• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita National / Metro

Pagtaas ng Covid-19 cases sa Metro Manila, ‘di nakababahala –OCTA Research

Balita Online by Balita Online
June 29, 2022
in National / Metro
0
Pagtaas ng Covid-19 cases sa Metro Manila, ‘di nakababahala –OCTA Research
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Hindi umano nakababahala ang pagtaas ng bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa Metro Manila, ayon sa pahayag ng OCTA Research Group.

Pagdidiin ni OCTA Research fellow Dr. Guido David, posibleng tumaas sa 500 ang seven-day average ng sakit sa National Capital Region (NCR). Gayunman, sinabi nito na hindi dapat ito ipangamba dahil hindi pa ito ikinokonsidera na ‘surge.’

“Tumataas ang cases sa NCR sa 52 percent one-week growth rate. Ang seven-day average natin ay 342. We expect na baka tumaas pa siya, may be between 400 to 500 this week,” ayon kay David sa isinagawang Laging Handa publlic briefing nitong Martes.

Matatandaang naitala ang 434 na bagong kaso ng sakit nitong Hunyo 27 habang lumobo naman sa 5.9 porsyento ang positivity rate nitong Hunyo 25 mula sa dating 3.9 porsyento noong Hunyo 18.

“Pero hindi naman ito nakababahala. Mababa pa ito kumpara sa mga nakaraan na surge,” sabi pa ni David.

Nauna nang nagpahayag ng pangamba si Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire na posibleng umabot sa 17,000 ang kaso ng sakit kada araw kung babalewalain ang ipinatutupad na minimum public health standards (MPHS).

PNA

Previous Post

P1.5B pondo ng Malabon gov’t, iiwan ni Oreta sa susunod na admin

Next Post

Janno Gibbs, binarag ang bashers matapos mag-react sa IG post ni Dennis Padilla

Next Post
Janno Gibbs, binarag ang bashers matapos mag-react sa IG post ni Dennis Padilla

Janno Gibbs, binarag ang bashers matapos mag-react sa IG post ni Dennis Padilla

Broom Broom Balita

  • Indigent students, makatatanggap ng financial aid kada Sabado — DSWD
  • Paglalabas ng monthly allowance sa UDM, nilagdaan na ni Mayor Honey
  • Dating barangay chairman, nahaharap sa 3 mabibigat na kaso
  • Bodega, sinalakay! Libu-libong sakong asukal, nadiskubre sa Pampanga
  • OCTA: Covid-19 cases sa NCR, nasa downward trend na!
Indigent students, makatatanggap ng financial aid kada Sabado — DSWD

Indigent students, makatatanggap ng financial aid kada Sabado — DSWD

August 18, 2022
Mayor Honey: Mga mag-aaral sa Maynila, ligtas sa COVID-19 at dengue

Paglalabas ng monthly allowance sa UDM, nilagdaan na ni Mayor Honey

August 18, 2022
Dating barangay chairman, nahaharap sa 3 mabibigat na kaso

Dating barangay chairman, nahaharap sa 3 mabibigat na kaso

August 18, 2022
Bodega, sinalakay! Libu-libong sakong asukal, nadiskubre sa Pampanga

Bodega, sinalakay! Libu-libong sakong asukal, nadiskubre sa Pampanga

August 18, 2022
Nabakunahan vs COVID-19 sa Caloocan City, umabot na sa 200K

OCTA: Covid-19 cases sa NCR, nasa downward trend na!

August 18, 2022
Kauna-unahang registered female architect ng Pilipinas, nabigyan ng 100K

Kauna-unahang registered female architect ng Pilipinas, nabigyan ng 100K

August 18, 2022
‘EMMAN MEETS JOAQUI’: Peachy Santos, ipinakilala ang bagong nobyo sa ex nitong si Emman

‘EMMAN MEETS JOAQUI’: Peachy Santos, ipinakilala ang bagong nobyo sa ex nitong si Emman

August 18, 2022
Dagdag na ₱5B, gagastusin kung ipo-postpone 2022 Brgy., SK elections — Comelec

Dagdag na ₱5B, gagastusin kung ipo-postpone 2022 Brgy., SK elections — Comelec

August 18, 2022
Most wanted person ng NCR na akusado ng rape, sexual assault, timbog!

Most wanted person ng NCR na akusado ng rape, sexual assault, timbog!

August 18, 2022
QCPD official, pinapanagot sa hit-and-run sa QC

QCPD official, pinapanagot sa hit-and-run sa QC

August 18, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.