Nakiusap ang aktres-host-beauty queen na si Giselle Sanchez na huwag siyang i-bash ng madlang pipol dahil tinanggap niya ang isang “kontrobersiyal” na role sa pelikulang “Maid in Malacañang” sa direksyon ni Darryl Yap.
Ayon sa Instagram post ni Giselle noong Hulyo 5, aminado siyang kontrobersiyal ang magiging papel niya sa pelikula at maaari siyang ma-bash nang bongga, bagama’t hindi niya pinangalanan kung sino. Tinanggap niya ang pelikula dahil isa siyang artista.
“Finally doing a project with Direk #darrylyap . I must admit that this role is going to be very controversial and I may be bashed for this but please bear in mind that I am an actress. Artists just play a role given to them. When I accepted this film, I accepted it blindly, not knowing my role, the length of my participation in the film nor the contents of the script,” aniya.
Buo raw ang tiwala niya sa direktor at sa kaniyang talent agency nang tanggapin niya ang alok na role sa kaniya. Giit ni Giselle, trabaho lamang daw at wala sanang personalan.
“I trusted my handler from @vivaartistsagency and I trusted Direk Daryl’s judgement that I will be fit for the role. Wala pong personalan, trabaho lang po.”
Noong nakaraang halalan ay nagpakita ng suporta si Giselle sa UniTeam.
Makakasama ni Giselle ang iba pang mga aktor at aktres gaya nina Cesar Montano, Ruffa Gutierrez, Diego Loyzaga, Cristine Reyes, Ella Cruz, Beverly Salviejo, Karla Estrada, Elizabeth Oropesa, Kiko Estrada, at Senador Robin Padilla.
Ang Maid in Malacañang ay nasa ilalim ng Viva Films, na iikot sa side story ng pamilya Marcos, 72 oras bago maganap ang EDSA People Power I na nagpatalsik kay dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. sa puwesto, sa mata ng “reliable source”.