• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Skusta Clee, nagsisisi sa ginawa kay Zeinab Harake kahit ‘mukhang hindi’

Richard de Leon by Richard de Leon
July 3, 2022
in Showbiz atbp.
0
Skusta Clee, nagsisisi sa ginawa kay Zeinab Harake kahit ‘mukhang hindi’

Skusta Clee at Zeinab Harake (Larawan mula sa FB)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nagsalita na ang singer-rapper na si Skusta Clee o ‘Daryl Ruiz’ tungkol sa isyu ng kanilang hiwalayan ng dating karelasyong si Zeinab Harake.

Sa pamamagitan ng kaniyang Facebook Live, sinabi ni Skusta na pinagsisisihan na rin naman niya ang mga nagawa kay Zeinab, batay na rin sa mga naging rebelasyon nito sa “Toni Talks” ni Toni Gonzaga noong Mayo.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/12/dahil-tapos-na-ang-halalan-mga-netizen-kinuyog-binakbakan-si-skusta-clee/

Umani ng katakot-takot na batikos ang singer-rapper, na bumabalandra sa kaniyang harapan sa tuwing may performance siya sa concert. Mas lalo pang nanggalaiti ang mga netizen nang mapabalita ang pagkakamabutihan nila ng online personality na si Aira Mae Lipata.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/09/skusta-clee-at-napababalitang-bagong-jowa-flinex-ang-isat-isa-sa-social-media/

Napabalita pa nga ang eskandalo sa isang bar kung saan sinipa raw ni Zeinab ang kaniyang rumored girlfriend.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/28/zeinab-harake-sinipa-at-nakaalitan-ang-bagong-jowa-ni-skusta-clee-sa-isang-bar-sa-qc/

Kamakailan lamang ay napabalita ang pagsigaw sa kaniya ng “Boo!” ng mga tao at pagdi-dirty finger habang siya ay kumakanta sa isang music festival.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/11/skusta-clee-pinalitan-lyrics-ng-zebbiana-na-boo-ng-audience-sinigawan-ng-cheater-cheater/

Humingi na rin ng dispensa si Skusta sa lahat ng mga taong naapektuhan. Sising-sisi na umano ang rapper kahit sa tingin ng mga tao ay hindi.

“Okay, sa mga na-disappoint, sorry, sorry. My bad, sorry, akin. Nagkamali ako, sorry. Pinagsisihan ko naman ‘yon, mukha lang talagang hindi kasi kailangan kong mag-move on na din sa buhay,” aniya.

“Though pinagsisihan ko ‘yong mga naging consequence, pangit din naman talaga ‘yong naging resulta. Tinanggap ko ‘yong mga siyempre, naging kapalit. Hindi talaga maganda at hindi ako nagreklamo kasi alam kong ‘yon naman talaga ‘yong dapat mangyari sa akin.”

Subalit giit ni Skusta, bagama’t hindi umano deserve ni Zeinab na maranasan ang mga naranasan nito, may personal na dahilan umano siya kung bakit nagawa niya ang mga nagawa niya. Hiling niya na sana ay irespeto na lamang ng mga tao ang kaniyang desisyon, alang-alang sa anak nilang si Bia.

“Pero may personal akong dahilan kung bakit ko nagawa ‘yon. Kaya bilang respeto na lang din sa nanay ng anak ko, hindi ko na kailangan pang i-explain. Kumbaga respeto na lang din.”

“Hindi niya talaga deserve na ganunin at ako pinagsisihan ko naman ‘yon. Pero may personal akong dahilan kung bakit ko ginawa ‘yon,” dagdag pa ni Skusta.

Tags: Daryl RuizSkusta CleeZeinab Harake
Previous Post

Rider, patay; siklista, sugatan sa banggaan sa Rizal

Next Post

Voter registration, magsisimula ulit sa Hulyo 4 — Comelec

Next Post
Voter registration, magsisimula ulit sa Hulyo 4 — Comelec

Voter registration, magsisimula ulit sa Hulyo 4 -- Comelec

Broom Broom Balita

  • Darna, lumipad na sa ere; ‘nilublob ba sa ilog’ si Lolong?
  • 2 opisyal ng SRA, tuluyan nang nagbitiw sa puwesto
  • LRTA: 2.2M estudyante, makikinabang sa Libreng Sakay ng LRT-2
  • Tatlong tomador, tiklo matapos mangupit ng sitsiryang pampulutan
  • Jolina Magdangal, nag-feeling ‘Atty. Woo’
2 opisyal ng SRA, tuluyan nang nagbitiw sa puwesto

2 opisyal ng SRA, tuluyan nang nagbitiw sa puwesto

August 16, 2022
LRT-2, magkakaloob ng free rides para sa Filipino veterans mula Abril 5-11

LRTA: 2.2M estudyante, makikinabang sa Libreng Sakay ng LRT-2

August 16, 2022
Tatlong tomador, tiklo matapos mangupit ng sitsiryang pampulutan

Tatlong tomador, tiklo matapos mangupit ng sitsiryang pampulutan

August 16, 2022
Jolina Magdangal, nag-feeling ‘Atty. Woo’

Jolina Magdangal, nag-feeling ‘Atty. Woo’

August 16, 2022
Marian Rivera, mas mukha raw bata kaysa kay Bea Alonzo, sey ni Lolit

Marian Rivera, mas mukha raw bata kaysa kay Bea Alonzo, sey ni Lolit

August 16, 2022
Carmina, di keri ang pakikipaglampungan ni Zoren; ‘Outside de kulambo’ na ba?

Carmina, di keri ang pakikipaglampungan ni Zoren; ‘Outside de kulambo’ na ba?

August 16, 2022
Atty. Vince, ipinagmalaki ang ‘organic reaction’ ng mga nanood ng ‘Katips’

Atty. Vince, ipinagmalaki ang ‘organic reaction’ ng mga nanood ng ‘Katips’

August 16, 2022
Darryl Yap sa pag-boo raw ng filmmakers sa kaniya sa Cinemalaya: ‘NOSI BALASI’

Darryl Yap sa pag-boo raw ng filmmakers sa kaniya sa Cinemalaya: ‘NOSI BALASI’

August 16, 2022
Rita Gaviola, emosyunal; tinalakang sinayang ang career, ‘inuna pa kalandian’ ng bashers

Rita Gaviola, emosyunal; tinalakang sinayang ang career, ‘inuna pa kalandian’ ng bashers

August 16, 2022
Herlene Budol, proud sa sagot tungkol sa history kahit kinuyog ng iba’t ibang reaksiyon

Herlene Budol, proud sa sagot tungkol sa history kahit kinuyog ng iba’t ibang reaksiyon

August 16, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.