• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

‘Pinoy Ako Blog’ blogger na si Jover Laurio, nag-public apology kay Sass Sasot

Richard de Leon by Richard de Leon
July 20, 2022
in Showbiz atbp.
0
‘Pinoy Ako Blog’ blogger na si Jover Laurio, nag-public apology kay Sass Sasot

Jover Laurio at Sass Sasot (Larawan mula sa FB at Twitter)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Humingi ng tawad ang “Pinoy Ako Blog” blogger na si Jover Laurio sa journalist at blogger din na si Sass Rogando Sasot, sa pagtawag niya rito ng “prostitute” noong 2017.

Ipinaraan ni Laurio ang kaniyang public apology sa pamamagitan ng tweet, Hulyo 19.

“Gusto kong humingi ng tawad sa blog posts na ginawa ko last Jan. 5 and 6, 2017. Nagpahiwatig ako na ikaw ay isang prostitute sa Netherlands, kahit wala akong matibay na basehan sa pagsabi nito,” saad ni Laurio.

“Ngayon alam kong hindi ito totoo. Humihingi din ako ng tawad sa lahat ng sakit, kahihiyan, at anumang pagdurusang naranasan mo dulot ng pagsulat ko ng post na yun,” dagdag niya.

Humingi rin siya ng paumanhin sa pamilya ni Sasot, lalo na sa kaniyang inang si Melba.

“Gusto ko ring humingi ng tawad sa pamilya mo. Lalo na sa Mama mo, kay Ma’am Melba Sasot. Alam ko na sa bawat sakit na nararamdaman ng anak mas doble pagdating sa ina nila,” sabi ni Laurio.

Nangako rin siya na hindi na niya muling gagawin iyon kay Sasot.

“Sana mapatawad mo ako sa lahat ng sakit na naranasan mo dahil sa post na iyon. I’ve learned from my mistake and I promise that this will not happen again,” ayon pa sa blogger.

A Public Apology for Ms Sass
Rogando Sasot @srsasot pic.twitter.com/TjFccXniG2

— Jover Laurio (@PinoyAkoBlog) July 19, 2022

Sa Facebook post naman ni Sasot, Hulyo 19, tinanggap niya ang paumanhin ni Laurio.

“First of all, I would like to extend my gratitude to the Honorable Judge Jaime Santiago whose wisdom guided us all throughout the libel case I filed versus Ms Jover Laurio.”

“Judge Santiago’s sagacity helped us reach a closure to this case. When faced between the way of grace and the way of ego, one must always choose the one that would make us #KeepAscending.”

“I am accepting Ms Laurio’s apology and I wish her all the best in life and a bright future for her child,” aniya.

Tags: Jover LaurioPinoy Ako Blogpublic apologySass Sasot
Previous Post

Kristel Fulgar, naka-video call ang Korean idol na si Seo In-Guk

Next Post

Sass Sasot, tinanggap ang public apology ni ‘Pinoy Ako Blog’ blogger Jover Laurio

Next Post
Sass Sasot, tinanggap ang public apology ni ‘Pinoy Ako Blog’ blogger Jover Laurio

Sass Sasot, tinanggap ang public apology ni 'Pinoy Ako Blog' blogger Jover Laurio

Broom Broom Balita

  • Guro sa kindergarten, kinaaliwan dahil sa iba’t ibang uri ng palakpak
  • Davao Occidental, niyanig ng magnitude 4.1 na lindol
  • Sparkle artists na isasabak sa bagong Eat Bulaga, lagyan daw ng name plate
  • ‘Mala-tigre na!’ Pusang sinlaki ng Siberian husky, pukaw-atensyon
  • 2 mananaya, maghahati sa P42.7- M Lotto 6/42 jackpot prize
Guro sa kindergarten, kinaaliwan dahil sa iba’t ibang uri ng palakpak

Guro sa kindergarten, kinaaliwan dahil sa iba’t ibang uri ng palakpak

June 4, 2023
Cagayan, niyanig ng magnitude 4.5 na lindol

Davao Occidental, niyanig ng magnitude 4.1 na lindol

June 4, 2023
Sparkle artists na isasabak sa bagong Eat Bulaga, lagyan daw ng name plate

Sparkle artists na isasabak sa bagong Eat Bulaga, lagyan daw ng name plate

June 4, 2023
‘Mala-tigre na!’ Pusang sinlaki ng Siberian husky, pukaw-atensyon

‘Mala-tigre na!’ Pusang sinlaki ng Siberian husky, pukaw-atensyon

June 4, 2023
PCSO: P29.7M jackpot prize ng Grand Lotto 6/55, napanalunan na rin ng taga-Batangas

2 mananaya, maghahati sa P42.7- M Lotto 6/42 jackpot prize

June 4, 2023
Dagdag P1.10 per liter sa gasolina, asahan sa June 29

Rollback sa presyo ng produktong petrolyo, asahan sa Martes

June 3, 2023
10 boya, ‘di inaalis sa WPS — PCG

10 boya, ‘di inaalis sa WPS — PCG

June 3, 2023
Crater glow, naobserbahan: 13 rockfall events, pagyanig naitala rin sa Mayon Volcano

Crater glow, naobserbahan: 13 rockfall events, pagyanig naitala rin sa Mayon Volcano

June 3, 2023
Pamamahagi ng booster shots, mabagal na ipinatutupad sa PH — NTF adviser

Unang bugso ng bivalent Covid-19 vaccines, darating sa bansa ngayong Sabado

June 3, 2023
Sunog sa Recto, nag-iwan ng pinsalang aabot sa P480,000

Sunog sa Recto, nag-iwan ng pinsalang aabot sa P480,000

June 3, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.