• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Sports

₱250,000 reward, ibibigay ni EJ Obiena sa may kanser na si Lydia de Vega

Rommel Tabbad by Rommel Tabbad
July 28, 2022
in Sports
0
₱250,000 reward, ibibigay ni EJ Obiena sa may kanser na si Lydia de Vega
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nangako si Filipino Olympian, pole vault world No. 3 EJ Obiena na ibibigay nito sa cancer victim na si Filipino track and field legend Lydia de Vega ang matatanggap na reward sa Philippine Sports Commission (PSC) na ₱250,000.

Sa kanyang Facebook post nitong Huwebes, pinasalamatan ni Obiena ang mga sumuporta sa kanya kasunod ng makasaysayang paghablot nito ng bronze medal sa World Athletics Championship at pinuri rin nito si De Vega.

“I am also here today because I am standing on the shoulders of giants. The legends of Philippines Athletics who paved a way for me. Who brought attention and success to athletics. I owe them a debt of gratitude,” pagpapakumbaba ni Obiena.

“I thank them for the route they have forged for us competing today. [Thirty-nine] years ago, was the first-ever World Championships in 1983. Our leading participant in those inaugural World Championships was the legendary Lydia De Vega,” pagpapatuloy nito.

Aniya, kailangan ni De Vega ang pera para sa medical expenses nito sa kanyang Stage 4 breast cancer.

Nakatakdang tumanggap si Obiena ng pabuya mula sa PSC bilang insentibo sa ibinigay na karangalan sa bansa.

“I am deeply saddened by the news of Ma’am Lydia’s health issues, and the pleas of her family for financial assistance for the mounting medical bills. I have met Ma’am Lydia in Singapore on many occasions, and she has always been [a] kind, supportive and loving individual,” ani Obiena.

Sinabi pa ni Obiena na bukod sa kanya, magbibigay din ng kaparehong halaga ang kanyang advisor at nutritionist na sina James at Carol Lafferty.

“We hope this makes a difference and gives Ma’am Lydia added strength to battle this horrible disease. God bless you and give you strength Mam Lydia,” ayon pa sa social media post ni Obiena.

Matatandaang iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa PSC na bigyan ng financial support si De Vega kasunod na rin ng panawagan ng pamilya nito.

Previous Post

Pataas nang pataas: 3,858, bagong Covid-19 cases sa PH nitong Hulyo 28

Next Post

Mahigit ₱400M shabu, naharang sa Pampanga

Next Post
Mahigit ₱400M shabu, naharang sa Pampanga

Mahigit ₱400M shabu, naharang sa Pampanga

Broom Broom Balita

  • Suplay ng monkeypox vaccine, posibleng matanggap ng Pinas sa 2023
  • ‘No Contact Apprehension’ pinasususpindi
  • Tom Rodriguez, sinita at inawat mga netizen na sumawsaw, nagbardagulan sa IG post niya
  • BSP, muling nagbabala vs phishing scam
  • Suplay ng puting sibuyas, wala na! — DA
DOH: Deteksyon ng monkeypox sa Pinas, hindi dapat maging sanhi ng pagkaantala ng pagbubukas ng klase

Suplay ng monkeypox vaccine, posibleng matanggap ng Pinas sa 2023

August 10, 2022
‘No Contact Apprehension’ pinasususpindi

‘No Contact Apprehension’ pinasususpindi

August 10, 2022
Tom Rodriguez, sinita at inawat mga netizen na sumawsaw, nagbardagulan sa IG post niya

Tom Rodriguez, sinita at inawat mga netizen na sumawsaw, nagbardagulan sa IG post niya

August 10, 2022
Utang ng Pilipinas, aabot na sa ₱12.09T — BTr

BSP, muling nagbabala vs phishing scam

August 10, 2022
Suplay ng puting sibuyas, wala na! — DA

Suplay ng puting sibuyas, wala na! — DA

August 10, 2022
‘Pinas, low risk na sa COVID-19 transmission

OCTA: COVID-19 growth rate ng NCR, bumaba sa 5%

August 10, 2022
‘May wife pa rin naman!’ Mga netizen, kampante pa rin sa pagtanggal ni Heart sa surname ni Chiz sa IG

‘May wife pa rin naman!’ Mga netizen, kampante pa rin sa pagtanggal ni Heart sa surname ni Chiz sa IG

August 10, 2022
Darryl Yap, hinamon si Atty. Vince Tañada; ilabas tunay na kinita ng ‘Katips’

Darryl Yap, hinamon si Atty. Vince Tañada; ilabas tunay na kinita ng ‘Katips’

August 10, 2022
Arnell Ignacio, itinalaga bilang hepe ng OWWA

Arnell Ignacio, itinalaga bilang hepe ng OWWA

August 10, 2022
Badjao Girl Rita Gaviola, may pakiusap sa bashers; siya na lang laitin ‘wag ang anak niya

Badjao Girl Rita Gaviola, may pakiusap sa bashers; siya na lang laitin ‘wag ang anak niya

August 10, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.