• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Marjorie, magsasalita sa takdang panahon; mga anak, bakit nga ba dinededma si Dennis?

Richard de Leon by Richard de Leon
June 27, 2022
in Showbiz atbp.
0
Marjorie, magsasalita sa takdang panahon; mga anak, bakit nga ba dinededma si Dennis?

Marjorie Barretto at Dennis Padilla (Larawan mula sa Manila Bulletin/YT)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Darating daw ang takdang panahong babasagin na ni Marjorie Barretto ang kaniyang katahimikan at magsasalita na sa isyu ng pandededma ng kaniyang mga anak sa tatay nilang si Dennis Padilla.

Lumala ang balita tungkol dito dahil sa isyu ng pagkalimot umano nina Julia, Leon, at Claudia Barretto na batiin ng “Father’s Day” ang kanilang ama.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/23/dennis-padilla-nagtampo-kina-julia-leon-at-claudia-dahil-hindi-siya-binati-noong-fathers-day/

Naglabas naman ng open letter si Leon Barretto para kay Dennis upang ipaliwanag ang kanilang panig. Marami raw kasing bashing na natatanggap ang magkakapatid mula sa mga netizen dahil sa mga “false narratives” na ipino-post ni Dennis sa social media.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/26/leon-sa-amang-si-dennis-is-public-sympathy-really-more-important-than-your-own-children/

Kaagad namang tumugon si Dennis at naglabas din ng open letter para sa anak. Tinanong din niya si Leon kung ano ang mga sinasabi nitong false narratives na nai-post niya laban sa mga anak.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/27/dennis-nag-sorry-kay-leon-naglabas-din-ng-open-letter-miss-ko-lang-kayo/

Ayon kay Ogie Diaz sa kaniyang vlog na “Showbiz Update”, natanong niya si Marjorie kung kailan ito magsasalita tungkol sa isyu. Nagkasama ang dalawa para sa thanksgiving event na inihandog ng Team Robredo-Pangilinan sa mga volunteers noong nagdaang kampanya.

Sinabi umano ni Marjorie na sasabihin din niya balang araw kung saan nag-uugat ang trato ng mga anak sa kanilang ama. Matatandaang hiwalay na sina Dennis at Marjorie.

“Regarding sa issue ng tampo ni Dennis Padilla na hindi ito nabati ng kanilang mga anak, sinabi lang ni Marjorie na ‘In time’ o darating din yung oras at panahon na magsasalita rin siya para mas maintindihan ng mga tao ang totoong sitwasyon,” ani Ogie.

“Umaasa rin si Marjorie na poproteksyunan pa rin ni Dennis ang kanilang mga anak sa lahat ng pagkakataon,” dagdag pa ng showbiz columnist.

Samantala, iba-iba naman ang reaksiyon at komento rito ng mga netizen.

“Sana magkaayos na kayo! Pamilya pa rin talaga ang magkakasama hanggang dulo.”

“Palagay ko, kahit na anong ugali o kahit na ano pa ang tatay mo, dapat pa rin siyang igalang. Kahit ano o sino pa siya, dapat nagpapakumbaba ang mga anak.”

“Dennis, huwag mo naman sanang ilagay sa alanganin ang mga anak mo kasi sila ang nababash, dahil sila ang mga anak.”

“There’s always two sides of the story… I feel sad for leon and his siblings.”

“Pls settle your personal issues privately. Communication is very important in making sure that all issues are being addressed and posting thru socmed will only give many interpretations that will either be positive or negative. Yes, who are we to give comments on this?! But posting it is only a sign that everyone has the right to plunge into your private lives.”

Tags: dennis padillamarjorie barretto
Previous Post

Tuesday Vargas, inalala ang mga pinagdaanan: ‘Dati kapag namimili ako, nagdadala ako ng calculator’

Next Post

Booster shot para sa mga bata, hiniling maisagawa bago magbalik-eskuwela

Next Post
Booster shot para sa mga bata, hiniling maisagawa bago magbalik-eskuwela

Booster shot para sa mga bata, hiniling maisagawa bago magbalik-eskuwela

Broom Broom Balita

  • Mahigit 10,000 litro ng oily water mixture, nakolekta ng PCG
  • John Riel Casimero, ibinenta ang WBO belt sa halagang ₱1.2M
  • PNR, may 4-araw na tigil-operasyon sa Mahal na Araw
  • Maja Salvador, ‘di lalayas sa Eat Bulaga
  • Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.6 na lindol
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.