• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Pastor Quiboloy, nagsalita sa walk out issue ni Mike Abe: ‘Ako una niyang pinahiya sa TV!’

Richard de Leon by Richard de Leon
July 27, 2022
in Showbiz atbp.
0
Pastor Quiboloy, nagsalita sa walk out issue ni Mike Abe: ‘Ako una niyang pinahiya sa TV!’

Pastor Apollo Quiboloy at Mike Abe (Larawan mula sa Manila Bulletin/Balita Online/YT Channel)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Usap-usapan ang umano’y pagwo-walk out habang on-air ang programa ng SMNI news anchor na si Mike Abe dahil hindi umano nito nagustuhan ang pahayag ni Pastor Apollo Quiboloy hinggil sa naganap na unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ayon sa mga nakasaksing manonood nitong Martes, Hulyo 26.

Nagkakadiskusyunan daw sina Abe at Quiboloy patungkol sa katatapos na SONA ni PBBM na naganap noong Lunes, Hulyo 25, 2022.

Si Abe, na masugid na tagasuporta ni PBBM, ay naniniwalang marami raw na positibong plano si PBBM sa ekonomiya ng bansa, batay sa mga nasabi nito sa SONA. Ayos lamang daw kung maraming mga hindi nabanggit ang pangulo gaya ng war on drugs, anti-corruption, paglaban sa komunismo, at iba pa.

Kinontra naman umano ito ni Pastor Quiboloy dahil wala umano itong silbi kung hindi mapupuksa ang insurgency sa bansa. Hindi umano ito nabanggit sa SONA ng pangulo. Sana raw ay binanggit ito ng pangulo dahil tila mawawalan daw ng pangil kung isasantabi lamang, lalo’t nasimulan na umano ito ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Tila hindi umano “bumenta” kay Abe ang mga nasabi ni Pastor Quiboloy.

Maya-maya, nagpasalamat si Abe sa 15 taon niyang serbisyo sa SMNI. Hinubad daw niya ang kaniyang suot na lapel at saka nag-walk out. Tila nagdabog daw ito dulot ng mataas na emosyon.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/26/smni-news-anchor-mike-abe-nag-walk-out-daw-sa-show-napikon-nga-ba-kay-pastor-quiboloy/

Sinagot naman ni Pastor Quiboloy ang isyu sa pamamagitan ng mga tanong ng mga netizen sa kaniya, Hulyo 26, na binasa naman ng host nito.

“May sarili po akong opinyon eh. Eh kasi hiningi niya ang aking opinyon tungkol sa SONA. Sinabi ko na ‘di ba? Inulit nila sa Usapin ng Bayan,” ayon sa pastor.

Ang punto raw ni Abe, kung babanggitin ni PBBM lahat ng mga plano niya sa bayan, matatapos umano ito ng tatlong oras.

“Sino ang pinatututsadahan niya roon? Ako?! Ako ang unang nag-comment eh. Ako ang unang ipinahiya niya sa TV. Ako eh nakikinig lang, nakita ba ninyo akong nakikialam sa mga programa ng SMNI? Nakikialam ba ako sa Usaping Bayan? Pero pinahiya mo ako sa TV, sa aking mga comments, o opinyon ko, sinalungat mo at isa kang correspondent ng SMNI, eh talagang sasagutin kita publicly,” giit ni Quiboloy.

“Hindi kita babastusin, sasagutin lang kita.”

“Opinyon mo? Eh opinyon ko rin ito. Programa mo ‘yan? Eh estasyon ko ‘yan,” banat pa ni Quiboloy. “Nagpo-programa lang siya sa estasyon ko. Kailangan igalang niya muna ako at ang opinyon ko. Kung may opinyon siya na sarili niya, eh huwag niyang salungatin ang chairman niya. Kasi hindi naman pagkakampi-kampi kung kanino itong opinyon ko. Hindi naman ako binabayaran sa opinyon ko.”

Bilang chairman ng SMNI, talagang sinusubaybayan daw ni Quiboloy ang lahat ng programa. Kapag alam na niyang mali ang nangyayari, talagang panghihimasukan na niya ito.

“Hindi ninyo puwedeng gamitin ang SMNI para sa sarili ninyong opinyon na hindi na objective! Hindi puwede sa SMNI ‘yun.,” giit ng pastor.

Tags: Mike AbePastor Apollo QuiboloySMNIwalk out issue
Previous Post

Walang banta ng tsunami kasunod ng 7.3-magnitude na lindol — Phivolcs

Next Post

Mike Abe, tuloy ang pagbibitiw sa SMNI; nilinaw na kaibigan pa rin turing kay Pastor Quiboloy

Next Post
Mike Abe, tuloy ang pagbibitiw sa SMNI; nilinaw na kaibigan pa rin turing kay Pastor Quiboloy

Mike Abe, tuloy ang pagbibitiw sa SMNI; nilinaw na kaibigan pa rin turing kay Pastor Quiboloy

Broom Broom Balita

  • Pagkalat ng oil spill, napigilan sa Verde Island – PCG Batangas
  • Panourin: Kaloka! Morissette Amon, ‘naghalimaw’ sa concert ni David Foster
  • Chocolate factory sa US, sumabog; 2 patay, 9 nawawala
  • Ex-Kapamilya stars sa magtatapos na Tropang LOL, makababalik pa kaya sa ABS-CBN?
  • Isang wedding invitation, nag ala-‘notice of disconnection’ sa kuryente
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.