• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

P1.4-M halaga ng pinatuyong marijuana, narekober sa isang tumaob na sasakyan sa Benguet

Rizaldy Comanda by Rizaldy Comanda
July 3, 2022
in Balita, Probinsya
0
P1.4-M halaga ng pinatuyong marijuana, narekober sa isang tumaob na sasakyan sa Benguet

Larawan ni Rizaldy Comanda

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

BAGUIO CITY — Tumangging dalhin sa ospital ang dalawang biktima ng vehicular accident sa kahabaan ng Kennon Road kahit nagtamo ng mga pinsala noong Linggo, Hulyo 3.

Ang dalawang biktima — sina Jimmsie Galang Salazar, 40, residente ng 13IR Maliksi II, Bacoor Cavite, at driver ng pick-up truck, at Justine Jerome Baisa, 28, residente ng 20 Saint Luke’s, Marvi Hills, Brgy Gulod, Malaya San Mateo, Rizal – may tinatago pa lang bagahe.

Sa imbestigasyon sa pinangyarihan ng aksidente, sinabi sa imbestigador ng ilang residenteng nakasaksi sa aksidente na nakita nilang mabilis na bumaba ang dalawang sakay sa kanilang tumaob na sasakyan at naglabas ng isang karton at dinala sa madamong lugar malapit sa ilog.

Larawan ni Rizaldy Comanda

Nang hanapin ito ng mga pulis sa hindi kalayuan sa pinangyarihan ng aksidente, nakita ang kahon na naglalaman ng pinatuyong marijuana.

Nakuha ng pulisya ang 12 piraso ng tubular container na puno ng tuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P1.4 milyon.

Nangyari ang aksidente dakong alas-4:40 ng madaling araw noong Linggo sa Camp 4, Tuba, Benguet. Iniulat ito sa pulisya dakong alas-6:00 ng umaga.

Galing sa Baguio City ang sasakyan at patungo sa lowland area. Habang binabagtas ang pababang zigzag ng Kennon road, naramdaman umano ng driver ang brake malfunction (loose brake). Nagdulot ito ng pagtaob ng kanyang sasakyan habang ito ay nasa northbound lane.

Dahil dito, kapwa nagtamo ng pinsala ang driver at pasahero at matinding pinsala ang kanilang sasakyan. Kabalintunaan ang dalawang occupant ay tumanggi sa medikal na atensyon.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 ang dalawang biktima.

Tags: baguiobenguetmarijuana
Previous Post

Unang babaeng gobernador ng Quezon, nanumpa kay Associate Justice Lopez

Next Post

Top Most Wanted Person sa Nueva Vizcaya, timbog

Next Post
Top Most Wanted Person sa Nueva Vizcaya, timbog

Top Most Wanted Person sa Nueva Vizcaya, timbog

Broom Broom Balita

  • Kylie Verzosa, sumagot, naimbyerna sa ‘matandang’ netizen na sumita sa kaniyang sexy photos
  • Vergeire, handa na raw maging kalihim ng DOH: ‘Baka kailangan ako ng mga Pilipino’
  • Ilang bahagi ng makasaysayang tulay ng Malagonlong, sinira
  • Guanzon, dumipensa: ‘Lasing sila. Inapakan ang paa ko. Sinaway ko sinigawan pa ako’
  • Jinkee, may sagot tungkol sa annulment rumors sa kanila ni Manny
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.