• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home National

Street sweeper, magsasaka, kumubra na ng tig-₱100M jackpot sa lotto

Mary Ann Santiago by Mary Ann Santiago
July 11, 2022
in National
0
Street sweeper, magsasaka, kumubra na ng tig-₱100M jackpot sa lotto
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Kinumpirma ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Lunes, na isang street sweeper at isang magsasaka ang nagtungo na sa kanilang punong tanggapan sa Mandaluyong City upang kubrahin ang kani-kanilang napanalunang mahigit sa ₱100 milyong jackpot sa lotto.

Ayon sa PCSO, isang ginang na taga-Malabon at may apat na anak, ang nagtungo sa kanilang head office sa Shaw Boulevard noong Hunyo 21, upang kubrahin ang napanalunan ₱103,269,281.60 sa Mega Lotto 6/45 na binola noong Hunyo 17 at may winning combination na 10-12-02-27-03-18.

Sinabi ng PCSO, ang nasabing ginang ay umabot na sa 25-taon sa pagiging street sweeper upang maitaguyod ang kanyang mga anak, dahil ang kanyang asawa ay walang permanenteng trabaho.

Ikinokonsidera ng nabanggit na mananaya na isang malaking pagpapala mula sa Panginoon ang kanyang pagkapanalo.

Aniya, nakuha niya ang winning combination mula sa kanyang kapatid na lalaki na nakikitira sa kanila.

Hindi aniya ito ang unang pagkakataong tumaya siya sa lotto, at inaming gumagastos siya ng mula ₱300 hanggang ₱400 kada araw sa pagtaya sa lotto games ng PCSO, sa pagbabakasakaling palaring manalo.

“Sa hirap ng buhay namin, nangangarap po akong manalo kaya ganito po ako kalaki tumaya. Umaasa po ako sa tuwing tataya ako mananalo ako,” ayon pa sa lotto winner.

Ngayong nanalo na umano siya sa lotto, plano niyang hatiin ang napanalunan sa kanyang apat na anak upang masiguro ang kinabukasan ng mga ito, balatuhan ang kanyang kapatid na lalaki na siyang nagbigay ng winning combination sa kanya, bumili ng sariling bahay at magbigay ng donasyon sa simbahan para sa kawanggawa.

Nagtungo na rin sa PCSO main office ang isang 29-anyos na magsasaka mula sa Quezon upang kubrahin ang napanalunang ₱100,064,568.00 sa Ultra Lotto 6/58.

Matagumpay na nahulaan nito ang six-digit winning combination na  20-22-09-54-06-19 para sa Ultra Lotto 6/58 na binola noong Mayo 24, 2022.

Anang lucky bettor, may 10-taon na siyang tumataya sa lotto at pinalad na manalo ng jackpot sa pamamagitan ng Lucky Pick system.

Previous Post

Dream come true! Jolina Magdangal, nag-camping kasama ang pamilya

Next Post

Pag-intriga ni Xian Gaza kay Jak Roberto at Kim Domingo, ikinagalit nga ba ni Barbie Forteza?

Next Post
Pag-intriga ni Xian Gaza kay Jak Roberto at Kim Domingo, ikinagalit nga ba ni Barbie Forteza?

Pag-intriga ni Xian Gaza kay Jak Roberto at Kim Domingo, ikinagalit nga ba ni Barbie Forteza?

Broom Broom Balita

  • Publiko, pinag-iingat ng DOH sa mga patok at matatamis na inumin ngayong tag-init
  • ICC, ibinasura ang apela ng ‘Pinas na suspendihin ang imbestigasyon sa drug war
  • Nawawalang teacher intern sa Catbalogan, natagpuang buhay matapos ang 5 araw na paghahanap
  • DOH: Tiyakin ang wastong paghahanda ng pagkain, inumin, ngayong tag-init
  • 2 babaeng parak, pinuri matapos tanggihan ang P100,000 tangkang panunuhol
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.