• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

2 patay matapos paulanan ng bala ang isang inuman sa Cagayan

Liezle Basa by Liezle Basa
June 28, 2022
in Balita, Probinsya
0
3 batang nag-o-online class, patay matapos bumangga sa tindahan ang isang ten-wheeler truck

File Photo/Balita

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

STA TERESITA, Cagayan — Dalawa ang patay nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga armadong lalaki ang isang inuman sa Zone 1, Brgy. Alucao sa bayang ito dakong alas-7:40 ng gabi noong Lunes, Hunyo 27.

Kinilala ng Cagayan Police Provincial Office ang mga biktima na sina Arnel Gander Gallardo 42, residente ng Brgy. San Lorenzo, Buguey, at Wilfredo Tagata Padua Jr, 37, ng Zone 1, Brgy. Alucao, Sta Teresita, Cagayan.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, nag-iinuman sa kanilang dining area ang mga biktima, kasama ang apat na iba pa.

Biglang may pumaradang puting hatchback na sedan sa harap ng bahay.

Agad namang lumapit sa bahay ang tatlong sakay ng sasakyan kahit na tinatahol sila ng mga aso. Binuksan ng isa sa mga suspek ang pinto patungo sa dining area.

Sa pagkakataong ito, ang mga suspek, nang walang anumang probokasyon, ay nagpaputok gamit ang hindi pa mabatid na kalibre dahilan ng agarang pagkamatay ng dalawang biktima.

Ang iba sa sesyon ng inuman ay nagawang tumalon sa iba’t ibang direksyon.

Agad na kinordon ng Teresita Police ang lugar at humingi ng tulong sa Cagayan Provincial Forensic Unit (CPFU), Centro, Lallo, Cagayan para iproseso ang pinangyarihan ng krimen.

Tags: cagayan
Previous Post

Dave Lamar sa first wedding anniversary nila ni Morissette Amon: ‘Just completely rely on God’

Next Post

9 drug suspect, nasakote kasunod ng isang araw na operasyon sa tatlong lalawigan sa Central Luzon

Next Post
Lalaking nakuhanan ng P55-M halaga ng shabu sa Caloocan, timbog!

9 drug suspect, nasakote kasunod ng isang araw na operasyon sa tatlong lalawigan sa Central Luzon

Broom Broom Balita

  • BSKE, nakatakdang ganapin sa Disyembre 2023 matapos kanselahin ngayong taon
  • PDEA chief, pabor sa death penalty para sa mga big-time drug trafficker
  • Xian Gaza sa birthday party ni Donnalyn: ‘Ito’y isang malaking insulto sa mga taong hirap na hirap na sa buhay’
  • Displaced students ng CDSL, tutulungan ng DepEd na makahanap ng lilipatang paaralan
  • Driver ng jeepney, naidlip habang nagmamaneho; 4 na sasakyan, inararo!
Comelec, nangako: Magiging mas transparent sa paghahanda para sa eleksyon

BSKE, nakatakdang ganapin sa Disyembre 2023 matapos kanselahin ngayong taon

August 16, 2022
PDEA chief, pabor sa death penalty para sa mga big-time drug trafficker

PDEA chief, pabor sa death penalty para sa mga big-time drug trafficker

August 16, 2022
Xian Gaza sa birthday party ni Donnalyn: ‘Ito’y isang malaking insulto sa mga taong hirap na hirap na sa buhay’

Xian Gaza sa birthday party ni Donnalyn: ‘Ito’y isang malaking insulto sa mga taong hirap na hirap na sa buhay’

August 16, 2022
Alegasyon ng pag-abuso sa PHSA, iimbestigahan ng DepEd at NBI

Displaced students ng CDSL, tutulungan ng DepEd na makahanap ng lilipatang paaralan

August 16, 2022
Itinaon sa Father’s Day: 80 taong gulang na ama, nag-suicide sa Cagayan?

Driver ng jeepney, naidlip habang nagmamaneho; 4 na sasakyan, inararo!

August 16, 2022
Mayor Honey: Mga mag-aaral sa Maynila, ligtas sa COVID-19 at dengue

Mayor Honey: Mga mag-aaral sa Maynila, ligtas sa COVID-19 at dengue

August 16, 2022
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

Pagpapalawig sa enrollment period, hindi pa natatalakay ng DepEd; Enrollees, higit 21.2M na

August 16, 2022
Heaven, sumisid sa dagat: ‘I can see now why freediving is addictive’

Heaven, sumisid sa dagat: ‘I can see now why freediving is addictive’

August 16, 2022
‘Post your cinema list!’ Direk Darryl may challenge #2 para kay  Atty. Vince

‘Post your cinema list!’ Direk Darryl may challenge #2 para kay Atty. Vince

August 16, 2022
Chel Diokno, dinog show ang sarili? ‘Akala ko sa College of Dentistry ako maha-hire!’

Chel Diokno, dinog show ang sarili? ‘Akala ko sa College of Dentistry ako maha-hire!’

August 16, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.