• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home National

₱500 buwanang ayuda, ipamamahagi na sa Hulyo 4 — DSWD

Mary Ann Santiago by Mary Ann Santiago
July 3, 2022
in National
0
₱500 buwanang ayuda, ipamamahagi na sa Hulyo 4 — DSWD
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na sisimulan na sa Hulyo 4 ang pamamahagi ng buwanang ₱500 ayuda sa mahihirap na pamilya sa bansa.

Target ng DSWD na matanggap ng 12.4 milyong benepisyaryo sa ilalim ng Targeted Cash Transfer (TCT) Program ang nasabing ayuda sa susunod na mga araw bilang tugon sa tumataas na presyo ng produktong petrolyo at mga bilihin sa bansa.

Nitong Biyernes, inilabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ang ₱6.2 bilyong pondo para sa buwanang ayuda ng mga Pinoy na kabilang sa tinatawag na “low-income families.” 

Ang naturang programa ng pamahalaan ay pagbibigay ng ₱500 kada buwan sa mga mahihirap sa utos na rin ni dating Pangulong Duterte noong buwan ng Mayo. 

Gayunman, inilabas lamang ang pondo nitong Biyernes. Kabilang sa tatanggap ng ayuda ang apat na milyong pamilya mula sa Pantawid Pamilyang Pilipino program (4Ps); anim na milyong non-4Ps na dating benepisyaryo ng Unconditional Cash Transfer program; at 2.4 pamilya pa na nakapaloob sa poverty data ng DSWD.

Ang programa ay tatagal ng anim na buwan upang makatulong sa taumbayang naghihirap dahil sa mataas na presyo ng gasolina at pangunahing bilihin.

Previous Post

Kanlaon Volcano, 41 beses yumanig

Next Post

Voter registration, muling magbubukas sa Lunes

Next Post
Comelec sa mga suhestyon upang ganapin ang halalan 2022: ‘No ideas are off the table for now’

Voter registration, muling magbubukas sa Lunes

Broom Broom Balita

  • Love wins! Songwriter ng campaign songs ni Leni, magpapakasal sa kaniyang partner sa Australia
  • Maggie, di aatras sa mga kaso; lalaban di lang sa sarili kundi para sa kababaihan, kabataan
  • Mabalacat City, all set na para sa face-to-face classes sa Agosto 22
  • Alice Dixson, pumalag sa bashers ng pagsusuot niya ng yellow gown sa GMA Thanksgiving Gala Night
  • Donnalyn sa mga bumatikos sa kanya: ‘Bawal na ba maging ako? Nagpapakatotoo lang ako’
Maggie, di aatras sa mga kaso; lalaban di lang sa sarili kundi para sa kababaihan, kabataan

Maggie, di aatras sa mga kaso; lalaban di lang sa sarili kundi para sa kababaihan, kabataan

August 18, 2022
Mabalacat City, all set na para sa face-to-face classes sa Agosto 22

Mabalacat City, all set na para sa face-to-face classes sa Agosto 22

August 18, 2022
Alice Dixson, pumalag sa bashers ng pagsusuot niya ng yellow gown sa GMA Thanksgiving Gala Night

Alice Dixson, pumalag sa bashers ng pagsusuot niya ng yellow gown sa GMA Thanksgiving Gala Night

August 18, 2022
Donnalyn Bartolome, hindi na raw natuto sey ng netizens

Donnalyn sa mga bumatikos sa kanya: ‘Bawal na ba maging ako? Nagpapakatotoo lang ako’

August 18, 2022
DJ Chacha, ‘ghinosting’ ng insurance agent: ‘After mabigay bayad parang hindi n’yo na ‘ko kilala’

DJ Chacha, ‘ghinosting’ ng insurance agent: ‘After mabigay bayad parang hindi n’yo na ‘ko kilala’

August 18, 2022
Calamity loan, puwede na para sa mga nilindol sa N. Luzon — SSS

Calamity loan, puwede na para sa mga nilindol sa N. Luzon — SSS

August 18, 2022
143, tinamaan ng diarrhea outbreak sa Davao del Norte

143, tinamaan ng diarrhea outbreak sa Davao del Norte

August 18, 2022
Chito Miranda, tiwala sa vision ni Neri pagdating sa pagnenegosyo

Chito Miranda, tiwala sa vision ni Neri pagdating sa pagnenegosyo

August 18, 2022
Grupo ng US senators na bibisita sana kay De Lima, hinarang

Grupo ng US senators na bibisita sana kay De Lima, hinarang

August 18, 2022
Indigent students, makatatanggap ng financial aid kada Sabado — DSWD

Indigent students, makatatanggap ng financial aid kada Sabado — DSWD

August 18, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.