• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Abra mayor kay PBBM: ‘Kami naman po ang maniningil ngayon’

Nicole Therise Marcelo by Nicole Therise Marcelo
July 28, 2022
in Balita, National / Metro, Probinsya
0
Abra mayor kay PBBM: ‘Kami naman po ang maniningil ngayon’

Photo courtesy: RTVM screenshot

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nanawagan kay Pangulong Bongbong Marcos, Jr. si La Paz, Abra Mayor Joseph Bernos nitong Huwebes na bigyan sila ng karagdagang ambulansya at firetrucks na magagamit nila sa panahon ng sakuna. 

Bumisita si Pangulong Marcos sa Abra nitong Huwebes, Hulyo 28, upang tingnan ang kalagayan ng probinsya. Sa isang pulong, umapela ang alkalde sa pangulo, aniya, may 16 na fire station ang probinsya ng Abra ngunit mayroon lamang silang apat na firetrucks.

“Yung Bangued nga po, may firetruck na panahon pa po ng tatay niyo na firetruck yun. That was 30 years ago so hinihiling ko po na sana palakasin yung disaster response ng mga LGUs,” ani Bernos.

“Balita ko po from the BFP, they have brought 15 brand new firetrucks to Abra now, eh baka puwede po Mr. President iwan na lang po yung iba dito because of all municipalities in Abra, we have 16 fire stations, pero of that 16, apat lang po yung naka-top condition na firetrucks,” dagdag pa niya.

Bukod sa mga firetrucks, humiling din ng ambulansya ang alkalde. Sinabi niya na ilang beses na rin daw silang humihingi ng ambulansya sa PCSO. 

“In relation to that po, yung ambulance po, every now and then, during the previous administrations, I was once a mayor before for three terms, lagi po kaming lumuluhod sa PCSO for ambulance,” ani Bernos.

Umaasa ang alkalde na sa ilalim ng administrasyon ni Marcos ay mabilis nilang makukuha ang kanilang mga kahilingan dahil, aniya, Ilocano ang kasalukuyang presidente.

“So this time, siguro naman po open na po lahat yung request namin. May Ilocano President na kami and we delivered 96% of the votes of Abra during the last election so tingin ko kami naman po ang maniningil ngayon,” dagdag pa ng alkalde. 

Tugon naman ng pangulo, “All your comments are well noted and of course, sige we will look into it. The problem of firetruck and ambulance is worse here in Abra than in other provinces, medyo naiwanan kayo.”

Matatandaan na nitong Miyerkules, niyanig ng magnitude 7 na lindol ang hilagang bahagi ng Luzon na kung saan napuruhan ang probinsya ng Abra dahil ito ang epicenter ng lindol.

Tags: AbraEarthquake PHlindolPangulong Bongbong Marcos
Previous Post

Dahil sa expired Covid-19 vaccine: Bira ng dating adviser ni Duterte, inalmahan ng DOH

Next Post

Abra, isinailalim na sa state of calamity

Next Post
Abra, isinailalim na sa state of calamity

Abra, isinailalim na sa state of calamity

Broom Broom Balita

  • MARINA: CDO, inilabas na vs kumpanyang may-ari ng MT Princess Empress
  • Mayor Degamo, nagpadala ng sulat sa Kamara bilang panawagang i-expel si Teves
  • 30 Pinoy, kasama sa mga apektado sa gumuhong gusali sa Qatar
  • Mga lalabag sa exclusive motorcycle lane sa QC, huhulihin na sa Marso 27
  • Mga guro, bibigyan ng mas mataas na honoraria — Comelec
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.