• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home National

Panukalang batas na kabilang sa prayoridad ni Marcos vs pandemya, isusulong sa Kongreso

Rommel Tabbad by Rommel Tabbad
July 27, 2022
in National
0
Panukalang batas na kabilang sa prayoridad ni Marcos vs pandemya, isusulong sa Kongreso
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Bilang pagsunod sa panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na madaliin ang pagpasa ng mga priority bills, tiniyak ng isang kongresista na kukumbinsihin nito ang mga kasamahan sa Kongreso upang maisagawa ito.

Ayon kay 4th District Rep. Keith Micah D.L. Tan ng Quezon, isusulong nito ang tatlo sa mga panukalang batas na binanggit ni Marcos sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA) kamakailan.

Kabilang na rito ang “Philippine Center for Disease Prevention and Control (CDC) Act” (House Bill 281) na nagpapanukalang lumikha ng Center of Disease Prevention and Control, “Virology Institute of the Philippines Act” (House Bill 282) o pagtatatag ng Virology Institute of the Philippines (VIP) na magiging ahensyang kaagapay ng Department of Science and Technology (DOST) sa paghahanda ng bansa laban sa pandemya o public health emergencies at layunin nitong matamo ang vaccine self-sufficiency,p at at “Medical Reserve Corps Act” o paglikha ng Medical Reserve Corps (MRC) na pangangasiwaan ng Department of Health (DOH)-Health and Emergency Management Bureau (HEMB).

Sa naturang panukala, ang MRC ay dapat na binubuo ng mga lisensiyadong doktor, medical student na tapos na ng apat na taong medical course, nagtapos ng medisina, rehistradong nars at lisensiyadong allied health professionals.

Ang mga nabanggit na panukalang batas ay pawang inaprubahan na ng nakaraang Kongreso.

Kaugnay nito, naniniwala ang mambabatas na napapanahon na upang maisabatas ang mga tinukoy na panukala para maiangat ang health system ng bansa, lalo na ngayong patuloy ang paglaban ng gobyerno sa pandemya ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa bansa.

Previous Post

Puno na! PCGH, ‘di na muna tatanggap ng bagong pasyente

Next Post

280 pang aftershocks, naitala sa Abra — Phivolcs

Next Post
280 pang aftershocks, naitala sa Abra — Phivolcs

280 pang aftershocks, naitala sa Abra -- Phivolcs

Broom Broom Balita

  • ‘Sey mo, Tom?’ Carla Abellana, prangkang sumagot sa lie detector test ni Bea Alonzo
  • Apat na pagkaing Pinoy, kasama sa 100 worst dishes in the world
  • Ilang bahagi ng Luzon, makararanas ng katamtamang ulan dulot ng amihan
  • Mona Alawi, naiyak sa concert ng ENHYPEN
  • John Prats, sobrang saya sa pagiging ninong sa anak ni Angelica Panganiban
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.