• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Toni Gonzaga, inatasang kantahin ang Pambansang Awit sa inagurasyon ni PBBM

Richard de Leon by Richard de Leon
June 28, 2022
in Showbiz atbp.
0
Toni Gonzaga, inatasang kantahin ang Pambansang Awit sa inagurasyon ni PBBM

Toni Gonzaga-Soriano (Larawan mula sa IG)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Si Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga ang naatasang umawit ng Lupang Hinirang sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na gaganapin sa National Museum, Maynila, sa darating na Hunyo 30.

Matatandaang malaki ang naging partisipasyon ng TV host-actress sa kabuuan ng kampanya ng UniTeam matapos niyang maging host ng proclamation rally at miting de avance nito, gayundin ang pagtatanghal ng ilang mga naging signature song ng partido, gaya ng “Roar” at “Titanium”.

Buo ang suporta ni Toni, maging ang kaniyang mister na si Direk Paul Soriano, para kay PBBM. Handa umano nilang ibigay ang nararapat na tulong para dito, kung sakaling kailanganin.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/21/mag-asawang-paul-soriano-at-toni-gonzaga-handang-tumulong-sa-marcos-admin-kung-kakailanganin/

Sa pagkakaproklama kay BBM noong Mayo, nagbigay ng courtesy call ang mag-asawa sa kanilang ninong.

Sa isang video, makikitang personal na ipinakilala ni BBM ang mag-asawa sa kaniyang inang si dating First Lady Imelda Marcos.

“Lahat ng ads ko ginawa niya,” sabi ni BBM patungkol kay Direk Paul Soriano.

“Si Toni naman, siya ang nagpe-perform… kawawa ito, binubugbog siya (sa social media) ng mga hindi naniniwala.”

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/26/toni-gonzaga-kinawawa-binugbog-sarado-sa-social-media-sey-ni-pbbm/

Matatandaang noong Setyembre 2021 pa lamang ay umani na ng ‘cancel culture’ mula sa mga netizen si Toni nang i-guest niya si BBM sa kaniyang award-winning talk show vlog na ‘Toni Talks’.

Mas lalo pang umigting ang pag-cancel ng mga netizen kay Toni nang maging host siya ng proclamation rally ng UniTeam noong Pebrero sa Philippine Arena. Dito ay hayagan na niyang ipinakita ang pagsuporta sa UniTeam.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/02/08/toni-gonzaga-host-ng-proclamation-rally-ng-uniteam-nina-bbm-at-sara-sa-bulacan/

Kinabukasan ay nagbitiw siya bilang main host ng ‘Pinoy Big Brother’ (PBB) sa ABS-CBN, na naging tahanan niya sa loob ng maraming taon.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/02/09/mariel-kay-toni-welcome-to-the-outside-world/

Tags: Lupang HinirangPresident-elect Bongbong Marcos Jrtoni gonzaga
Previous Post

NCR, mananatili sa Alert Level 1 hanggang Hulyo 15

Next Post

Jed, sinabihang ‘tanga’ at ‘bobo’; kinanta sa thanksgiving event ni PRRD, pampatay raw

Next Post
Jed, sinabihang ‘tanga’ at ‘bobo’; kinanta sa thanksgiving event ni PRRD, pampatay raw

Jed, sinabihang 'tanga' at 'bobo'; kinanta sa thanksgiving event ni PRRD, pampatay raw

Broom Broom Balita

  • ‘Todo-effort si sir!’ Pagsusuot ng costume ng isang guro sa klase, kinagiliwan
  • 5 sugatan matapos sumabog ang tangke ng LPG sa Malate, Manila
  • Kakulangan ng classrooms sa bansa, pangunahing suliraning dapat tugunan ng DepEd — survey
  • Dating pulis, hinuli sa kasong carnapping sa Maynila
  • LTO, gagamit na ng digital devices sa paniniket sa mga lalabag sa batas trapiko
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.