• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Herlene Budol, overwhelmed sa bagong bahay na bigay ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino

Dante Lagana by Dante Lagana
July 11, 2022
in Balita, Showbiz atbp.
0
Herlene Budol, overwhelmed sa bagong bahay na bigay ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino

Photos courtesy: Herlene Nicole "Hipon Girl" Budol (Instagram) and screenshot from Wilbert Tolentino's vlog

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Bongga si Kapuso Comedienne na si Herlene Nicole “Hipon Girl” Budol dahil nagkaroon na siya ng bagong bahay na kanyang pinapangarap. Naisakatuparan ito sa pamamagitan ng kanyang mabait at generous na manager na si Wilbert Tolentino.

Ibinahagi ito ni Wilbert sa kanyang vlog bago bisitahin ang house and lot na located din sa Angono, Rizal na kung saan naroon ang angkan ng Budol family. Isa ring motivation ito para kay Herlene ang pagtupad ng pangarap ng kanyang manager. Sey niya, “Although si Hipon alam niyo talaga yun talaga ang ano ko sa kanya na parang pang motivation ko sa kanya.

“Kung si Madam Inutz bago siya pumasok sa PBB magkakaroon na siya ng bahay. Si Hipon naman bago naman siya pumasok sa BBP mayroon din siyang bahay. So ano bigyan niya talaga ng effort ng times 3, times 5. Yan dapat ibigay na niya lahat yung pinaka energy niya dahil one crown, one dream, one infinite possibility.”

Binanggit muli ni Wilbert na never magiging repeater si Hipon sa Binibining Pilipinas kaya ibigay na raw ng todo ng komedyante ang lahat lahat. Kaya naman daw one crown can make her superstar. Nandoon na raw si Hipon kaya karererin na raw nito sa mismong final night. Hangad ni Wilbert na makasungkit ng korona ang kanyang talent dahil life changing daw ang mangyayari kay Hipon.

Nang makarating naman sila Wilbert sa bahay na bibilhin nameet nila ang mismong may-ari at sinamahan silang libutin ang bawat corner nito. Sa mismong araw ding iyon nagbayad si Wilbert ng earnest money na P100,000 para raw i-close deal ang bentahan at wala ng i-entertain pang mga inquiries ang may-ari.

Sa paglalarawan naman ng bahay ni Hipon. Ayon kay Wilbert, may 216 sqm na bungalow ito at may dalawang apartment na two storey na puwedeng rentahan. Sabi pa ni Wilbert, ipaparenta raw ni Hipon yung isa nang sa gayon makatulong at pang-suporta raw sa family nito para sa daily expenses. Dagdag pa ni Wilbert na babalik daw sila this time kasama na raw si Hipon. Para naman makita ng komedyante ang kanyang bagong bahay.

Samantala, idinaan naman sa Facebook ni Herlene ang pagpapasalamat sa kanyang manager nang kanya itong malaman. Saad niya, “Natupad din ang aking pangarap magka-house & lot. Salamat kay Sir Wilbert Tolentino. Mga kaSquammy, KaHiponatics at KaBudol ko dyan sobrang speechless po ako at overwhelmed.”

Tags: Herlene BudolHipon GirlWilbert Tolentino
Previous Post

Zsa Zsa, dumalaw sa puntod ni Dolphy; anak nilang si Zia Quizon, ikakasal na

Next Post

‘Don’t rewrite history!’ G Tongi, may banat sa trolls, maninindigan sa katotohanan ng kasaysayan

Next Post
‘Don’t rewrite history!’ G Tongi, may banat sa trolls, maninindigan sa katotohanan ng kasaysayan

'Don’t rewrite history!' G Tongi, may banat sa trolls, maninindigan sa katotohanan ng kasaysayan

Broom Broom Balita

  • Willie Revillame, binanatan ang netizens na natutuwa sa nangyayari sa ALLTV
  • DOH, nag-ulat ng dagdag na 128 kaso ng Covid-19
  • Dingdong Dantes, sorpresang binisita ng pamilya sa set ng Family Feud
  • Marawi siege victims, mababayaran na?
  • QC, naglunsad ng dagdag na mental health programs
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.