May pasaring si dating Senador Leila de Lima tungkol sa naging pahayag ni Harry Roque na nagpapalaganap umano ng fake news ang mga dilawan, pinklawan, at CPP-NPA.
“VP @lenirobredo’s campaign & the resulting Angat Buhay NGO is the most positive, uplifting movement coming off of the elections,” saad ni de Lima sa kaniyang tweet nitong Miyerkules, Hulyo 6.
“Ang tunay na negatibo ay si Harry Roque na pilit binabansagan at sinisiraan ang mga Pilipinong lumalaban para sa karapatang pantao at mabuting gobyerno,” dagdag pa niya.
Matatandaan na pinatutsadahan ni Roque ang mga Dilawan, Pinklawan, at CPP-NPA na nagpapakalat umano ng fake news tungkol sa inaugural souvenir ni President Bongbong Marcos.
“To Dilawan, Pinklawan and CPP-NPA: stop the disinformation and fake news!” ani Roque.
“The tokens given during the inaugural dinner were made of ceramic painted in gold. Please stop the negativity, hatred and do move on!” dagdag pa niya.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/05/roque-may-patutsada-sa-mga-dilawan-pinklawan-at-cpp-npa-hinggil-sa-inaugural-souvenir-ni-pbbm/