• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Jona Viray, freelancer na, inaming inimbitahan ng isang Kapuso show kamakailan

Raymond Lumagsao by Raymond Lumagsao
July 29, 2022
in Showbiz atbp.
0
Jona Viray, freelancer na, inaming inimbitahan ng isang Kapuso show kamakailan

Jona Viray/via Instagram

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Isang hindi pinangalanang network ang nag-offer ng musical show para kay “Fearless Diva” Jona Viray. Intriga tuloy ng ilan, magbabalik na nga ba muli ang kauna-unahang “Pinoy Pop Superstar” champ sa Kapuso Network?

Sa isang media conference ni Jona kamakailan, diretsang natanong ang singer ukol sa estado ng kaniyang karera sa Kapamilya Network, matapos ilang linggo nang hindi napapanuod sa Sunday musical variety show na ASAP Natin ‘To.

“I’m still a Kapamilya, and a Kapatid, kasi obviously, lumalabas naman ako sa TV5,” agad na sabi ni Jona.

“I’m very happy about the news na ‘yong mga programs ng ABS-CBN, pinalalabas na rin sa TV5, so nagmi-merge na rin talaga. Parang nawawala ang boundaries. Doon ako natutuwa,” dagdag ng singer.

Aminado naman si Jona na isa na siyang freelance artist sa ilalim ng kaniyang long-time manager na si Arlene Meyer.

“Right now ang standing ko, freelance ako. I can appear in any show kung may kumukuha sa akin. Binalita ng mommager ko na sa other network, merong nag-iinquire for me to be the host of a musical show,” pagbabahagi ni Jona.

Dagdag niya, isang magandang oportunidad ito para sa mga manggagawa sa showbiz industry. “Nawawala na yong boundary, nwawawala na yong pressure of being stuck because of network wars.”

Nilinaw naman ni Jona na nanatili siyang nakapokus sa kaniyang mga proyekto sa TV5 sa ngayon.

View this post on Instagram

A post shared by JONA (@jona)

“Right now, I’m focusing on ‘Sing Galing’ regular edition, and ‘Sing Galing Kids,’” habang sinabi naman ni Jona na inaasahan niyang makabalik sa ASAP bago magtapos ang taon.

“We’re working now with upcoming music releases under Star Music, so ‘wag kayo mag-alala,” dagdag niya pang update.

Naintriga naman ang ilang miyembro ng press ukol sa offer ng hindi pinangalanang network, kaya ang tanong nila ngayon — GMA nga ba ito?

Si Jona ang kauna-unahang “Pinoy Pop Superstar” grand winner noong 2005. Matapos ang isang dekada, ay nag-ober-da-bakod ang singer sa Kapamilya Network noong 2016.

Bagaman nais muna na manatiling secret ang offer ay kinuryente naman agad ng singer ang posibilidad na sa GMA nanggaling ang offer.

Habang freelancer ay nai-enjoy din daw sa ngayon ni Jona ang mas malawak na horizon dahil sa unti-unting pagkawala ng network wars.

Sa katunayan, nag-inquire rin umano kamakailan sa manager ni Jona ang longest-running noontime show sa bansa na Eat Bulaga.

“Nag-inquire daw ang Eat Bulaga if I can join them doon sa out of town show nila,” ani Jona na hindi niya napagbigyan dahil sa pagiging abala niya sa “Sing Galing.”

Sa huli, nanawagan si Jona sa lahat na maging bukas sa ideya na malaya ang mga artista na lumalabas sa iba’t ibang network.

Tags: ABS-CBNASAP Natin 'ToGMA Artist CenterJona VirayStar Music
Previous Post

Suplay ng bigas para sa quake victims sa Abra, sapat — NFA

Next Post

Yayamanin! Vice Ganda, nag-alok bilang producer sa solo concert ni Klarisse De Guzman

Next Post
Yayamanin! Vice Ganda, nag-alok bilang producer sa solo concert ni Klarisse De Guzman

Yayamanin! Vice Ganda, nag-alok bilang producer sa solo concert ni Klarisse De Guzman

Broom Broom Balita

  • Lotto jackpot ng PCSO draw nitong Martes ng gabi, ‘di nasungkit ng mananaya
  • Mga lolang biktima ng panggagahasa noong panahon ng Hapon, nagmartsa para sa hustisya
  • 2 empleyado ng Makati LGU, kasabwat ng mga ito, timbog sa iligal na ‘fixing’
  • Smart locker system sa mga istasyon ng LRT-1, ilulunsad ng LRMC ngayong Pebrero
  • 2 most wanted person sa Laguna, nakorner sa magkahiwalay na operasyon
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.