• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Pangulong Duterte, inaming ginamit ang ‘presidential powers’ kontra ABS-CBN

Richard de Leon by Richard de Leon
June 29, 2022
in Balita, National, National / Metro
0
Pangulong Duterte, inaming ginamit ang ‘presidential powers’ kontra ABS-CBN

outgoing President Rodrigo Duterte at ABS-CBN logo (Larawan mula sa Manila Bulletin)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Muling pinagdiinan ni outgoing President Rodrigo Duterte na ginamit niya ang kaniyang “presidential powers” upang hindi mabigyan ng bagong prangkisa ang ABS-CBN noong 2020.

Sinabi umano ito ni Duterte sa oath-taking ceremony ng mga bagong halal na opisyal sa Davao City noong Lunes, Hunyo 27, 2022. Ginamit umano ng pangulo ang kaniyang presidential powers sa Kongreso na huwag pagbigyan ang largest network sa bansa.

“I used the presidential powers to tell Congress that you are dealing with scoundrels and if you continue to kowtow with them, kawawa ang Pilipino.”

Matatandaang ipinag-utos ng National Telecommunications Commission o NTC ang “cease and desist order” sa network noong Mayo 5, 2020, at nawala naman sa ere ang network eksaktong 7:52 ng gabi. Ibinasura naman ang prangkisa nito noong Hulyo 10, 2020 sa botong 70-11.

Talagang “tinira” umano ni Duterte ang ABS-CBN na hindi umano nagbabayad ng buwis, bagama’t ilang beses nang nilinaw mismo ng Securities and Exchange Commission (SEC) at Bureau of Internal Revenue (BIR) na walang nilabag ang network sa kahit na anumang corporate laws at nagbabayad ito ng regular na buwis.

Matatandaang unang nagbanta ang pangulo tungkol sa prangkisa ng ABS-CBN noong Abril 27, 2017, dahil hindi umano inere ng network ang kaniyang presidential campaign ads noong 2016 kahit nakabayad na rito.

Agad namang humingi ng tawad ang Kapamilya Network at nangakong ibabalik ang ibinayad ng kampo ni Digong.

Sa ngayon ay patuloy na umeere ang mga programa ng ABS-CBN sa cable channels, online platforms, at blocktime deals sa A2Z Channel 11 at TV-5.

Napababalitang magkakaroon ng full-partnership sa pagitan ng ABS-CBN at TV-5 kapag nakababa na sa puwesto si Pangulong Duterte.

Umingay din ang mga alingasngas na mukhang nilalakad na ni ABS-CBN President at CEO Carlo Katigbak ang tungkol sa panibagong prangkisa matapos itong mamataan sa isa sa headquarters ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr.

Sa panayam umano kay Senadora Imee Marcos, sinabi niyang wala siyang alam sa mga bagay na ito.

Tags: ABS-CBNoutgoing President Rodrigo Duterte
Previous Post

Gov’t employee, patay sa ambush sa Tuguegarao City

Next Post

Duterte at Marcos regime, masyadong balat-sibuyas—Colmenares

Next Post
Duterte at Marcos regime, masyadong balat-sibuyas—Colmenares

Duterte at Marcos regime, masyadong balat-sibuyas---Colmenares

Broom Broom Balita

  • 30 bahay, nasunog sa Pasay City
  • 140,000 sakong ‘puslit’ na asukal, naharang sa Subic
  • ₱220M asukal, nadiskubre sa 2 bodega sa Bulacan
  • 150,000 metriko toneladang asukal, puwede nang angkatin –Malacañang
  • Love wins! Songwriter ng campaign songs ni Leni, magpapakasal sa kaniyang partner sa Australia
30 bahay, nasunog sa Pasay City

30 bahay, nasunog sa Pasay City

August 19, 2022
140,000 sakong ‘puslit’ na asukal, naharang sa Subic

140,000 sakong ‘puslit’ na asukal, naharang sa Subic

August 19, 2022
₱220M asukal, nadiskubre sa 2 bodega sa Bulacan

₱220M asukal, nadiskubre sa 2 bodega sa Bulacan

August 19, 2022
Utos na umangkat ng 300K metriko toneladang asukal, illegal — Malacañang

150,000 metriko toneladang asukal, puwede nang angkatin –Malacañang

August 18, 2022
Love wins! Songwriter ng campaign songs ni Leni, magpapakasal sa kaniyang partner sa Australia

Love wins! Songwriter ng campaign songs ni Leni, magpapakasal sa kaniyang partner sa Australia

August 18, 2022
Maggie, di aatras sa mga kaso; lalaban di lang sa sarili kundi para sa kababaihan, kabataan

Maggie, di aatras sa mga kaso; lalaban di lang sa sarili kundi para sa kababaihan, kabataan

August 18, 2022
Mabalacat City, all set na para sa face-to-face classes sa Agosto 22

Mabalacat City, all set na para sa face-to-face classes sa Agosto 22

August 18, 2022
Alice Dixson, pumalag sa bashers ng pagsusuot niya ng yellow gown sa GMA Thanksgiving Gala Night

Alice Dixson, pumalag sa bashers ng pagsusuot niya ng yellow gown sa GMA Thanksgiving Gala Night

August 18, 2022
Donnalyn Bartolome, hindi na raw natuto sey ng netizens

Donnalyn sa mga bumatikos sa kanya: ‘Bawal na ba maging ako? Nagpapakatotoo lang ako’

August 18, 2022
DJ Chacha, ‘ghinosting’ ng insurance agent: ‘After mabigay bayad parang hindi n’yo na ‘ko kilala’

DJ Chacha, ‘ghinosting’ ng insurance agent: ‘After mabigay bayad parang hindi n’yo na ‘ko kilala’

August 18, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.