• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Kapuso star Bea Alonzo, dedma sa mga ratrat ni Manay Lolit Solis

Raymond Lumagsao by Raymond Lumagsao
June 29, 2022
in Showbiz atbp.
0
Kapuso star Bea Alonzo, dedma sa mga ratrat ni Manay Lolit Solis

Manay Lolit Solis (kaliwa); celebrity couple Bea Alonzo at Dominic Roque (kanan)/via Instagram

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Wala nga yatang balak pag-aksayahan ng panahon ni Kapuso actress Bea Alonzo ang mga patutsada sa kaniya ng batikang showbiz columnist at talent manager na si Manay Lolit Solis.

Matatandaang muling nagpakawala ng mabibigat na pahayag si Manay Lolit laban sa aktres sa kaniyang Instagram noong Martes.

Mula sa pagkukumpara sa tila nawawala na umanong ningning Bea sa showbiz ay maging ang buhay pag-ibig at pasya ng aktres sa kaniyang buhay ay pinanghimasukan na rin ng talent manager.

“Dapat sa edad niya meron na siyang asawa at mga anak, pero single parin kaya nagtatanong ka, ano dahilan?” talak ni Manay sa 34-anyos na aktres.

Matapos ang sunod-sunod na pagpapakawala ng maaanghang na pahayag laban sa aktres ay nananatili naman itong dedma sa isyu.

View this post on Instagram

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

Sa kaniyang Instagram, makikita ang abalang buhay ni Bea mula sa kabi-kabilang endorsements, paggawa ng content sa kaniyang YouTube account at ang pasilip sa estado ng kaniyang puso katuwang ang boyfriend na si Dominic Roque sa isang intimate date.

View this post on Instagram

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

Basahin: Panibagong talak ni Manay Lolit kay Bea: ‘Hindi na mukhang fresh at yummy’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Nitong Miyerkules, nagbigay na rin ng komento ang talent manager kasunod ng pag-amin kamakailan ng aktres ukol sa isang dating boyfriend na ayaw na niyang makatrabaho muli.

Talak ni Manay Lolit, “Strong words. Tandaan ni Bea Alonzo na ang nang iwan sa kanya si Gerald Anderson, hindi siya. So huwag palabasin na parang ang may choice si Bea, si Gerald ang nasa upper hand dito dahil siya ang nang iwan, hindi siya iniwan, dahil ang na ghosting si Bea.”

Nanatiling kebs naman sa mga komentong ito ang Kapuso actress.

Tags: bea alonzoDominic RoqueInstagramManay Lolit Solis
Previous Post

‘Sana nga!’ Manay Lolit, umaasa na susugpuin ni Senador Padilla ang korapsyon sa gov’t

Next Post

Isang hepe ng pulisya sa Batangas, patay matapos sumalpok sa isang 10-wheeler truck

Next Post
Matandang motorista, patay matapos sumalpok sa isang konkretong poste sa Cagayan

Isang hepe ng pulisya sa Batangas, patay matapos sumalpok sa isang 10-wheeler truck

Broom Broom Balita

  • 30 bahay, nasunog sa Pasay City
  • 140,000 sakong ‘puslit’ na asukal, naharang sa Subic
  • ₱220M asukal, nadiskubre sa 2 bodega sa Bulacan
  • 150,000 metriko toneladang asukal, puwede nang angkatin –Malacañang
  • Love wins! Songwriter ng campaign songs ni Leni, magpapakasal sa kaniyang partner sa Australia
30 bahay, nasunog sa Pasay City

30 bahay, nasunog sa Pasay City

August 19, 2022
140,000 sakong ‘puslit’ na asukal, naharang sa Subic

140,000 sakong ‘puslit’ na asukal, naharang sa Subic

August 19, 2022
₱220M asukal, nadiskubre sa 2 bodega sa Bulacan

₱220M asukal, nadiskubre sa 2 bodega sa Bulacan

August 19, 2022
Utos na umangkat ng 300K metriko toneladang asukal, illegal — Malacañang

150,000 metriko toneladang asukal, puwede nang angkatin –Malacañang

August 18, 2022
Love wins! Songwriter ng campaign songs ni Leni, magpapakasal sa kaniyang partner sa Australia

Love wins! Songwriter ng campaign songs ni Leni, magpapakasal sa kaniyang partner sa Australia

August 18, 2022
Maggie, di aatras sa mga kaso; lalaban di lang sa sarili kundi para sa kababaihan, kabataan

Maggie, di aatras sa mga kaso; lalaban di lang sa sarili kundi para sa kababaihan, kabataan

August 18, 2022
Mabalacat City, all set na para sa face-to-face classes sa Agosto 22

Mabalacat City, all set na para sa face-to-face classes sa Agosto 22

August 18, 2022
Alice Dixson, pumalag sa bashers ng pagsusuot niya ng yellow gown sa GMA Thanksgiving Gala Night

Alice Dixson, pumalag sa bashers ng pagsusuot niya ng yellow gown sa GMA Thanksgiving Gala Night

August 18, 2022
Donnalyn Bartolome, hindi na raw natuto sey ng netizens

Donnalyn sa mga bumatikos sa kanya: ‘Bawal na ba maging ako? Nagpapakatotoo lang ako’

August 18, 2022
DJ Chacha, ‘ghinosting’ ng insurance agent: ‘After mabigay bayad parang hindi n’yo na ‘ko kilala’

DJ Chacha, ‘ghinosting’ ng insurance agent: ‘After mabigay bayad parang hindi n’yo na ‘ko kilala’

August 18, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.