• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Tuesday Vargas, inalala ang mga pinagdaanan: ‘Dati kapag namimili ako, nagdadala ako ng calculator’

Nicole Therise Marcelo by Nicole Therise Marcelo
June 27, 2022
in Balita, Showbiz atbp., Showbiz/Metro
0
Tuesday Vargas, inalala ang mga pinagdaanan: ‘Dati kapag namimili ako, nagdadala ako ng calculator’

Photos courtesy: Tuesday Vargas/IG

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Emosyonal na ibinahagi ni Tuesday Vargas ang kaniyang hirap at sakripisyo na naging daan sa kung ano na ang kalagayan niya sa buhay ngayon.

Sa isang Instagram post, ikinuwento ng aktres na tuwing namimili siya sa grocery palagi siyang nagdadala ng calculator para makita niya kung pasok pa sa budget ang mga binibili niya.

“Dati kapag namimili ako, bawat piraso ng bawang binibilang ko kung kasya ang pera ko. Nagdadala ako ng calculator (kasi pati telepono ko noon mumurahin lang walang calculator) para makita ko kung pasok pa sa budget. Ni wala akong membership sa kahit anong shopping club,” sey niya.

Kuwento pa ni Tuesday, nakakatikim lamang siya noon ng mga imported na grocery items kapag nagpapadala ang kaniyang ina o ‘di kaya’y mga kamag-anak na umuuwi rito sa Pilipinas. Dagdag pa niya, batang palengke kasi siya.

“Nakaka tikim lang ako ng imported na grocery items kapag nagpapa dala ang Mama ko o kaya may kamag anak na umuwi sa Pinas at may pasalubong. Batang palengke talaga ako kung saan lahat de takal at lahat pwedeng tingi tingi lang,” aniya.

Gayunman, nagbunga ang kaniyang pagsisikap sa trabaho maging sa pagnenegosyo kaya’t unti-unti na siyang nakakabili ng mga bagay na gusto niya.

“Pero dahil masipag ako (as in ilan ang trabaho ko) at dahil sa paycheck ko sa business namin ng essential oils, nakakayanan kong mag tabi para maka bili ng healthy na mga pagkain. Aba ang mahal pala ng mga organic, grass fed chururut. Pero mas mainam kasi kung makaka iwas ka sa sakit in the long run, kailangan mag invest tayo sa katawan natin,” sey ng aktres.

Aniya pa, marahil simple raw ito sa iba pero para sa kaniya malaking bagay na ito. Nagagawa na niyang bilhin ang mga bagay na wala nang kaba o pag-aalinlangan. 

“Pwedeng simple ito para sa iba. Pero kasi po kanina naiiyak ako habang nilo load sa cart ang mga bagay bagay at nagawa ko siyang bayaran galing sa pagod at sakripisyo ko nang di ako kinakabahan sa bawat beep ng kahera,” aniya.

“Ang simpleng pag provide sa pamilya ay isang napaka laking source ng pride at joy para sa isang nanay na katulad ko,” dagdag pa niya. 

View this post on Instagram

A post shared by Tuesday Vargas (@tuesday_v)

Tags: Tuesday Vargas
Previous Post

Rica, ibinahagi ang sagot ng panganay na anak noon kapag nakaharap si outgoing VP Leni

Next Post

Marjorie, magsasalita sa takdang panahon; mga anak, bakit nga ba dinededma si Dennis?

Next Post
Marjorie, magsasalita sa takdang panahon; mga anak, bakit nga ba dinededma si Dennis?

Marjorie, magsasalita sa takdang panahon; mga anak, bakit nga ba dinededma si Dennis?

Broom Broom Balita

  • 30 bahay, nasunog sa Pasay City
  • 140,000 sakong ‘puslit’ na asukal, naharang sa Subic
  • ₱220M asukal, nadiskubre sa 2 bodega sa Bulacan
  • 150,000 metriko toneladang asukal, puwede nang angkatin –Malacañang
  • Love wins! Songwriter ng campaign songs ni Leni, magpapakasal sa kaniyang partner sa Australia
30 bahay, nasunog sa Pasay City

30 bahay, nasunog sa Pasay City

August 19, 2022
140,000 sakong ‘puslit’ na asukal, naharang sa Subic

140,000 sakong ‘puslit’ na asukal, naharang sa Subic

August 19, 2022
₱220M asukal, nadiskubre sa 2 bodega sa Bulacan

₱220M asukal, nadiskubre sa 2 bodega sa Bulacan

August 19, 2022
Utos na umangkat ng 300K metriko toneladang asukal, illegal — Malacañang

150,000 metriko toneladang asukal, puwede nang angkatin –Malacañang

August 18, 2022
Love wins! Songwriter ng campaign songs ni Leni, magpapakasal sa kaniyang partner sa Australia

Love wins! Songwriter ng campaign songs ni Leni, magpapakasal sa kaniyang partner sa Australia

August 18, 2022
Maggie, di aatras sa mga kaso; lalaban di lang sa sarili kundi para sa kababaihan, kabataan

Maggie, di aatras sa mga kaso; lalaban di lang sa sarili kundi para sa kababaihan, kabataan

August 18, 2022
Mabalacat City, all set na para sa face-to-face classes sa Agosto 22

Mabalacat City, all set na para sa face-to-face classes sa Agosto 22

August 18, 2022
Alice Dixson, pumalag sa bashers ng pagsusuot niya ng yellow gown sa GMA Thanksgiving Gala Night

Alice Dixson, pumalag sa bashers ng pagsusuot niya ng yellow gown sa GMA Thanksgiving Gala Night

August 18, 2022
Donnalyn Bartolome, hindi na raw natuto sey ng netizens

Donnalyn sa mga bumatikos sa kanya: ‘Bawal na ba maging ako? Nagpapakatotoo lang ako’

August 18, 2022
DJ Chacha, ‘ghinosting’ ng insurance agent: ‘After mabigay bayad parang hindi n’yo na ‘ko kilala’

DJ Chacha, ‘ghinosting’ ng insurance agent: ‘After mabigay bayad parang hindi n’yo na ‘ko kilala’

August 18, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.