• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Archive

‘Popcorn please!’ Salpukang Annabelle at Rowena, inaabangan ng mga netizen

Richard de Leon by Richard de Leon
July 12, 2022
in Balita Archive
0
‘Popcorn please!’ Salpukang Annabelle at Rowena, inaabangan ng mga netizen

Annabelle Rama at Rowena Guanzon (larawan mula sa Manila Bulletin/Twitter)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Natigatig ang online world nitong Lunes, Hulyo 11, nang biglang magpakawala ng social media post ang ina ni Ruffa Gutierrez na si Annabelle Rama, na tila parinig at patutsada sa isang personalidad na tila umaaway sa kaniyang anak, at tinawag pa niyang “chismosang Marites” at “CCTV”.

Batay sa kaniyang sinabing “Day” (pinaiksing Inday) ay mukhang babae ang pinatutungkulan niya. Sinabihan pa niya itong magpokus na lamang sa sariling kaso kaysa pakialaman ang buhay ng anak.

“Hoy Day!! Pwede ba HUWAG ka maging chismosang marites?? Kung mag kwento ka akala mo CCTV ka ni Ruffa!! Mind your own business!! Ayusin mo Nalang kaso mo,” banat ni Annabelle.

“Baka gusto mong mapasali sa MAID IN MALACAÑANG kaya ka nagpapapansin??” hirit pa ni Bisaya. Matatandaang si Ruffa ang gumaganap sa papel na dating First Lady Imelda Marcos.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/11/resbakan-ng-kweens-bardagulang-annabelle-rama-at-rowena-guanzon-magsisimula-na/

Hula ng mga netizen, ang pinatutungkulan umano nito ay si dating Comelec Commissioner Rowena Guanzon na kamakailan lamang ay sinita si Ruffa dahil umano sa dalawang kasambahay na pinalayas nito.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/09/guanzon-sa-umanoy-pagpapalayas-ni-ruffa-sa-2-kasambahay-nang-di-nasasahuran-is-it-true/

Bagay na pinabulaanan naman ni Ruffa sa pamamagitan ng agarang pag-tweet, at nitong Lunes, Hulyo 11, lumabas na rin ang opisyal na pahayag ng kaniyang kampo sa pamamagitan ng kaniyang legal counsel.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/11/kampo-ni-ruffa-naglabas-ng-opisyal-na-pahayag-tungkol-sa-maid-issue-may-balak-kasuhan/

Samantala, tila nakarating na kay Guanzon ang tungkol sa cryptic post ni Annabelle, kaya nagpakawala siya ng tweet na “Wait lang dayy!!”

Ngayong Hulyo 12 ay muling nag-tweet si Guanzon. “Atty who? #Bardagulan.”

Atty who? #Bardagulan

— Rowena Guanzon (@rowena_guanzon) July 11, 2022

At sa isa pang tweet, “I am an elected official, not a two bit actor. hindi pa ako laos. Call me a whore but never call me damatands. #Bardagulan.”

I am an elected official , not a two bit actor. hindi pa ako laos. Call me a whore but never call me damatands.#Bardagulan

— Rowena Guanzon (@rowena_guanzon) July 12, 2022

Ang panghuling tweet ay tila sagot naman niya sa naging pahayag ng direktor ng Maid in Malacañang na si Darryl Yap, nang sabihan nito si Ruffa na huwag na lang siyang patulan dahil matanda na siya at kaunti na lamang ang nalalabing oras sa mundo.

“Kung diyan siya masaya, huwag natin basagin ang trip niya,” pahayag ni Yap.

Sa “It’s Showtime” naman, tila nagpatutsada naman si Ruffa dahil sinabi niyang hindi niya alam ang ibig sabihin ng “bardagulan” kaya kinailangan pa niya itong i-research sa Google.

“I don’t know the word ‘bargalugan’ ha. I have to google it. Wala siya sa dictionary,” nabubulol pang sabi ni Ruffa na ikinahalaklak ng mga host nang maungkat ang tungkol dito.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/11/ruffa-gutierrez-walang-ideya-sa-salitang-bardagulan-i-have-to-google-it/

Tinatawag na “Queen of Bardagulan” si Guanzon sa kasalukuyan dahil sa kaniyang walang takot na pakikipagbardahan online, na nagsimula noon sa disqualification case kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Pero anang mga netizen, ang tunay at original na “Bardagulera Queen,” hindi pa man nauuso ang terminong ito, ay si Annabelle. Kilala si Bisaya sa pagiging prangka, walang preno, at matapang lalo na sa mga kumakanti sa kaniyang pamilya.

