• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Andrew E, itinangging nakabili ng dalawang sports car dahil sa pangangampanya sa UniTeam

Richard de Leon by Richard de Leon
June 30, 2022
in Showbiz atbp.
0
Andrew E, itinangging nakabili ng dalawang sports car dahil sa pangangampanya sa UniTeam

Andrew E at President Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr./Larawan mula sa IG)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Pinabulaanan ng tinaguriang “Godfather of Pinoy Rap” na si Andrew E ang mga kumakalat na chikang nakabili siya ng dalawang sports car dahil sa kaniyang pangangampanya para sa UniTeam, at ngayon nga, ay nakaluklok na sina Presidente Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at Vice President Sara Duterte.

Ayon sa panayam ng Philippine Entertainment Portal o PEP, napamulagat daw ang mga mata ng Pinoy rapper nang banggitin nila ito sa kaniya. Wala raw siyang ibang nakuha mula kay PBBM kundi yakap o embrace.

“O, haayan, gusto mo? Ok, ang nakuha ko kay Bongbong, kapalit ng, you know, pag-campaign… yakap. Embrace,” ani Andrew E.

Boluntaryo lamang daw ang kaniyang pangangampanya, lalo’t noon pa man, tagasuporta na siya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Sinuportahan din niya ngayon ang anak nitong si Inday Sara.

“Dati kasi… Sara one side. Bongbong, one side. Remember the word ‘UniTeam’? Kaya naging one side together. Without UniTeam, the uniTeam word and the uniTeam team, hindi ‘yan maggaganun. Which means magpo-promote si Sara, magpo-promote si Bongbong. Leeway. Magkaiba.”

“Pero natutupad din ‘yon. May mga pagkakataon na Sara, one way… Bongbong, another way.”

“Pero kapag UniTeam ang schedule, Sara and Bongbong together. Ako, Sara ako. Ok, Sara ako. Pero kapag may UniTeam, join ako. Pag may UniTeam,” ani Andrew E sa panayam ng PEP.

Tags: andrew ePresident Ferdinand Marcos Jr.UniTeamVice President Sara Duterte
Previous Post

Sen. Bong Go, naghuling selfie sa Palasyo kasama si Digong, mga miyembro ng gabinete

Next Post

Mag-inang Aguilar, nanumpa na bilang Mayor at Vice Mayor ng Las Piñas City

Next Post
Mag-inang Aguilar, nanumpa na bilang Mayor at Vice Mayor ng Las Piñas City

Mag-inang Aguilar, nanumpa na bilang Mayor at Vice Mayor ng Las Piñas City

Broom Broom Balita

  • Lotto jackpot ng PCSO draw nitong Martes ng gabi, ‘di nasungkit ng mananaya
  • Mga lolang biktima ng panggagahasa noong panahon ng Hapon, nagmartsa para sa hustisya
  • 2 empleyado ng Makati LGU, kasabwat ng mga ito, timbog sa iligal na ‘fixing’
  • Smart locker system sa mga istasyon ng LRT-1, ilulunsad ng LRMC ngayong Pebrero
  • 2 most wanted person sa Laguna, nakorner sa magkahiwalay na operasyon
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.