• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Duterte at Marcos regime, masyadong balat-sibuyas—Colmenares

Richard de Leon by Richard de Leon
June 29, 2022
in Balita, National, National / Metro
0
Duterte at Marcos regime, masyadong balat-sibuyas—Colmenares

Bayan Muna Chairperson Neri Colmenares, outgoing President Rodrigo Duterte, at President-elect Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. (Larawan mula sa FB ni Neri Colmenares/Manila Bulletin)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Pagpapakita umano ng kahinaan ng outgoing Duterte at incoming Marcos administration ang patuloy na pag-atake raw sa media, ayon kay Bayan Muna Chairperson Neri Colmenares, matapos ipag-utos ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang shut down ng online news site na “Rappler” ni Nobel Peace Prize recipient Maria Ressa.

Ibinahagi ni Colmenares ang kaniyang pananaw at paninindigan tungkol dito, sa kaniyang Facebook post, Hunyo 29. May pamagat itong “CONTINUED ATTACK ON PRESS REFLECTS WEAKNESSES OF DUTERTE AND MARCOS REGIME By Bayan Muna Chairperson Neri Colmenares.”

Nasusulat, “The decision of the Securities and Exchange Commission to uphold its closure order on Rappler is a tightening of the disinformation campaign of the Duterte and the incoming Marcos regime. It’s bent on silencing fearless journalism so its machinery can continue propagating lies.”

Masyado raw “balat-sibuyas” o sensitibo ang dalawang administrasyon.

“Masyadong balat-sibuyas ang Duterte at Marcos regime, dahil alam nila nakaukit sa ating kasaysayan ang kapalpakan at karahasan sa ilalim ng mga pamilya nila. Hindi nila kayang ibalik ang nakaraan, kaya pilit nila ipinagtatakpan na lang ito sa pamamagitan ng pagbusal sa ating mga mamamahayag para lamang malimutan ng tao ang kasalanan ng mga pamilya nila.”

Iginiit ni Colmenares na ang ikaapat na estado ng demokrasya ay ang media kaya nararapat lamang na huwag itong sagkaan, upang patuloy na mamonitor ang “checks and balances”. Bukod sa Rappler, nabanggit din ni Colmenares ang nangyari sa ABS-CBN, na kamakailan lamang ay muling inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte, na ginamit niya ang kaniyang kapangyarihan bilang pangulo sa Kongreso upang maharang ang franchise renewal ng network.

“Media has always been the fourth estate in a democracy. A robust democracy allows journalists to do their job fearlessly to give people a space for engagement. Persisting on the shutdown of Rappler, ABS-CBN, and alternative media sites will only further destroy our pillars for checks and balances.”

“Let the outgoing and incoming administrations know they have never won this battle since the beginning, as their repeated attacks on the press are their reactions to deflect the issues at hand. The Marcos and Duterte regime cannot silence the media, and we will stand with our media workers in defending the freedom of the press,” aniya pa.

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ng dalawang administrasyon tungkol dito.

Tags: bayan munaFerdinand “Bongbong” Marcos Jr.Neri ColmenaresPress FreedomRapplerRodrigo Roa DuterteSecurities and Exchange Commission
Previous Post

Pangulong Duterte, inaming ginamit ang ‘presidential powers’ kontra ABS-CBN

Next Post

Kobe Paras at Erika Poturnak, ibinalandra ang lambingan sa Bali trip

Next Post
Kobe Paras at Erika Poturnak, ibinalandra ang lambingan sa Bali trip

Kobe Paras at Erika Poturnak, ibinalandra ang lambingan sa Bali trip

Broom Broom Balita

  • Sparkle artists na isasabak sa bagong Eat Bulaga, lagyan daw ng name plate
  • ‘Mala-tigre na!’ Pusang sinlaki ng Siberian husky, pukaw-atensyon
  • 2 mananaya, maghahati sa P42.7- M Lotto 6/42 jackpot prize
  • Rollback sa presyo ng produktong petrolyo, asahan sa Martes
  • 10 boya, ‘di inaalis sa WPS — PCG
‘Mala-tigre na!’ Pusang sinlaki ng Siberian husky, pukaw-atensyon

‘Mala-tigre na!’ Pusang sinlaki ng Siberian husky, pukaw-atensyon

June 4, 2023
PCSO: P29.7M jackpot prize ng Grand Lotto 6/55, napanalunan na rin ng taga-Batangas

2 mananaya, maghahati sa P42.7- M Lotto 6/42 jackpot prize

June 4, 2023
Dagdag P1.10 per liter sa gasolina, asahan sa June 29

Rollback sa presyo ng produktong petrolyo, asahan sa Martes

June 3, 2023
10 boya, ‘di inaalis sa WPS — PCG

10 boya, ‘di inaalis sa WPS — PCG

June 3, 2023
Crater glow, naobserbahan: 13 rockfall events, pagyanig naitala rin sa Mayon Volcano

Crater glow, naobserbahan: 13 rockfall events, pagyanig naitala rin sa Mayon Volcano

June 3, 2023
Pamamahagi ng booster shots, mabagal na ipinatutupad sa PH — NTF adviser

Unang bugso ng bivalent Covid-19 vaccines, darating sa bansa ngayong Sabado

June 3, 2023
Sunog sa Recto, nag-iwan ng pinsalang aabot sa P480,000

Sunog sa Recto, nag-iwan ng pinsalang aabot sa P480,000

June 3, 2023
Pride Month, isang pagkakataon para itaguyod mga karapatan ng LGBTQ+ – British envoy

Pride Month, isang pagkakataon para itaguyod mga karapatan ng LGBTQ+ – British envoy

June 3, 2023
Capiz, nagtala na rin ng kaso ng African Swine Fever

Antique, nag-iisang lalawigan sa Western Visayas na walang kaso ng ASF

June 3, 2023
Magnitude 4.6 lindol, yumanig sa Sulu

Magnitude 4.6 lindol, yumanig sa Sulu

June 3, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.