard de Leon by Richard de Leon
July 30, 2022
in Balita, National, National / Metro
0
‘Nasa panganib na kami!’ Nanay ng suspek sa pamamaril sa Ateneo, nanawagan kay PBBM

Dr. Chiao Tiao Yumol at G. Muykim Yumol (Larawan mula sa Manila Bulletin/Balita/Screengrab mula sa YT Channel ng 24 Oras, GMA News)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Umaani na raw ng pagbabanta ngayon sa kanilang buhay ang pamilya ng doktor na suspek sa naganap na pamamaril sa campus ng Ateneo De Manila University na si Chao Tiao Yumol, ayon sa mismong ina nito na si Muykim Yumol, kaya nanawagan siya kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na matulungan sila.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/29/ama-ng-ateneo-gunman-dead-on-the-spot-nang-barilin-ng-mga-di-kilalang-suspek/

Matatandaang pinagbabaril at napatay ni Dr. Yumol si dating Lamitan City Mayor Rose Furigay, tauhan nito na si Victor Capistrano, at security guard na si Jeneven Bandiala sa loob ng nasabing paaralan noong Hulyo 24. Agad naman silang binawian ng buhay nang maitakbo sa ospital.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/24/suspek-sa-pagpatay-sa-dating-lamitan-mayor-3-beses-akong-pina-ambush-ng-pamilyang-ito/

Nitong Biyernes, Hulyo 29, nabaril at napatay ang tatay ni Chao at mister ni Muykim na si Rolando Yumol ng riding in tandem sa harap mismo ng tahanan nila, kahit na bantay-sarado ito ng pulisya. Nagwawalis lamang daw si G. Yumol sa bakuran nang mangyari ito.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/29/ama-ni-dr-yumol-binabantayan-na-ng-mga-pulis-bago-itumba-pnp-official/

Sa panayam ng “24 Oras”, flagship newscast ng GMA Network, nanawagan si Mrs. Yumol kay PBBM na tulungan sila dahil marami na umanong pagbabanta ang natatanggap nila. Nakasuot pa ng bullet proof vest ang ginang.

“Mayroon na hong bali-balita na pinag-iingat na ho kami, na iisa-isahin nila kami… sana matulungan kami ni Presidente Bongbong Marcos eh nasa panganib na ho ang buhay namin. President, maawa na ho kayo sa amin. Nasa threat ho ang buhay naming lahat,” panawagan ng ginang sa pangulo.

Nilinaw naman ni G. Yumol na hindi niya kinukunsinte ang ginawa ng anak. Ayon naman sa abogado ng pamilya Furigay, nagulat umano sila nang mabalitaan ang nangyaring pagpatay kay Rolando.

Nanawagan naman ang mga awtoridad na huwag magpadalos-dalos sa mga paghuhusga ang taumbayan lalo’t nagkataong nangyari ito matapos ang insidente ng pamamaril ni Dr. Yumol na ikinasawi naman ng dating mayor ng Lamitan City.

Tags: Ateneo shoot-outDr. Chao Tiao YumolLamitan City Mayor Rose FurigayMuykim YumolRolando Yumol
Previous Post

May ‘conflict of interest?’ Bayaw ng ex-executive secretary ni Aquino, itinalagang DHSUD chief

Next Post

Sylvia Sanchez kay Maine Mendoza: ‘Thank you for loving my son’

Next Post
Sylvia Sanchez kay Maine Mendoza: ‘Thank you for loving my son’

Sylvia Sanchez kay Maine Mendoza: 'Thank you for loving my son'

Broom Broom Balita

  • Ginawaran ng posthumous award: Lamay ni Lt. Col. Serna, binisita ng PNP chief
  • Rape suspect, top wanted ng Laguna, arestado
  • Barangay kagawad, patay sa pamamaril sa Bulacan
  • Instant milyonaryo! P39-M, nasolo ng masuwerteng mananaya nang tamaan ang Grand Lotto jackpot
  • Graft vs DA officials, isinampa sa Ombudsman dahil sa ASF sa Cebu
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.