Sinimulan na ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang isang buwang pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month (NDRM) ngayong Biyernes, Hulyo 1.
Ang tema ngayong taon ay “Sambayanang Pilipino, Nagkakaisa Tungo sa Katatagan at Maunlad na Kinabukasan” na naglalayong isulong ang pagkakaisa tungo sa katatagan at napapanatiling pag-unlad.
Sa virtual kick off ceremony, nanawagan ang NDRRMC public affairs office sa publiko na lumahok sa lahat ng aktibidad na may kaugnayan sa NDRM at sa mga programa ng iba pang NDRRMC-member agencies na naglalayong palakasin at katatagan ng mga komunidad.
Katulad noong nakaraang taon, isang webinar series na tinatawag na “Resilience Hours” ay isasagawa tuwing Huwebes ng buwan. Kabilang sa mga tatalakayin ang apat na thematic areas ng DRRM ay ang disaster prevention and mitigation, preparedness, response, at rehabilitation and recovery.