• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Pagbubukas ng Davao City Library nitong Biyernes, dinagsa

Balita Online by Balita Online
July 15, 2022
in Balita, Probinsya
0
Pagbubukas ng Davao City Library nitong Biyernes, dinagsa

Davao City Library and Information Center (DCLIC)/Larawan ni Antonio Carolina

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

DAVAO CITY – Dumagsa ang mga tao sa bagong pampublikong aklatan sa lungsod na nagbukas ngayong Biyernes, Hulyo 15.

Sa isang advisory, inihayag ng Davao City Library and Information Center (DCLIC) na bukas na ang modernong apat na palapag na library, mula 7 a.m. hanggang 7 p.m. Lunes hanggang Biyernes.

“The Davao City Library has reached its maximum capacity. For your convenience and safety, we suggest Dabawenyos to visit the library later this evening or next week,” saad ng pamunuan nito matapos dagsain ng mga parokyano ang library alas-3 pa lang hapon nitong Biyernes.

Sinabi ni DCLIC head Sandy Enoc sa Davao City Disaster Radio (DCDR 87.5) na lumalakas ang panawagan na gawing bukas ang library ng lungsod 24/7 ngunit hindi pa sila nagsasagawa ng isa pang survey kung ito ay pabor sa pangkalahatang publiko.

Sinabi niya na ang aklatan ay may pinakamataas na kapasidad na 250.

“There is another clamor to extend it, or maybe for 24 hours, but we need to discuss it with the Board. We will make a survey again because the last time we did a survey on this, the result was 50-50. The Board decided that we need to have another survey and we will see,” aniya.

Sinabi niya na bukod sa mga espasyong inilaan para sa mga mag-aaral at mananaliksik, ang aklatan ay mayroon ding library café na katabi ng seksyon ng pahayagan nito sa ground floor, conference room at Information Technology sa ikaapat na palapag, at isang organikong hardin sa roof deck.

Ang mga kliyente ay kailangang magparehistro at magbayad para sa mga membership card – P100 para sa mga residente at P30 na hindi residente, aniya.

Sinabi niya na ang mga residente lamang ang maaaring humiram ng mga libro habang ang mga hindi residente ay maaaring humiram ng mga libro para sa in-house na paggamit ngunit ang mga gumagamit ng library ay maaaring makakuha ng akses sa libreng internet sa loob ng isang oras.

Hinikayat ni Enoc ang mga tao, kabilang ang mga hindi mag-aaral at hindi mananaliksik, na bumisita sa aklatan.

“The concept of this library is different as it’s not only intended for students and teachers. It’s a space where you can collaborate ideas. Those who need help with online registration for NBI or PRC (National Bureau of Investigation or Professional Regulation Commission), visit us in the library because you will be assisted,” aniya.

Sinabi niya na kinilala ng Pambansang Aklatan ng Pilipinas ang bagong bukas na aklatan bilang “pinaka-makabagong aklatan sa Pilipinas” sa ilalim ng kategoryang adaptive programs and services.

Tags: davao cityPublic Library
Previous Post

Bantag, mananatili bilang BuCor chief — Remulla

Next Post

Mariyela Hugo, nagsalita na hinggil sa umano’y pagkopya sa kanyang valedictory address

Next Post
Mariyela Hugo, nagsalita na hinggil sa umano’y pagkopya sa kanyang valedictory address

Mariyela Hugo, nagsalita na hinggil sa umano'y pagkopya sa kanyang valedictory address

Broom Broom Balita

  • Mahigit 10,000 litro ng oily water mixture, nakolekta ng PCG
  • John Riel Casimero, ibinenta ang WBO belt sa halagang ₱1.2M
  • PNR, may 4-araw na tigil-operasyon sa Mahal na Araw
  • Maja Salvador, ‘di lalayas sa Eat Bulaga
  • Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.6 na lindol
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.