Tanong ngayon ng mga netizen, hanggang saan aabot ang “bardagulan” ng dalawang matapang na personalidad?

“Excited na kami! Sapakan na sa ring!”

“Mas nauna si Tita Annabelle maging bardagulera, hindi pa uso ‘yan. Let’s see!”

“Yan!!! Hahaha wag kayo papatalo jan kay Rama na akala mo e kung sino hahaha.”

“Go Cong. Rowena, kayang-kaya mo ‘yan! Latagan mo ng legal terms para matameme.”

“Challenge DY duel. Airsoft or paintball for safety.”

“Ito yung hinihintay kong tapatan! Queens of Bardagulan!”

“Popcorn please!”

Samantala, wala pang tugon si Annabelle sa cryptic tweets ni Rowena.

Tags: Annabelle RamabardagulanRowena GuanzonRuffa Gutierrez
Previous Post

Solon, naghain ng ‘Child Support Enforcement Act’; paghinto sa sustento, paparusahan!

Next Post

Darryl, may payo kay Ruffa; Wag patulan at basagin ang trip ng nang-aaway sa kaniyang ‘old lady’

Next Post
Darryl, may payo kay Ruffa; Wag patulan at basagin ang trip ng nang-aaway sa kaniyang ‘old lady’

Darryl, may payo kay Ruffa; Wag patulan at basagin ang trip ng nang-aaway sa kaniyang 'old lady'

Broom Broom Balita

  • Reklamo ni Julius Babao sa isang pizza restaurant: ‘Yung pizza na inorder namin may plastic!’
  • Pauline Amelinckx, umasang masusungkit ang Miss Universe Philippines title noong Abril
  • Maggie Wilson, kinaladkad ang umano’y ‘kabit’ ng noo’y asawang si Victor Consunji
  • Pilipinas, nagtapos bilang 5th placer sa ASEAN Para Games
  • Hidilyn Diaz, tiwala sa sarili para sa kaniyang ‘last lift’ sa 2024 Paris Olympics
Reklamo ni Julius Babao sa isang pizza restaurant: ‘Yung pizza na inorder namin may plastic!’

Reklamo ni Julius Babao sa isang pizza restaurant: ‘Yung pizza na inorder namin may plastic!’

August 8, 2022
Pauline Amelinckx, umasang masusungkit ang Miss Universe Philippines title noong Abril

Pauline Amelinckx, umasang masusungkit ang Miss Universe Philippines title noong Abril

August 8, 2022
Maggie Wilson, kinaladkad ang umano’y ‘kabit’ ng noo’y asawang si Victor Consunji

Maggie Wilson, kinaladkad ang umano’y ‘kabit’ ng noo’y asawang si Victor Consunji

August 8, 2022
Pilipinas, nagtapos bilang 5th placer sa ASEAN Para Games

Pilipinas, nagtapos bilang 5th placer sa ASEAN Para Games

August 8, 2022
Hidilyn Diaz, tiwala sa sarili para sa kaniyang ‘last lift’ sa 2024 Paris Olympics

Hidilyn Diaz, tiwala sa sarili para sa kaniyang ‘last lift’ sa 2024 Paris Olympics

August 7, 2022
Higit 1K na mga bata na may comorbidities, nakatanggap na  unang dose ng COVID-19 vaccine — DOH

Covid-19 positivity rate sa Cagayan, sumipa; pagbabakuna, muling ikinampanya

August 7, 2022
Isang magsasaka, patay matapos pagtatagain ng kapwa magsasaka sa Quezon

Kalahating kilo ng marijuana, nakumpiska sa 2 suspek, 1 menor de edad, sa Rizal

August 7, 2022
Comelec, umaasang mas maraming reklamo sa paglabag ng eleksyon ang maisasampa

Comelec, umaasang madedesisyunan ngayong buwan ang panukalang ipagpaliban ang BSKE 2022

August 7, 2022
Tom Rodriguez, nagbabalik sa Instagram; fans, nagpasalamat sa Kapuso actor

Tom Rodriguez, nagbabalik sa Instagram; fans, nagpasalamat sa Kapuso actor

August 7, 2022
‘Prof. Araneta-Marcos’: First lady, kumpirmadong magtuturo sa WVSU

‘Prof. Araneta-Marcos’: First lady, kumpirmadong magtuturo sa WVSU

August 7, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.