• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Mayor Isko, nagpaalam na sa mga opisyal at empleyado ng City Hall

Mary Ann Santiago by Mary Ann Santiago
June 27, 2022
in Balita, National / Metro
0
Mayor Isko, nagpaalam na sa mga opisyal at empleyado ng City Hall

Photo courtesy: Isko Moreno Domagoso/FB

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Pormal nang nagpaalam na si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso nitong Lunes ng umaga sa mga opisyal at empleyado ng City Hall, kasunod na rin nang pagtatapos na ng kanyang termino bilang alkalde ng lungsod sa Hunyo 30.

Kasabay nito, nanawagan rin ang outgoing mayor na suportahan ang papasok na administrasyon ni Mayor-Elect Honey Lacuna at ni President-elect Bongbong Marcos, Jr.

“Maraming salamat at tinulungan nyo ko na maglingkod nang maayos upang maging mapanatag at maayos ang Maynila.  Marami pang hamon.  Kung ano ang dedikasyong ibinigay nyo sa akin para sa mga bagay na tinahak natin sa loob ng tatlong taon, buong-kababang loob akong nakikisuyo na gawin nyo din sa pamumuno ni Honey bilang mayor,” ayon kay Domagoso, sa huling flag-raising ceremony na kanyang dinaluhan.

“I believe that Honey also loves each and every one of you kaya pumanatag kayo, kayang-kaya niyang gampanan ang pagiging mayor.  I believe in her, the people believe in her and we must help and support our incoming mayor,” aniya pa.

Nanawagan din si Domagoso sa lahat ng mga opisyal at empleyado ng City Hall na suportahan ang  national government sa kahit na anong paraan upang ito ay magtagumpay.

“Tumulong din kayo sa national government. We must not pray for government  to fail. ‘Wag nating ipanalanging bumagsak dahil tayo din ang mahihrapan,” sabi ng alkalde.

Ipinangako din niya sa mga Manileño na siya ay patuloy pa ring naririyan lamang ngunit bilang isang pribadong mamamayan nga lamang.

“Sa mga itinulong nyo at pagtitiwala, maraming salamat. We must go on and continue.. itaguyod natin ang Maynila at ang mga Batang Maynila,” aniya pa. 

Tags: Manila Mayor Isko Moreno
Previous Post

MMDA, masusing minomonitor ang sitwasyon ng trapiko sa pagsasara ng Timog Flyover

Next Post

₱62M tanim na marijuana, sinunog sa Kalinga

Next Post
₱62M tanim na marijuana, sinunog sa Kalinga

₱62M tanim na marijuana, sinunog sa Kalinga

Broom Broom Balita

  • 30 bahay, nasunog sa Pasay City
  • 140,000 sakong ‘puslit’ na asukal, naharang sa Subic
  • ₱220M asukal, nadiskubre sa 2 bodega sa Bulacan
  • 150,000 metriko toneladang asukal, puwede nang angkatin –Malacañang
  • Love wins! Songwriter ng campaign songs ni Leni, magpapakasal sa kaniyang partner sa Australia
30 bahay, nasunog sa Pasay City

30 bahay, nasunog sa Pasay City

August 19, 2022
140,000 sakong ‘puslit’ na asukal, naharang sa Subic

140,000 sakong ‘puslit’ na asukal, naharang sa Subic

August 19, 2022
₱220M asukal, nadiskubre sa 2 bodega sa Bulacan

₱220M asukal, nadiskubre sa 2 bodega sa Bulacan

August 19, 2022
Utos na umangkat ng 300K metriko toneladang asukal, illegal — Malacañang

150,000 metriko toneladang asukal, puwede nang angkatin –Malacañang

August 18, 2022
Love wins! Songwriter ng campaign songs ni Leni, magpapakasal sa kaniyang partner sa Australia

Love wins! Songwriter ng campaign songs ni Leni, magpapakasal sa kaniyang partner sa Australia

August 18, 2022
Maggie, di aatras sa mga kaso; lalaban di lang sa sarili kundi para sa kababaihan, kabataan

Maggie, di aatras sa mga kaso; lalaban di lang sa sarili kundi para sa kababaihan, kabataan

August 18, 2022
Mabalacat City, all set na para sa face-to-face classes sa Agosto 22

Mabalacat City, all set na para sa face-to-face classes sa Agosto 22

August 18, 2022
Alice Dixson, pumalag sa bashers ng pagsusuot niya ng yellow gown sa GMA Thanksgiving Gala Night

Alice Dixson, pumalag sa bashers ng pagsusuot niya ng yellow gown sa GMA Thanksgiving Gala Night

August 18, 2022
Donnalyn Bartolome, hindi na raw natuto sey ng netizens

Donnalyn sa mga bumatikos sa kanya: ‘Bawal na ba maging ako? Nagpapakatotoo lang ako’

August 18, 2022
DJ Chacha, ‘ghinosting’ ng insurance agent: ‘After mabigay bayad parang hindi n’yo na ‘ko kilala’

DJ Chacha, ‘ghinosting’ ng insurance agent: ‘After mabigay bayad parang hindi n’yo na ‘ko kilala’

August 18, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.