• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Pag-intriga ni Xian Gaza kay Jak Roberto at Kim Domingo, ikinagalit nga ba ni Barbie Forteza?

Raymond Lumagsao by Raymond Lumagsao
July 11, 2022
in Showbiz atbp.
0
Pag-intriga ni Xian Gaza kay Jak Roberto at Kim Domingo, ikinagalit nga ba ni Barbie Forteza?

Larawan mula sa Instagram ni Barbie Forteza (kaliwa); mula sa Facebook page ni Xian Gaza (kanan)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Sumalang kamakailan si Barbie Forteza sa isang legit lie detector test sa YouTube channel ni Bea Alonzo. Ilang rebelasyon naman ang naungkat kaugnay ng relasyon ng aktres sa kapwa Kapuso star na si Jak Roberto.

Hindi syempre pinalagpas ni Bea ang mga juicy na mga tanong ukol sa relasyon ng Kapuso couple na game na game namang sinagot ng 24-anyos na aktres.

Pag-amin ni Barbie, siya ang selosa sa relasyon nila Jak. Sa katunayan, ilang ka-eksena umano ng boyfriend ang napagselosan niya noon.

“Actually hindi ako nagseselos kapag kunwari may mga kissing scenes, mga intimate scenes, kasi eksena,” depensa naman ni Barbie.

Ibang usapan naman umano kapag inaaya si Jak sa labas ng trabaho na kadalasa’y “all-girls” pa.

Dito sunod na natanong ni Bea ang aktres kung ikinagalit ba nito ang noo’y pag-intriga ng online personality na si Xian Gaza sa kaniyang boyfriend at ang sexy star na si Kim Domingo sa isang Facebook post.

Screengrab mula sa YouTube vlog ni Bea Alonzo

“Napanuod ko siya sa TikTok kasi parang gumagawa sila ng videos na [mula] sa posts sa FB [Facebook]. Ta’s nabasa ko ‘yung pangalan ko, nabasa ko yung pangalan ni Jak at ni Ms. Kim Domingo, pero for some reasons, ini-scroll ko lang, parang trineat ko siya as mga trolls,” saad ni Barbie na ikinatuwa ni Bea.

“Galing! Good attitude,” saad ni Bea.

Kumpiyansa ring sinagot ni Barbie ang huling tanong ni Bea.

“Has Jak Roberto ever cheated on you?” juicy na tanong ni Bea.

Diretsahang saad ni Barbie, “Ay no, no! Ang ganda ko!”

Nang tanungin ni Bea kung may nag-cheat na ba noon kay Barbie, ang pilyang sagot lang ng aktres: “The rest!”

Sa parehong vlog, inamin din ni Barbie na naging sila ng dating Kapuso actor na si Kiko Estrada.

Tags: Barbie FortezaJack RobertoKim Domingo
Previous Post

Street sweeper, magsasaka, kumubra na ng tig-₱100M jackpot sa lotto

Next Post

Divorce bill, ‘di pagsalungat sa pag-aasawa?

Next Post
Divorce bill, ‘di pagsalungat sa pag-aasawa?

Divorce bill, 'di pagsalungat sa pag-aasawa?

Broom Broom Balita

  • DOH, nag-ulat ng dagdag na 128 kaso ng Covid-19
  • Dingdong Dantes, sorpresang binisita ng pamilya sa set ng Family Feud
  • Marawi siege victims, mababayaran na?
  • QC, naglunsad ng dagdag na mental health programs
  • BOC, nagbabala vs payment scam
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.