• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Mayor Benjamin Magalong, nagsampa ng kasong graft laban sa BCDEO

Rizaldy Comanda by Rizaldy Comanda
July 2, 2022
in Balita, Probinsya
0
Mayor Benjamin Magalong, nagsampa ng kasong graft laban sa BCDEO
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

BAGUIO CITY  – Isinampa na ni Mayor Benjamin Magalong sa City Prosecutors Office ang kasong paglabag sa Section 3 ng Republic Act 3019 o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act laban sa mga opisyal ng DPWH-Baguio City District Engineering Office (BCDEO), hapon ng Hulyo 1.
 
Ipina-subscribe ng alkalde ang kanyang affidavit-complaint sa ilalim ng panunumpa sa City Prosecutor’s Office ngayong araw bilang paghahanda sa pagsasampa sa Office of the Ombudsman sa Quezon City.
 
Kasama sa mga sinampahan ng kaso sina District Engineer Rene Zarate; Assistant District Engineer Glenn Reyes, lima pang engineers at kanilang administrative officer.
 
Nag-ugat ang kaso sa pinaniniwalaang substandard projects ng DPWH-BCDEO sa lungsod ng Baguio.
 
“Basically ang laman ng complaint ay pagpasok sa isang kontrata which is disadvantageous to the government and we will file many more against BCDEO since we have discovered many projects that are substandard and defective,” pahayag ni Magalong.
 
Ayon kay Magalong, nalulungkot siya na sa kabila ng sunud-sunod na pagpupulong at babala na ibinigay sa opisina ng distrito, “gayunpaman, sila ay napaka-consistent sa mga substandard na proyekto.”
 
Aniya, nais niyang maging test case ito sa isang tanggapan ng gobyerno na nagsampa ng naturang reklamo laban sa isa pang tanggapan ng gobyerno upang ipakita na seryoso ang local government unit sa pagtigil sa katiwalian.
 
Dagdag pa niya, naghahanda na rin sila ng mga ebidensyang paghahanda sa pagsasampa ng mas maraming reklamo kaugnay sa iba pang mga proyekto kabilang ang mga gusali ng Department of Education (DepEd) na itinuring din niyang substandard.
 
“Pinadala na ng DPWH ang mga tao nila dito para talagang ma-inspeksyon nila ang mga proyekto at talagang nakita nila na substandard at depekto, kaya after 8 months wala pa rin tayong nakikitang konkretong aksyon at hindi na natin ma-tolerate ang mga ganyang katiwalian. Sisimulan na natin ang pagsasampa ng mga kaso,” dugtong pa ni Magalong.

Tags: baguio cityMayor Benjamin Magalong
Previous Post

BOC, naharang ang ₱30M halaga ng smuggled agri products

Next Post

Quezon City govt, sinimulan na ang pagpapatupad ng NCAP

Next Post
Quezon City govt, sinimulan na ang pagpapatupad ng NCAP

Quezon City govt, sinimulan na ang pagpapatupad ng NCAP

Broom Broom Balita

  • Marian Rivera, mas mukha raw bata kaysa kay Bea Alonzo, sey ni Lolit
  • Carmina, di keri ang pakikipaglampungan ni Zoren; ‘Outside de kulambo’ na ba?
  • Atty. Vince, ipinagmalaki ang ‘organic reaction’ ng mga nanood ng ‘Katips’
  • Darryl Yap sa pag-boo raw ng filmmakers sa kaniya sa Cinemalaya: ‘NOSI BALASI’
  • Rita Gaviola, emosyunal; tinalakang sinayang ang career, ‘inuna pa kalandian’ ng bashers
Marian Rivera, mas mukha raw bata kaysa kay Bea Alonzo, sey ni Lolit

Marian Rivera, mas mukha raw bata kaysa kay Bea Alonzo, sey ni Lolit

August 16, 2022
Carmina, di keri ang pakikipaglampungan ni Zoren; ‘Outside de kulambo’ na ba?

Carmina, di keri ang pakikipaglampungan ni Zoren; ‘Outside de kulambo’ na ba?

August 16, 2022
Atty. Vince, ipinagmalaki ang ‘organic reaction’ ng mga nanood ng ‘Katips’

Atty. Vince, ipinagmalaki ang ‘organic reaction’ ng mga nanood ng ‘Katips’

August 16, 2022
Darryl Yap sa pag-boo raw ng filmmakers sa kaniya sa Cinemalaya: ‘NOSI BALASI’

Darryl Yap sa pag-boo raw ng filmmakers sa kaniya sa Cinemalaya: ‘NOSI BALASI’

August 16, 2022
Rita Gaviola, emosyunal; tinalakang sinayang ang career, ‘inuna pa kalandian’ ng bashers

Rita Gaviola, emosyunal; tinalakang sinayang ang career, ‘inuna pa kalandian’ ng bashers

August 16, 2022
Herlene Budol, proud sa sagot tungkol sa history kahit kinuyog ng iba’t ibang reaksiyon

Herlene Budol, proud sa sagot tungkol sa history kahit kinuyog ng iba’t ibang reaksiyon

August 16, 2022
2 PBA players, naidagdag sa training pool ng Gilas Pilipinas

2 PBA players, naidagdag sa training pool ng Gilas Pilipinas

August 16, 2022
4 sa outgoing senators, nagsimula na sa pag-e-empake

9 pang senador, naidagdag na miyembro ng CA

August 15, 2022
Reporter, tinanggihan ng OPS–Malacañang Press Corps, umalma!

Reporter, tinanggihan ng OPS–Malacañang Press Corps, umalma!

August 15, 2022
IT expert, ipinwesto ni Marcos sa Comelec

IT expert, ipinwesto ni Marcos sa Comelec

August 15, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.