• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Jerry Gracio kina Martin, Jed: ‘Why sing praises to the man who calls your company kawatan?’

Richard de Leon by Richard de Leon
June 30, 2022
in Showbiz atbp.
0
Jerry Gracio kina Martin, Jed: ‘Why sing praises to the man who calls your company kawatan?’

Jerry Gracio, Martin Nievera, at Jed Madela (Larawan mula sa Twitter/Manila Bulletin)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Sinita ng manunulat at naging nominee ng “Kapamilya ng Manggagawang Pilipino” party-list na si Jerry Gracio ang mga mang-aawit na sina Martin Nievera at Jed Madela, matapos maging bahagi ng “Salamat, PRRD” thanksgiving event noong Hunyo 26, sa Quirino Grandstand sa Luneta, Maynila.

Hindi umano maatim ni Gracio na ang Kapamilya singers na ito ay kinantahan ang dating pangulo, na naging dahilan umano upang hindi mabigyan ng prangkisa ang ABS-CBN, na kanilang kompanyang pinagtatrabahuhan.

Kamakailan lamang ay inamin ni Duterte na ginamit niya ang kaniyang presidential powers sa Kongreso upang maharang ang aplikasyon sa panibagong prangkisa ng Kapamilya Network.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/29/pangulong-duterte-inaming-ginamit-ang-presidential-powers-kontra-abs-cbn/

“Pakitanong kay Martin Nievera, Jed Madela, atbp. kung bakit sila nagpapasalamat kay Duterte—dahil ipinasara ni Duterte ang network na pinagtrabahuan nila? Dahil nawalan ng trabaho ang mga kapwa nila manggagawa sa ABS-CBN? Pakitanong please,” ayon sa social media post ng ABS-CBN writer noong Hunyo 28.

Screengrab mula sa FB/Jerry Gracio

Sa isa pang hiwalay na FB post, may makahulugang saloobin naman siya tungkol sa loyalty.

“Yung loyalty, di mo naman masusukat ‘yan sa pag-stay sa Ignacia at di paglipat sa Kamuning. Andaming taga-Kamuning who supported their colleagues from Ignacia, while people from Ignacia sing praise to the man who burned their house.”

Screengrab mula sa FB/Jerry Gracio

Ngayong Hunyo 30 ay muling nagbigay ng kaniyang saloobin si Gracio tungkol dito. Aniya, wala raw siyang pakialam kung ano pang gawin ng mga ito kay Digong. Ang kinukuwestyon niya, kung sinabihan umano ng dating pangulo na “kawatan” ang network, bakit pa nila naaatim na magtrabaho roon?

“Para malinaw at last na ito: wala akong paki kung kantahan ninyo si Duterte. Kahit sayawan n’yo pa, mag-twerk kayo. Pero sabi ni Duterte, ‘kawatan’ ang ABS-CBN. So, paano naaatim ni Martin Nievera at Jed Madela na magtrabaho sa isang kompanya na ‘kawatan’?”

“Maliban kung hindi sila naniniwala kay Duterte. But why sing praises to the man who calls your company kawatan? Ang labo, di ko maintindihan,” ani Gracio.

Screengrab mula sa FB/Jerry Gracio

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang dalawang mang-aawit tungkol dito.

Kaugnay nito, ibinahagi ni Jed na may isang basher na tumawag sa kaniyang “tanga” at “bobo” dahil sa song choice na inawit niya sa naturang event.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/28/jed-sinabihang-tanga-at-bobo-kinanta-sa-thanksgiving-event-ni-prrd-pampatay-raw/

Tags: ABS-CBNformer President Rodrigo Dutertejed madelaJerry Graciomartin nievera
Previous Post

‘Hanggang huling termino!’ Beverly Salviejo, proud na tagasunod ni Digong

Next Post

Libreng sakay at libreng antigen testing sa MRT-3, hanggang ngayong Huwebes na lang– DOTr

Next Post
50 sa 72 bagon, na-overhaul na ng MRT-3

Libreng sakay at libreng antigen testing sa MRT-3, hanggang ngayong Huwebes na lang-- DOTr

Broom Broom Balita

  • 30 bahay, nasunog sa Pasay City
  • 140,000 sakong ‘puslit’ na asukal, naharang sa Subic
  • ₱220M asukal, nadiskubre sa 2 bodega sa Bulacan
  • 150,000 metriko toneladang asukal, puwede nang angkatin –Malacañang
  • Love wins! Songwriter ng campaign songs ni Leni, magpapakasal sa kaniyang partner sa Australia
30 bahay, nasunog sa Pasay City

30 bahay, nasunog sa Pasay City

August 19, 2022
140,000 sakong ‘puslit’ na asukal, naharang sa Subic

140,000 sakong ‘puslit’ na asukal, naharang sa Subic

August 19, 2022
₱220M asukal, nadiskubre sa 2 bodega sa Bulacan

₱220M asukal, nadiskubre sa 2 bodega sa Bulacan

August 19, 2022
Utos na umangkat ng 300K metriko toneladang asukal, illegal — Malacañang

150,000 metriko toneladang asukal, puwede nang angkatin –Malacañang

August 18, 2022
Love wins! Songwriter ng campaign songs ni Leni, magpapakasal sa kaniyang partner sa Australia

Love wins! Songwriter ng campaign songs ni Leni, magpapakasal sa kaniyang partner sa Australia

August 18, 2022
Maggie, di aatras sa mga kaso; lalaban di lang sa sarili kundi para sa kababaihan, kabataan

Maggie, di aatras sa mga kaso; lalaban di lang sa sarili kundi para sa kababaihan, kabataan

August 18, 2022
Mabalacat City, all set na para sa face-to-face classes sa Agosto 22

Mabalacat City, all set na para sa face-to-face classes sa Agosto 22

August 18, 2022
Alice Dixson, pumalag sa bashers ng pagsusuot niya ng yellow gown sa GMA Thanksgiving Gala Night

Alice Dixson, pumalag sa bashers ng pagsusuot niya ng yellow gown sa GMA Thanksgiving Gala Night

August 18, 2022
Donnalyn Bartolome, hindi na raw natuto sey ng netizens

Donnalyn sa mga bumatikos sa kanya: ‘Bawal na ba maging ako? Nagpapakatotoo lang ako’

August 18, 2022
DJ Chacha, ‘ghinosting’ ng insurance agent: ‘After mabigay bayad parang hindi n’yo na ‘ko kilala’

DJ Chacha, ‘ghinosting’ ng insurance agent: ‘After mabigay bayad parang hindi n’yo na ‘ko kilala’

August 18, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.