Nagdiriwang ang Democratic Republic of Congo matapos mawakasan nito ang 14th Ebola outbreak sa loob lamang ng tatlong buwan.
“Thanks to the robust response by the national authorities, this outbreak has been brought to an end swiftly with limited transmission of the virus,” ani Matshidiso Moeti, World Health Organization (WHO) Regional Director for Africa.
Ayon sa WHO, ang katatapos lang na outbreak ay nakakita ng kabuuang 2,104 katao ang nabakunahan, kabilang ang 302 contacts at 1307 frontline workers.
Upang mapadali ang paglulunsad ng pagbabakuna, nag-install ng ultra-cold chain freezer sa Mbandaka na nagpapahintulot sa mga doses ng bakuna na maimbak nang lokal at ligtas at maihatid nang epektibo.
Ang Democratic Republic of the Congo ay nakapagtala na ngayon ng 14 na Ebola outbreak mula noong 1976, anim sa mga ito ay naganap mula noong 2018.
“Africa is seeing an increase in Ebola and other infectious diseases that jump from animals to humans impacting large urban areas,” ani Dr. Moeti.
Bagama’t ang outbreak sa Mbandaka ay idineklara nang tapos na, ang mga awtoridad sa kalusugan ay nagpapanatili ng pagbabantay at handang tumugon nang mabilis sa anumang mga flare-up.
Karaniwang nangyayari ang mga sporadic cases kasunod ng outbreak, babala ng WHO.
Dagdag pa ni Dr. Moeti, naging magandang hakbang ang mga natutuhan nila sa mga nakaraang outbreak at ang mga ito ay inilapat upang mag-deploy ng isang mas epektibong pagtugon sa Ebola.
Aniya, kinakailangan pa ring maging mas mapagbantay upang matiyak na mabilis nilang maaagapan ang mga kaso.