• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Darryl Yap, bumwelta sa patutsada umano ng singer na si Mitch Valdez tungkol sa isang ‘pedophile’

Richard de Leon by Richard de Leon
July 20, 2022
in Showbiz atbp.
0
Darryl Yap, bumwelta sa patutsada umano ng singer na si Mitch Valdez tungkol sa isang ‘pedophile’

Darryl Yap at Mitch Valdez (Larawan mula sa FB/Manila Bulletin)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Sumagot ang direktor ng VinCentiments at pelikulang “Maid in Malacañang” na si Darryl Yap sa pasaring umano ng singer-actress na si Mitch Valdez hinggil sa isang “pedophile” na may pelikula.

Sa pamamagitan ng opisyal na Facebook page ng “VinCentiments” ay ibinato ni Yap ang kaniyang kontra pahayag laban sa mang-aawit. Ibinahagi nito sa Facebook post ang screengrab ng mga Facebook posts umano ng beteranang singer-actress.

“I lived thru Martial law where the mere sight of soldiers or policemen would make my knees quake because people disappeared. I could not express my opinion in shows because people disappeared. I then joined the people who had had enough and faced tanks,” mababasa sa Facebook post umano ng singer-actress.

“We prayed for a quick death if they ran us over.”

“I saw the cowardly family escape trailing jewels and cash in adult diaper boxers.”

“And now have a voice because of the thousands who were tortured and killed for my voice”

“No movie made by a pedophile can change this.”

Wala mang pinangalanang, hula ng mga netizen ay ang pamilya Marcos ang tinutukoy rito at ang “pedophile” naman daw ay si Yap, matapos masangkot sa isyung kaugnay nito noon.

Banat naman ni Yap, “Bago pa kumanta si Mitch Valdez ng “wala naman akong pinangalanan” o “bakit siya tinamaan”. Hayaan mong bumirit ako sa lyrics na PANGALANAN MO NGANG AKO ITO,” aniya.

“Ang hirap sa mga taong sugatan, akala nila may karapatan silang manakit.”

“Ms. Mitch Valdez,”

“May karapatan ka sa sarili mong opinyon at kamiserablehan, pero tigilan mo ko sa pagtatapang-tapangan mo at gagawin mong bala ang gawa-gawang paninira ng mga gaya mong ipinaglaban ang demokrasya pero di handa sa tunay na kahulugan nito.”

“Tutal humarap ka kamo sa tangke, iharap mo sa akin ang sarili mo at ang mga pinagkuhanan mo ng kagaguhang ‘pedophile’ at ‘admitted pedophile’.”

“Ang gagaling n’yong umastang tagapangtanggol kayo ng inaagrabyado pero kayo ang numero unong masasangsang ang ugali.”

“Gagawa-gawa kayo ng paninira tapos palalabasin n’yong inamin ko? Ano kayo may TB? Mas malala pa sa TB ang sakit na ‘yan.”

Sa dulo ng FB post ay mababasa ang pangalang “Darryl Yap”.

(Mula sa Facebook page ng VinCentiments)

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Mitch Valdez kaugnay nito.

Tags: Darryl YapMitch ValdezpedophileVinCentiments
Previous Post

Babae, 60, kinakasamang binata, 19, bistado sa isang buy-bust op sa Laguna

Next Post

‘You are my life anak!’ Claudine, may nakaaantig na mensahe sa 15th b-day ng anak na si Santino

Next Post
‘You are my life anak!’ Claudine, may nakaaantig na mensahe sa 15th b-day ng anak na si Santino

'You are my life anak!' Claudine, may nakaaantig na mensahe sa 15th b-day ng anak na si Santino

Broom Broom Balita

  • Abogado ni Teves sa tinitingnang ‘mastermind’ sa Degamo-slay case: ‘We are not surprised’
  • ₱19M iligal na sigarilyo, kumpiskado sa Davao del Sur
  • Teves, isa sa mga tinitingnang mastermind sa pagpaslang kay Degamo – Sec Remulla
  • ‘Creed’ aktor Jonathan Majors, arestado sa umano’y harassment at assault
  • ‘Harry Potter’ Daniel Radcliffe, magiging daddy na!
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.