• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

DepEd: 8K paaralan, apektado; 35 napinsala ng lindol sa Abra

Mary Ann Santiago by Mary Ann Santiago
July 28, 2022
in Balita, National / Metro
0
Alegasyon ng pag-abuso sa PHSA, iimbestigahan ng DepEd at NBI

(DepEd / Manila Bulletin)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Mahigit 8,000 paaralan ang apektado habang 35 iba pa ang nasira nang yanigin ng magnitude 7.3 na lindol ang Abra at iba pang bahagi ng Luzon nitong Miyerkules.

Sa isang pahayag nitong Huwebes, iniulat ng Department of Education (DepEd) na ang 35 napinsalang paaralan ay mula sa 15 school division offices sa Luzon.

Base sa initial Rapid Assessment of Damages Report (RADaR) ng Disaster Risk Reduction and Management Service (DRRMS) ng DepEd, nabatid na sa naturang bilang,  11 ang mula sa Region III (Central Luzon), siyam mula sa Region II (Cagayan Valley), walo ang mula sa Cordillera Administrative Region (CAR ), at pito ang mula sa Region I (Ilocos Region).

Anang DepEd, iniulat rin naman ng DRRMS na ang inisyal na estimated cost para sa reconstruction at rehabilitasyon ng mga napinsalang paaralan ay aabot sa P228.5 milyon.

Samantala, ang 8,027 namang apektadong paaralan ay yaong mga matatagpuan sa mga lugar na nasa ilalim ng instrumental intensity sa Earthquake Information ng Phivolcs o yaong napaulat na mayroong casualties.

Sinabi ng DepEd na dumalo sila sa 1st Response Cluster Meeting at lumahok sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Virtual Emergency Operations Center upang mai-assess ang sitwasyon ng mga rehiyon na naapektuhan ng lindol.

Nagpatawag na rin ito ng emergency meeting sa mga regional at division DRRM coordinators ng mga apektadong rehiyon upang ipresenta ang mga updates at response actions na isinagawa ng kanilang tanggapan.

Nakipag-ugnayan na rin umano ang DRRMS sa field DRRM coordinators upang makakuha ng updates hinggil sa bilang ng mga mag-aaral, mga guro at mga non-teaching personnel na epekto ng pagyanig.

Ang School Year 2022-2023 ay nakatakda nang magbukas sa Agosto 22 habang magsisimula naman ang limang araw na face-to-face classes sa Nobyembre 2. 

Tags: Abradepartment of educationdepedEarthquake PHlindol
Previous Post

Awra Briguela, walang ‘bebe life’, takot na magka-jowa

Next Post

Pelikulang ‘Katips’ tatapatan ang showing ng ‘Maid in Malacañang’

Next Post
Pelikulang ‘Katips’ tatapatan ang showing ng ‘Maid in Malacañang’

Pelikulang 'Katips' tatapatan ang showing ng 'Maid in Malacañang'

Broom Broom Balita

  • Mahigit ₱2/liter, ibabawas sa presyo ng produktong petrolyo next week
  • Lolit Solis hinggil sa pagsusustento ni Paolo Contis: ‘Maaga pa, puwede ba siyang bumawi…’
  • Xyriel Manabat bilang Tonet sa ‘Dirty Linen’: ‘She’s more than just her number of followers’
  • Binatilyo, patay nang malunod sa isang ilog sa Caloocan
  • ₱2,000 buwanang subsidiya para sa mga magulang ng CWD, isinusulong
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.